26

242 4 0
                                    

Tatlong buwan na ang nakakalipas ng mangyari ang kasal ni ate Monroe.

"Buti naman nandito ka na" bati ni Richard

"good morning naman sayo, 5 minutes lang akong late. Ibawas nyo sa sahod ko para fair. Okay na?" sabi ko naman

"May meeting tayo, 10 minutes na lang"

Hawak ko ang financial statement ng kumpanya, maganda ang performance ng kumpanya at muka namang natutuwa ang mga stockholders sa pamamalakad ko.

"So I call this meeting para malaman ang mga concerns nyo, kung may mga problema bang nangyayari. So that we know kung may kelangan remedyohan, iadjust at iimprove pa" Nakangiti kong sabi sa kanila

"Well ma'am we are really impressed on your performance, Don Lucas is really great mentoring you" sabi ng pinakamatandang director ng finance

"Thank you for that, by the way gusto ko din sanang malaman yung mga hinaing ng mga empleyado natin kaya if may concerns sila, please let me know. Mas maganda ang performance ng kumpanya kung lahat ay masaya. Maski sa maintenance pa yan"

Tumango naman silang lahat.

"Any question?"

"Okay go back to work, meeting dismissed"

Alam kong nung una ay kinakabahan pa sila sakin at hindi ko naman sila masisi dun. Lumabas na silang lahat maliban kay Richard.

"Tama na impress na sila mag lunch out na tayo" aya nya saken.

Lumabas kami ng building, gamit ang sasakyan nya dumirecho kami sa SM Sucat

"Pretty na brainy pa" bola ni Richard

"Oo na libre ko na, dami pang hanash"

"May something ba kayo ni Mr. Madrid?" taka nyang tanong

"Sino? si Maurice?" tanong ko

"Hindi, si Miguel"

"Meron kaming nothing nun" sagot ko

"Well kung hindi mo napapansin, kapag may board meeting, stockholder meeting lagi lang syang nakatitig sayo. Tapos kapag nakikita nya tayong magkasama kung nakakamatay lang ang titig nya malamang patay na ko"

"Imaginations mo yan. Malamang nagsasalita ako kaya saken sya nakatingin."

"Kahit iba nagsasalita sayo nakatingin? unless nagsasalita ka nun na walang sounds" tawa nyang sabi

Nag kibit balikat lang ako sa sinabi nya, ayoko ng mag assume pwede ba. Aasa na naman ba ko sa mga ganung paandar nako hindi na.

"Hoy Kai" tawag ni Richard

"A-ano?

"Wala ka na naman sa katinuan, sabi ko may nakilala ako sa bar last week"

"O kamusta naman? pogi?"

Nakita ko ang pagbago ng aura ng muka nya "o bakit? ano? panget ba?"

"Babae" sagot nya

Napaawang naman ang labi ko sa sinabi nya "OMG tomboy ka na?"

"Sira, may nangyari samin"

"Oh tapos?"

"Anong tapos? may nangyare samin Kai" inis nyang sabi

"Jusko naman pavirgin ka pa, ilang taon ka na ba?" ngingising kong sabi.

"Kinakabahan ako pakiramdam ko nabuntis ko"

Natawa lang ako sa sinabi nya "wag kang mag alala willing ako magninang"

"Hay nako Kai ewan ko sayo, seryoso ako"

"Wag mo muna isipin wala pa naman, saka mo na-" d ko na natuloy kasi may sumingit

Someone cleared his throat "Can I join?" singit ni Miggy

"Sure" Richard said

Tinitignan ko si Miggy. He's wearing tux, nakaladlad ang medyo wavy nyang hair, yung tangos ng ilong nya, yung blue eyes nya ang ganda pa din walang pagbabago. Yung lips nya na color pink. Tangina bakit ang gwapo.

Nakaramdam ako ng may sumipa sa paa ko sa ilalim ng lamesa at tinignan si Richard na umiinom ng soda habang nakangiting iiling iling.

Inirapan ko naman sya. At uminom ng coke.

"San ka galing pare?"- Richard

Nabulunan ako sa lalaking lalaking tono ni Richard.

"Galing ako sa Airline, e wala pala ang CEO. Nakikipaglunch out daw sabi ng sekretarya nya" sabi nya habang nakatingin saken

"Ah oo inaya ko na mukang stress after ng meeting e"

"ah ganun ba buti naman hindi ako nakakaabala sa inyo" sabi nya with sarcasm

tumunog ang phone ni Richard, tumayo naman sya "wait excuse me, i need to take this"

"So Richard huh?" tanong nya habang inis na umiiling

"Oo, why not?" sagot ko naman sabay tingin sa labas

"Simula ngayon pupunta ko sa office nyo tuwing lunch. Lunch out o hindi sabay tayong kakaen"

napatingin naman ako sa kanya "huh? anong pinagsasasabi mo? kelangan kong makihalubilo sa mga katrabaho ko.

"Okay pero sabay tayo, kasama mo ko" casual nyang sabi

"Ihahatid at susunduin kita" pagpasok at pag uwi.

Tumingin ako sa kanya "Hoy Mr. Miguel Madrid ano ko batang may school service? tatay ba kita?"

"Hindi, tatay ng magiging anak mo oo"

Nagvibrate ang phone ko kaya hindi ko na sya nasagot

Richard:
Nauna na ko, may emergency.

Nakakainis naman to ngayon pa talaga may emergency.

To Richard:
Sinabay mo na sana ko tapos naman na ko kumain

Richard:
Hindi ako sa office dederecho may dadaanan pa ko

Magrereply pa sana ko ng hablutin ni Miggy ang phone ko.

"Ayokong may kausap kang iba kapag ako ang kasama mo, tapos na ko halika na sumabay ka na saken"

Napaawang ang labi ko sa gulat dahil sa pinagsasabi nya.

"Kai" sigaw nya

"Eto na nga o, naglalakad na"

Hinawakan nya ang kamay ko papunta sa sasakyan nya at tulad nga ng sinabi nya hinatid nya ko sa opisina ko.

Napatingin naman ang mga empleyado dahil nakita nilang magkahawak ang kamay namin ni Miggy.

Nakarinig na ko ng iba't ibang bulungan

Si sir Miggy ba at ma'am Karina?

Sila ba?

Bagay sila ma'am at sir

Di ba sila ni Sir Suarez?

Pagdating namin sa loob ng office ko bumitaw na ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo nakikita ng mga empleyado ko, mapagkakamalan pa"

"O edi maigi para alam nila kung para kanino ang para kanino" sagot naman nya

"Ano bang problema mo Miggy?"

"Ikaw"

"Ako? anong problema mo saken? hindi naman na kita inaano"

"Yun nga e hindi mo na ko inaano kaya naiinis ako"

"huh? anong ano?" naguguluhan kong sabi.

"Tapos na tayo Miggy, matagal na. Pinagpalit mo nga ko kay Mimi di ba? Remember?"

"Yan yan hindi ko alam kung san galing yang pinagpalit kita, hindi naman kita kahit kelan pinagpalit" humarap sya saken "Kahit kelan Kai hindi kita pinagpalit, nandito ka pa din" sabay turo sa dibdib nya.

Nakita ko ang pagtulo ng luha nya at saka sya umalis.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon