19

219 7 0
                                    

Nagpatuloy pa ang ganung eksena sa rooftop.

"shhhh"- Yani

"magiging okay ka din eventually, iiyak mo lang ngayon"- Rei

"Nandito lang kami palagi ha" maluha luha na ding sabi ni Chin

"Hindi ko alam kung nagkulang ako o sumobra, hindi ko alam kung anong mali. Sabi nya aayusin lang daw nya acads nya na magcool off muna, pero 1 buwan na. Aasa pa ba ko?" humihikbi ko pang sabi.

"cool off? parang break na din yun, sinasabi lang nila yun para kapag hindi nagwork out yung pinalit nila babalik sayo, wag ka ng umasa. Move on na"- Chin

"May dalawang buwan ka pa para mag move on ha damhin mo lang ang sakit. Sa review dapat wala na yan te para focus ha" nakangiting sabi ni Yani.

Niyakap ko silang lahat.

A month after that incident I receive a message from Mimi sa messenger

Kamusta?

Ah eto okay naman,
medyo magiging busy
na sa mga susunod.

Congrats sa inyo
nakita ko mga grad post
nyo last month

Oo nga e,
ikaw kamusta ka?

Okay din medyo
nagboboom na yung
bar na pinatayo ko

Wow good to hear.

Hey, oo nga pala.
Nanliligaw sakin si Miggy

Miggy who?
Miggy my ex?

Ah oo ininform lang kita,
tutal wala naman na kayo.
Okay naman siguro kung
sagutin ko kung sakali.

Ah oo walang problema,
uy out na ko ha mag aayos
pa kasi ng gamit.

Oh sure, sure.
Ingat goodluck

Sa inyo din.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabing yun ni Mimi.

It was a typical sunday night, watching some random movies on netflix. The what you call "netflix and chill" thing.

But I'm just staring at the tv, my mind goes off to somewhere. That boy named Miguel Madrid.

Si Miggy.

Mamarkahan ka lang tapos iiwanan ka, tangina!

Sasabihing "oo mahal kita" pero hindi naman pala.

Yung sinabi nyang "wag mo pagselosan yun kasi wala naman yun" ayun sila na, masaklap? kaibigan mo pa. Dati hindi ako naniniwala sa mga memes sa fb na madaming ahas sa siyudad, akala ko nasa gubat lang talaga. Pero iba pala kapag naranasan mo na.

Lahat ng kaibigan mong babae sinabi ng "kapag wala ka may ibang kasama yan" pero mas naniwala ka sa sinasabi nyang loyal sya kasi tanga ka.

Kasalanan ko ba? kung lahat ng tipo ko sa lalaki nasa kanya na?

Gwapo (check na check)

Matalino (check)

Sweet (check)

Mapagmahal sa magulang (check)

nasa kanya na lahat pati mga hindi dapat kinuha na nya, pati pambababae nasa kanya na.

Sweet hindi lang pala sa akin pati sa iba.

Masakit pa pinagtakpan sya ng iba nyang tropa. Wag ka talagang magtitiwala sa tropa ng boyfriend mo nagtatakpanan lang sila normal na yata sa kanila yan.

Sana Lahat tapat!

Sana Lahat nakukuntento sa isa!

Sana Lahat ikaw lang ang nakikita!

Yes, unfortunately he was my great fucking love.

And he cheated.

I cried hard that night.

I feel weak.

Yung pakiramdam na nanginginig ka sa galit.

Iniisip mo kung ano pa ba? binigay mo naman na.

Akala mo sapat na pero may kulang pa.

Inintindi mong busy sya kasi may inaasikaso sya sa acads nya pero iba na palang babae ang inaasikaso nya. Bilis naman nya kong pinalitan.

Hindi ko na namalayang lumuluha na naman ako at nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Mama.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo, wala ako 24/7 sa tabi mo pero alam ko na nasasaktan ka, ramdam ko dahil nanay mo ko Kai. Madami ka pang makikilala bata ka pa baka puppy love lang yan. Matagal na ding wala ang daddy mo pero kahit kelan hindi sya napalitan sa puso ko. Lilipas din yan ha"

Humihikbi lang ako at humahagulgol "salamat, love you mama"

"Nakakatawa yung pinanunuod mo pero umiiyak ka" natatawang sabi ni mama.

"May pa group hug pala dito hindi ako nasabihan" narinig kong sabi ni Kie.

I'm thankful to my friends and family, hindi ko na alam kung papano malalagpasan ang lahat kung wala sila.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon