3 - Miggy

389 10 3
                                    

"Miggy, Mori, Mike, Mia" sambit ni lola

"Umuwi na kayo ng Pinas, sa Manila nyo na ipagpapatuloy ang pag aaral nyo"

"sa Manila? hindi ba sa Laguna?" tanong ni Mori

"kung gusto mo umuwi ka ng Laguna habang nag aaral sa Manila, pwede naman pero huwag kang magrereklamo saken na napapagod kang maguwian" sagot naman ni lola

"hahahaha" - Mike

Biglang natahimik si Mike dahil sa pagtitig ng masama ni lola.

"Bakit biglaan ang paguwi namin?" sabi ko

"May mga kelangang ayusin ang tatay nyo sa Pilipinas, kaya na ng ate mo ang negosyo dito. Gusto na ding umuwi ng tatay mo at hindi kayo pwedeng magpaiwan lalo na kayong mga lalaki baka sumakit lang ang ulo ng ate mo, imbis na negosyo ang maalagaan kayo pa ang alagaan"

Paalis na ang lola ng muli pang nag salita "ayusin na ninyo ang gamit nyo bukas ng umaga ang flight nyo".

.....

Nakalapag na kami ng Pinas at sinundo kami ni Mang Israel kasama ang caretaker na si Mang Milo.

"Hindi ba pwedeng sa Laguna na lang muna tayo dumirecho?" ani Mike.

"bilin po ni donya Marga na dito daw po kayo ituloy, may mga papeles po kasi kayong kelangan pirmahan at asikasuhin para sa pag transfer nyo sa school nyo" sagot ni Mang Milo.

Huminto na ang aming sasakyan at napagtantong nandito na kami sa harapan ng bahay ng gate. Wala pa ding pagbabago nagkaroon na lang ng mga nagtataasang bahay pa sa paligid.

Pumasok na kami at agad na dinala kami ni Mang Milo sa kanya kanya naming kwarto.

"Mike tawagan mo nga sila Jay sabihin mo nandito na tayo, ibigay mo na din ang address ng bahay" sabi ni Mori kay Mike.

Lima kaming magkakapatid. Si Monroe ang panganay she handle our business in US. Mori ang sumunod isang taon na lang at gagraduate na. Ako ang pangatlo 3rd year Engineering. Si Mike ang sumunod at si Mia ang bunso. Masyadong masipag ang magulang namin.

"Magpapahinga na muna ko para may lakas ako mamayang gabi" pumasok ako sa aking kwarto at binuksan ang bintana saka humiga at natulog.

Nagising ako sa ingay ni Mia, tong babaeng to kala mo laging nakalunok ng mic e.

Lumabas ako ng kwarto "Mia ang ingay mo ano na namang nginagawa mo dyan!"

"Si kuya mike kasi pinauuwi ako kay Daddy sa Alabang e ayoko nga uutusan lang ako ng uutusan ni daddy dun" pagmamaktol ni Mia.

Lumapit saken si Mike at bumulong "utos lang ni Kuya Mori d ba nga pupunta sila Jay mamaya, baka magsumbong pa kay Daddy yan"

"Mia-" naputol ang sasabihin ko ng biglang lumabas si Mori at lumapit samin at sinabihan si Mia "Nagtxt si dad Mia punta ka munang Alabang, Mang Israel pakihatid na muna si Mia kay daddy sa Alabang"

"bye baby sis see you when I see you" Ngiting sabi ni Mike

"I HATE YOU A$$HOLES" sigaw ni Mia habang nagpapadyak palabas ng bahay.

Babalik na ko ng kwarto ng biglang nagsalita si Mori "Miggy lalabas na muna kami ni Mike bibili kami ng maiinom mamaya"

"sige ingat" sagot ko.

Pilit kong kinukuha ang tulog ko pero wala na nanuod na lang ako ng Purge sa netflix. Pagtapos ay binuksan ko ang bumble app ko.

*it's a match

Kei, 19,

Mabilis lang kaming nag usap dahil dumating na sila kuya at kelangan ko na ding mag ayos. Nagsisidatingan na din ang mga kaibigan namin na halos lahat ay galing ng Laguna.

"Bro long time no see, tinawag ko na ang barkada nung nagtxt si Mike" Jay.

Maya maya pa ay nagsimula na ang party. Ang iba ay medyo may tama na din. Lumabas muna ko saglit ngunit may commotion sa may gate.

"Bert anong problema?" tapik ko sa aminy gwardya

Magsasalita pa sana si Bert pero nagsalita na ang babae "Pwede po bang pakihinaan ng music kasi medyo malakas hindi kami makatulog"

Tinitigan kong maigi ang kanyang muka, simple pero may dating, matangos ang ilong mahaba ang pilikmata.

"Miss friday naman ngayon lahat ay nagsasaya, ikaw lang yata tong matutulog"

"Sorry to disappoint you, pero hindi lahat. May pasok ako bukas kaya kung pupwede pakihinaan ng music nyo ng makatulog naman ang kapitbahay nyo." ramdam ko ang pagkairita sa kanyang boses.

"at kung hindi? anong gagawin mo miss" nakangiti kong sabi habang tinitignan sya mula ulo hanggang paa. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi, napakaganda.

"Tatawag ako ng pulis" paalis nyang sinabi

"Go ahead!" natatawa kong sagot.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon