22

232 9 1
                                    

Lumakas ang pintig ng puso ko sa nabasa ko. Matagal akong nakatingin sa invitation. Malabong si Mori at Rei ito dahil kakausap lang namin ni Mori. Si Mimi at Miggy? tangina akala ko ba nakamove on ka na?

Dahan dahan kong binuksan ang invitation.

You are cordially invited to the wedding of Monroe Madrid and Thomas Cole.

Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag sa nabasa ko.

Tinignan ko ng maigi ang wedding invitation. Guest sila Chin, Rome, Kuya Nick, Yani, Vien at Justin.

Wala naman pala ako dito e bakit pa to binigay sakin.

Tinignan ko pa ang bawat pahina, nanlaki ang mga mata ko "Wait what? bridesmaid?" bulalas ko. Bakit ako bridesmaid? si Rei malamang girlfriend sya ni Mori pero ako? ex ako.

I get my phone and chat Rei

Hey, are you with Mori?

Yes, why?

Please ask him naman oh

Ano ba yun Kai?

I just receive the invitation
of his sister's wedding.

How come nasa bridesmaid ako?
Ikaw hindi na ko magugulat
pero ako? bakit?

Sabi nya request
daw ng mommy nya

Pwede bang ipa alter yun?
sa guest na lang ako
palitan na lang yun.

Ano yan damit? pinapa alter?
sure ka bakla matatanggihan
mo si tita?

Napahugot ako ng malalim na buntong hininga.

Hay e bakit naman kasi!

Hindi ka pa ba nakakamove on?

Duh? anong kinalaman?
nakamove on na malamang.

Oh edi sana wala na lang
yun sayo, bakit ba ganyan
ka makareact.

Nakakagulat naman kasi
magiging abay ako.
Agad agad te hindi man
lang ininform.

Hahaha kung ayaw mo
kausapin mo si tita, okay?
Ciao babe time e abala to. Bye na!

Bye na bruha ka!

Shet naman ano ba naman to! malamang may mga practice practice at photoshoot pa to. Bwiset! mas masarap mag eat and run na lang e.

Suddenly my phone vibrated

Unknown number:
Hi, still awake?

Sino na naman to? Bukod sa mga kaibigan ko si mama, lolo, kie at manang Biba lang may alam ng number ko.

To unknown number:
Ayoko na pagod na ko magbreak na tayo.

Unknown number:
Break agad?

To unknown number:
Hi? tapos maghehello ako, tapos yayain mo ko lumabas tapos kikilalanin mo ko tapos liligawan mo ko tapos sasagutin kita tapos magiging sweet tayo sa umpisa tapos magsasawa ka sasabihin mo it's not you it's me tapos magbbreak tayo tapos masasaktan ulit ako. Kaya bago pa mangyari lahat yan. Shinortcut ko na.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon