11

271 10 0
                                    

"Huh? dyan ang kwarto mo?" gulat kong tanong kay Miggy

Ang dami daming kwarto magkatabi pa kwarto namin.

"Oo feel free d ba sabi ni Kuya Mori, hindi ka din makatulog?"

"Hindi nga e kahit dapat e pagod ako sa byahe"

"pano ka mapapagod ako lang naman nagmaneho" bulong nya

"ano? may sinasabi ka?" taas kilay kong sabi

"sabi ko kung gusto mo mag night market tayo ako magmamaneho"

Agad naman akong naexcite sa sinabi nya "tara  sama naten iba"

"Wag na, mga tulog na baka mga pagod aabalahin mo pa" tanggi naman nya

"O edi tara na"

Nagpark muna sya, pagbaba pumunta na kami agad sa bilihan ng foods.

"Anong gusto mo?" tanong ko

"ikaw" sabi nya

Gulat akong napatingin sa kanya, ang bilis ng tibok ng puso ko na animo'y lalabas na sa dibdib ko. Ramdam ko din na namumula ang pisngi ko kaya umiwas na agad ako ng tingin.

"Ikaw anong gusto mo kako, bibili na muna ko ng saken habang wala ka pang napipili" agad nyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad sa mataong namimili.

para akong nakukuryente sa hawak nya, nakasunod lang ako sa kanya. Bumili sya ng shawarma at buko juice

"Nakakita ka na ba ng gusto mo?" tanong nya

"Anong gusto mo?"

"ikaw" ngiting nangaasar kong sabi sa kanya

agad naman nyang nilapit ang muka nya sa muka ko at nagsalita "Talaga ba?"

Tangina shet d ako prepared patola pala tong isang to. Kitang kita ko ang asul na mata ang ganda. Agad naman akong umatras

"Joke lang napakapatola nito" namumula kong sabi sabay iwas ng tingin.

iiling iling syang ngumingisi at nagsasalita "Alam mo bang jokes are half meant, baka iba na yan"

"Che! napaka feeling mo" sagot ko

"Magjojoke ayaw panindigan, so ano ng pagkain ang gusto mo?" pangaasar pa nya.

"nakakahiya naman pero sige p-penoy na lang saka kwekkwek tapos shawarma samahan mo na din ng mais" sabi ko

"Hindi ka gutom? ang konti e" sarkastiko nyang sabi

"Hindi masyado" sagot ko naman.

Umupo kami sa mga mesa sa Burnham.

"Anong gusto mo? tubig o BJ?" alok ko

agad naman syang namula sa sinabi ko, dun ko napagtanto na mali pala tanong ko.

"ano kasi may pagkain ka pa ubos na buko juice mo ano gusto mo tong tubig o tong juice?" pagpapaliwanag ko pa

"tubig na lang para safe" sagot naman nya habang nakangiti.

Tumingin kami sa relo at napansing 2am na "Tara na balik na tayo" naglakad kaming muli habang hawak nya kamay ko.

Instant jowa naman mygad.

Pagbukas namin ng pinto sa mansyon, halos lahat ay gising. Palipat lipat ang tingin ng mga kaibigan ko saken, "oh" naman ang reaction ng mga tropa nya. Nakangiti naman ang mga kapatid nya pati ang kapatid ko.

"a-ano nag night market lang kami" sabi ko habang nakatungo

"wala naman kaming tinatanong pa" nakangiting sabi ni Mori

"Bakit gising na kayo?" tanong ni Miggy

"Nagising kasi si Justin nakitang wala si Kai, hinanap nya hindi makita. Ginising kami" sagot ni Jay

"Hindi naman namin alam na nag date pala kayo" dugtong pa ni Pao

"Hindi kami nagdate, kumain lang kami kasi d kami makatulog" sagot ko naman

"Kwento mo sa pagong" natatawang sabi ni Yani.

"O sya inaantok na ko, busog e" paalam ko sa kanila, mabilis akong pumasok sa kwarto at hindi na lumingon pa.

Kinaumagahan napansin kong wala pa ding tao sa kwarto, bumaba na ko sa kusina at naabutan ang mga kaibigan kong nagkakape.

"Hindi kayo natulog?" tanong ko sa kanila

"natulog naman talagang ang haba lang ng tulog mo, sarap sarap e parang may maganda kang panaginip" sagot ni Rei

"hoy bakla umamin ka nga, ano ng ganap senyo nung antipatiko mong kapitbahay kuno?" -Justin

"sinabi ko na kagabi nag night market kami, lumabas kasi ko ng kwarto at d ako makatulog. Nakita ko sya palabas ng kwarto nya e katabi lang pala ng kwarto natin kaya ayun, nagkayayaan" kwento ko

Nagkatinginan naman si Yani at Chin.

"huh? e ang katabi nyong kwarto, yung samen at yung kila Kie. Nasa babang kwarto yung kay Miggy. Yung mga nagsolong room sa baba" pagtatakang paliwanag ni Chin.

"Jusko ano yung kasama ko kagabi? Multo" medyo takot ko pang sabi

"GAGA" sabay sabay nilang sabi

"ewan ko sayo ganda ka sana tanga ka lang talaga"- Yani

"multo multo oo igghost ka sa kagagahan mo"- Justin

Sasagot pa sana ko ng pero nahagip na ng mata ko si Mori "Hi girls, Hi Rei"

Nagkatinginan naman kami habang si Rei nakatingin pa din kay Mori

Siniko sya ni yani "Hoy ano yun?"

Tawa naman ng tawa si Chin "amin amin din" bulong nya pa

Tumunog naman ang phone ni Yani napatingin ako sa screen "Nicholas" agad nya itong kinuha at lumayo samin saka sinagot ang tawag.

Unti unti na din nagsibaba ang iba sa kusina pati na din si Miggy. Ngunit ako'y nakatingin pa din kay Yani, ng marinig ko ng para syang nagpapaalam, agad akong lumapit.

"Hoy Alyanna Lopez ano yun? may relasyon kayo ni kuya Nick?" pabulong kong sabi pero alam kong rinig nya

"Kapag Nicholas sya agad? ang daming Nicholas sa mundo Kai" sagot nya

"tigilan mo ko, hindi ka nga makatingin sakin. Sus so mukang magiging magkamaganak pa pala tayo" ngiting sabi ko

"gaga tara na dun, wag ka munang maingay sa iba"

Hindi nya pa inamin sakin e mukang ganun din naman yun.

Naririnig ko ng nagsasalita si Kuya Mori "so ngayon Burnham Park tayo, The Mansion, Diplomat kung san nyo trip pumunta. Pagkasyahin na lang naten mga sarili natin sa van para sama sama tayo tapos sa gabi sa Night Market tayo, tingin mo Miggy?"

"bahala ka na punong abala" sagot naman ni Miggy lahat naman kami ay natawa

Nagkasya naman kami sa Van. Si Mori ang nagdrive si Kie at Mike ang nasa unahan

Van seating arrangement.

Mia-Miggy-Kai-
Rome-Chin-Yani-Rei
Pao-Justin-Axel
Jay-Patrick-Ron

Gumala kami at walang kamatayang nagpicturan, may mga jump shot at wacky post pa.

"Uy bakla kaya pala tayo nandito, bukas pala ang main event" bulong ni Justin

Kunot noo ko syang tinignan, "Main event?"

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon