"Naku, Ma'am, nagwawala po si Sir!" Ang pabulalas na salubong sa'kin nang isang kasambahay. Hindi pa nga ako halos nakakapasok sa loob ng gate. Nakikita ko rin ang takot sa mukha nito.
"Pakidala mo na nga ito, Inday." Ibinigay ko ang dalawang supermarket bag.
"Bakit daw?" Tanong ko sa mga ito.
"Wala po kasi kayo, ma'am, nung hinanap ni Sir David.
"Inalok n'yo ba ng meryenda?"
"Opo, kaya lang sinigawan po si Manang, pati po ako'y sinigawan din, pahikbing wika ni Inday. Nabitawan ko po kasi ang telepono.
"Nasaan siya ngayon? Tanong ko.
"Nasa kwarto po, ma'am.
Inakbayan ko ang katulong at tinapik-tapik sa balikat nito. Pumasok na kami sa front door." Nasaan si Manang?
"Nasa kusina po.
"Nagluluto na ba ng hapunan? Tanong ko.
"Opo, Ma'am.
Sakusina na kami nagtuloy. Naabutan ko si Manang na nagluluto nang hapunan namin. Mamula-mula rin ang mga mata nito, halatang galing sa pag-iyak.
Mabuti naman po at nandito na kayo Ma'am, wika ni Manang. Parang nabunutan ng tinik ang mukha nito.
Hindi ko akalain na gagabihin ako. Sana'y pagpasensiyahan ninyo na si David. Alam naman ninyong kaya laging mainit ang ulo ng asawa ko'y dahil sa kalagayan niya, hingi ko ng paumanhin sa mga ito.
"Natakot lang po talaga kami sa sigaw ni Sir David, ma'am. Mabuti na lang at nandito na kayo,ma'am.
"Maraming salamat sa inyon lalo na sayo, Manang.
"Huwag mo kaming alalahanin hija.
Maliksi na ulit ang kilos nang dalawang kasambahay. Manang pakiayos nga ang trolley. Doon mo po iayos ang mga pagkain manang. Samahan din ho ninyo ng prutas. At pakilagyan din po ng kandila. Samahan din po nang dalawang kopita na alak, bilin ko kay Manang.
"Opo, ma'am. Hindi agad tumalima si Manang at walang kakurap-kurap na nakatitig sa'kin. Gayundin si Inday hindi rin kumukurap habang nakatingin sa'kin.
"Bakit, kayo nakatingin? Taka kong tanong sa mga ito.
"Ang ganda-ganda ninyo po pala ma'am! Bulalas ni Inday."Inday! Saway ni Manang. Mas matagal nang naninilbihan kaya may kontrol ang dila.
"Okey, lang Manang. Salamat sayo Inday.
"Pakihatid n'yo ang mga pagkain sa kwarto ni David, kapag naluto na ha. Habilin ko sa mga ito bago tumalikod.
"Opo, ma'am.
Umakyat na ako patungo sa kwarto ni David, kahit may kaba sa'king dahil sa gagawin kong plano ngayong gabi. Sanay lang ay maging maganda ang resulta nang aking gagawin. At huwag akong ipagtabuyan ni David.
"Manang! Manang! Inday! Nasaan na kayo! Magsipunta nga kayo dito!"
Tumagil ako sa tapat ng pintuan. Hindi muna ako pumasok sa kwarto ni David. Sa'king kwarto ako tumuloy upang mag shower. Maliksi ang aking pagkilos. Naglagay ako ng pabango sa iba't-ibang pulso ng aking katawan. Bago ko isinuot ang bagong bili kong black negligee, pero itinago ko iyon sa suot kong maluwang na besteda.
Ang buhok ay maingat kong ibinalot sa bandanang kulay itim. Tumingin ako sa salamin at kapansin-pansin ang kutis kung mamula-mula.
Lumabas na ako na aking silid at lumakad patungo sa kwarto ni David. Kumatok muna ako sa pinto nang master's bedroom.
"Tuloy!" Parang lumusot sa solidong dahon ang bangis ng tono ni Divid.
Pinihit ko ang sersdura at marahang itinulak pabukas.
"Ikaw?" Nagulat si David pagkakita sa'kin. Pero nakabawi agad. "Bakit? nandito ka?
Hindi ba't sinabi kong huwang ka ng umuwi dito?" Sunod-sunod agad ang pag-atake. Namumula ang mukha at leeg sa galit. Gulo-gulo ang maikling buhok. Parang sinabunutan ang sarili. Ang padyama ay gusut-gusot. Nakakalat ang maraming bagay sa paligid ng kama. Parang pinagbabato, sanhi ng matinding pagkayamot.
Magandang gabi sayo, David," ang banayad na pagbati ko. Nilapitan ko ang wheelchair na nakatumba sa paanan ng kama. Puwedeng iyon ang unang napagbuntunan ng galit ni David
Paparating na ang hapunan. Gusto mo bang magpunta muna sa banyo?" Kalmado pa rin na taong ko.
"Damn you! Sagutin mo ang tanong ko, Hanna! Bakit umuwi ka pa dito?" Mga singhal pa rin ang isinagot si David.
"Dito ako umuuwi. Nandito ang asawa ko. Puwede bang magtanong ka naman ng medyo kumplikado?"
"Puwes, sino'ng kasama mo? Bakit umalis ka ng walang paalam?"
"Wala akong kasma. Nagpaalam ako kina Manang at Inday. "Yung mas kumplikado pa, David.
"Ano'ng mas kumplikado pa ang gusto mong marinig?"
"Wala ka bang napapansin sa akin?"
Hindi agad nagsalita ang lalaki. "Ano'ng dapat kong mapansin sayo?" Ang iritableng tanong nito habang nakatitig sa'kin.
"May naaamoy ako. Nagpabango ka bago umalis! Sinungaling ka, Hanna! Nakipagkita ka sa lalaki mo!"
*LUHA*
BINABASA MO ANG
LUHA/Completed
RomanceLUHA Magsasama kayo sa hirap at ginhawa. Ngunit sa kaso ni Hanna ito ay naging sa hirap at kapaitan. Sapagkat habang papunta sila sa kanilang pulot-gata ay hindi sinasadya mangyari ang isang malagim na trahedya na sinapit nila ng kanyang asawa. Wal...