Maaga akong nagising. Ngunit ramdam kong namumugto ang aking mga mata Halos magdamag rin akong umiyak kagabi. Ang tanging pagtangis lang tuwing gabi ang ginagawa ko. Dahil sa pag-iyak kong ginagawa doon ko lang nailalabas ang naiipon na sakit ng aking dibdib.
Kung hindi ko naman iyon gagawin baka magkasakit ako sa puso. Lumabas ako ng silid upang dalhan nang makakain si David. Magaan kong itinulak ang pinto upang mabuksan. Mahimbing pa itong natutulog kaya ibinaba ko muna ang kanyang pagkain upang asikasuhin ang pampaligo rin ni David.
Lumabas ako ng banyo at nakita kong gising na si David.
"Kumain ka na, honey.
"Kailan kaya ako magiging na sexy at magandang babae ang mabubungaran ko sa umaga ng gumanda naman ang araw ko, pahayag ni David. Nasaktan na naman ako sa sinabi nito.
Hindi ako nagsalita sa pasaring ng aking asawa. Tinigasan ko ang aking puso at nagkunwari na hindi siya naririnig. Itinaas ko ang kutsara upang subuan ito. Ibinuka naman nito ang bibig.
Hanggang kailan ka mag-titiis sa katulad kong lumpo? Patuloy nang lalaki. Oo nga pala isa nga pala akong milyunaryong lumpo.
Nagbilang ako ng sampu sa loob ng utak ko. Upang magkaroon ng sapat na kalma. Gusto kong alugin si David. Pero na ngangamba ako na baka mabinat ito kaya nagtimpi na lang ako. Sinaliri ang hinanakit ko.
Papaliguan na kita David. Walang magandang patutunguhan ang usapan ito. Kahit anong sabihin mo na masasakit na salita sa'kin. Hindi mo ako mapapaalis sa bahay mo. Dahil sabi ko nga sayo may goal pa ako.
Itigil mo na rin ang paghahanap ng lalaki para sa'kin. Dahil sa puso ko. Ikaw lang ang tanging iibigin ko. Mapakapagod ka lang David dahil wala akong interes kahit sinong lalaki maliban sa'yo.
Ang dapat mo lang intindihin ay ang pagpapagaling mo at pagpapalakas ng katawan mo para sa operasyon mo! At kung gusto mo talaga akong maidispatsa agad. Hindi ka pweding mabinat David. Dahil matatagal pa bago mo makamit ang gusto mo na mapalis ako dito sa bahay mo. Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng iritasyon nang bumuka ang aking bibig.
"Salamat sa paalala," salo ni David. Maikli pero sarkastiko.
Bumuntong hininga ako upang kalmahin ang aking sarili. Nabigla din ako sa haba ng aking mga sinabi.
SINUNOD ni David, ang payo ko. Hindi na muling nag- imbita ng lalaki si David. Itinutok ang buong atensiyon sa pagpapagaling at pagpapalakas ng katawan.
Matalis pa rin ang dila ng lalaki. Malimit pa rin akong insultuhin. Pero hindi na ako tinatablan ng sakit. Hindi na ako maapektuhan ng masasakit na salita nito.
Nagsigaling na rin ang mga dating sugat ni David. Matuling lumipas ang mga linggo at mga buwan. Panaka-naka nakakatanggap kami nang mga tawag o notes mula sa aming mahal sa buhay. Inaalam kong ayos lang ang kalagayan namin.
Wala silang alam sa nangyayari samin mag-asawa, dahil ayaw ko rin mag-alala sila lalo na ang mga magulang ko. Halos manumbalik ang dating katawan ng aking kabiyak.
Minsan na rin akong humingi ng permiso sa doktor, tungol sa sexual activities na pasyente.
"Puwedeng-puwede na, iha. Hindi bawal ang sex sa pasyente natin. May kaunting adjusments lang sa mga posisyon, siyempre--at konting ingat. TLC lang muna. Tender loving care lang palagi. Hiyang-hiya ako noon nagtanong ako pero hindi naman ako nagsisi.
Sumandal ako sa sopa at humugot ng buntong hininga. Gustong-gusto ko na talagang magka baby.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang kanina pa kita tinatawag Hanna. Nagsasawa ka na bang alagaan ako? Dahil hindi mo pinapansin ang mga tawag ko sayo," galit na bulyaw sa'kin ni David.
"Patawad! Meron ka bang ipag-uutos? Tanong ko.
"Kung nagsasawa ka nang alagaan ako malaya kang umalis ng bahay ko. Walang sinuman ang pipigil sayo Hanna.
"Umiiling na lang ako sa kasungitan ni David. Konting pagtitimpi pa, mahina kung bulong.
*LUHA*
BINABASA MO ANG
LUHA/Completed
RomanceLUHA Magsasama kayo sa hirap at ginhawa. Ngunit sa kaso ni Hanna ito ay naging sa hirap at kapaitan. Sapagkat habang papunta sila sa kanilang pulot-gata ay hindi sinasadya mangyari ang isang malagim na trahedya na sinapit nila ng kanyang asawa. Wal...