28

247 6 0
                                    

Nagluto ako ng Kaldereta dahil yun ang paborito nya.

"Miggy kakain na"

"Wow alam mo pa din"

"Hindi naman ako nakalimot, ikaw lang" bulong ko

"Ano?"

"Sabi ko masarap yan kumain ka na"

"Ako ng maghuhugas" hinayaan ko na syang maghugas.

Hapon ng mapagpasyahan kong manuod ng "to all the boys i've loved" hindi ko alam kung nasaan si Miggy at wala kong balak alamin.

Naramdaman ko na lang na tumabi sya sakin.

"Sorry" sabi nya

Napatingin naman ako sa kanya, nakatingin sya sa t.v.

Huh? weird neto sa isip isip ko

"Sorry" ulit nya

"Ano ba yang sorry na naman na yan" naiinis kong sabi

"Hayaan na ang tapos na, jusko kaya hindi nakakamove on, inuungkat pa ang hindi na dapat" napahilamos na ko sa muka sa pagkairita

"Hindi ko intensyong makipag cool off nun" mahina nyang sabi

"Hindi mo intensyon pero ginawa mo, tapos na Miggy"

"Walang natapos"

"Ewan ko sayo" nawalan na ko ng gana manuod tumayo na ko para pumunta sa kwarto pero hinawakan nya ang siko ko

"Pwede bang pag usapan na natin to Kai para matapos na"

Huminga ako ng malalim, nilagay ko ang braso ko sa dibdib ko "okay sige, spill"

"H-hindi ko intensyong makipagcool off sayo noon, cool off lang talaga yun." umpisa nya

"Cool off? para san? space? bakit d ka pa nakarating ng mars sa haba ng cool off na yun?"sarkastiko kong sabi.

"Teka pwede wag kang sumingit ako muna?"

"Okay tuloy" sabi ko habang nakatingin sa malayo. Ayoko syang tignan.

"K-kinausap ako ng lolo mo ni Don Lucas" bahagya akong napatingin sa kanya

"Sabi nya masyado pa tayong bata, gusto nyang magkaroon tayo ng magandang future. Kaya kinausap nya ko na hiwalayan muna kita para maabot mo ang pangarap mo, nung una hindi ako pumayag kasi ayoko naman talaga" tinignan nya ko

"Nakikita nyang masyado kang attached sakin na baka lahat ng desisyon mo ay dahil sakin at hindi na dahil sa gusto mo, sinabi nyang hahayaan nya kong lumapit sayo kahit sundan kita basta wag akong magpapakita sayo at kapag nakita nyang okay ka na ibibigay ka na nya sakin"

Hindi pa din ako makapaniwala

"Muntik na kong lumapit dahil naiirita ako sa mga nakikilala mong lalaki pero bago ko pa magawa, nalalaman ko ng hindi ko pala dapat pagselosan kasi hindi kayo talo. Napapa imbestigahan na agad ng lolo mo"

Gusto kong magalit kay lolo pero mas pinipili ko na lang na unawain. Matanda na si lolo baka ako pa ang maging dahilan ng pagkamatay nya.

"Wait naguguluhan ako, e ano yung sinabi ni Mimi?", takang tanong ko

"Yan nga din ang hindi ko maintindihan bakit Mimi ka ng Mimi" naiiritang sabi nya

"Kinausap nya ko sa chat sabi nya nililigawan mo na daw sya"

Nanlaki ang mata nya "Huh? Wala kong niligawan"

"So hindi totoo yun? all along akala ko pinagpalit mo ko sa kanya, kaya ang laki ng galit ko sayo"

Niyakap nya ko "Love, wala akong minahal na iba bukod sayo."

"Alam ba to ni Mori?",

"Nung una hindi, pero nung" umiwas sya ng tingin "nung gabi gabi na kong nasa bar, gabi gabi na kong lasing isang beses nabanggit ko sa kanya"

Siya nga siguro yung nakita ni Yani.

"So alam to ng mga kapatid mo?"

"Oo, hindi dapat nila malalaman pero nung sumugod yung kapatid mo sa bahay at sinapak ako wala na kong choice kundi sabihin" iwas tingin pa din nyang sabi.

"Wait lang lalabas muna ko, dyan lang ako sa tabing dagat. Gusto kong kumalma, nagagalit ako. Ayoko magbitaw ng salitang pagsisisihan ko" lumabas ako at naglakad sa sand.

Akala ko lolo will not meddle pero ano to, napapikit ako habang nagiisip. Ayoko ng magalit, too much drama. Alam kong pinagmamasdan ako ni Miggy.

Kelangan ko pa bang magalit kay Miggy? kung sa mahabang panahon ay nagdusa din naman sya. Pareho lang kaming naging biktima. Ayoko ng magalit. Pero umiiyak ako kasi frustrated ako. Gusto kong magalit pero mas pinipili kong wag na lang.

Unti unti ay nararamdaman ko na ang yakap ni Miggy "Let it out, love. I'm here, I'm always here. Kahit umay ka na sa presence ko nandito lang ako"

"Sorry" hagulgol ko pa.

"Sorry sa mga panahong wala ako nung kelangan mo ko" sabi ko pa

Ramdam kong nagulat sya "H-hindi ka galit?" umiling ako "Masyado ng huli para magalit pa, madami na tayong panahon na sinayang para magalit ako"

Hinawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya, siniil nya ako ng halik. Binuhat nya ko at ang mga binti ko ay inikot ko sa bewang nya. Tuloy tuloy ang mga halik naming ramdam ko na din ang init ng aking katawan.

Hiniga nya ko sa kama, isa isa nyang tinanggal ang saplot ko pati na rin ang sa kanya.

At ng gabing yun nag isa ang katawan naming dalawa.

Nagising akong nakayakap sa kanya ramdam ko ang lalim ng paghinga nya senyales na sya ay tulog pa.

Bumaba ako upang magluto. Maya maya pa ay patakbo syang bumaba at niyakap ako "akala ko umalis ka na naman, natakot ako ng magising akong wala ka sa tabi ko"

"nandito lang ako, magbihis ka na. Matatapos na to pagbaba mo kakain na tayo" nakangiti kong sabi sa kanya habang hawak hawak ang pisngi nya.

"I love you" sambit nya

"I love you too" sagot ko naman

Buong araw kaming nagrelax pumunta kami sa bayan para bumili ng mga pasalubong.

Magkahawak lang ang kamay namin habang nag iikot sa mga stalls ng pagkain.

Kinagabihan naulit muli ang nangyari kagabi nagniig muli kami ng madaming beses.

Alas dose na ng tanghali ng kami ay magising at nagpasya ng umuwi.

Nag drive thru na lamang kami at sa sasakyan kumain habang ako naman ay abalang sinusubuan si Miggy habang sya ay nagmamaneho.

"Love" gising ni Miggy sakin.

"Nandito na tayo" tumingin ako sa labas nasa labas na kami ng condo ko.

"Pasok ka muna?" alok ko sa kanya

Pagpasok namin sa unit ko nagulat ako sa nakita ko.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon