9

289 8 0
                                    

Months and weeks passed Miggy and I remain friends. Madalas nya kong dinadalaw sa bahay minsan nagmomovie marathon kami, we go out and dine.

"Panget ba ko? kapalit palit ba ko? Then why?" drama ko kay Justin

"Liza? ikaw ba yan?"

"Liza Soberano?" nakangiti kong sagot.

"assumera Liza Siguerra" sabay tawa nyang sagot

pinandilatan ko sya ng mata "joke yan? pakikiliti nga ko para matawa ako, pero seriously wala pa ding nanliligaw saken ganun na ba ko kapanget mygosh Justin 3rd year na tayo, wala pa din ang icing sa ibabaw ng cupcake ko" nanlulumo kong sabi kay justin.

Nasa sala kami nanunuod ng Amnesia Girl while eating ice cream. Today is sunday at napagpasyahan naming tumambay dito sa bahay.

"Ano ka ba Rei kanina ka pa nakadungaw dyan sa bintana sino bang sinisilip mo?" Yani asked.

"wala nagiisip lang ako"

Tumakbo si Chin sa likod nya. "nagiisip? o baka sumusulyap. Iniisip mo si Miggy?" gulat nyang tanong "E si Miggy ang nandon".

Nakaramdam ako ng hindi maganda sa sinabi ni Chin. Si Miggy? bakit si Miggy? alam nyang lumalabas labas kami though hindi naman namin binibigyan ng meaning yun.

"h-hindi ah ano ba kayo" humarap sya samin sabay iwas ng tingin

"gaga namumula ka" -justin

"E di ba Kai in good terms na kayo ni Miggy?", Chin asked

Ako naman ang umiwas ng tingin sa kanila at tumutok sa TV "oo we're friends naman na"

Later that day after mag uwian ng mga kaibigan ko I shower and go to grocery. Pagbukas ko ng gate nakita ko si Miggy nakasandal sa sasakyan nya. He's wearing a fitted shirt, jeans and a sneakers.

Tangina ang gwapo talaga, he has blue eyes, ang tangos ng ilong, medyo kulot ang buhok and perfect white teeth.

"Hey, like what you see?" bati nya

napabalik naman ako sa ulirat dahil dun "Uy bakit nandyan ka? hanap mo si Kie?"

"ah hindi ikaw sadya ko" he answered habang kinakamot kamot ang batok nya.

"Ah bakit emergency ba yan? sorry aalis kasi ko today"

"ah sino kasama mo? san ka pupunta?" daming tanong ha

"Ah hindi maggrocery lang ako"

"nabanggit nga ni Kie. Samahan na kita, mag g-grocery din kasi ako. Dito ka na sumakay para hindi sayang gas" utal utal nyang sabi. Then he opened the door in the passenger.

Si Kie na naman? pakadaldal talaga ng kapatid kong yan baka pati pagtae ko chinichismis na e.

We handled 2 baskets. Pagpasok namin kanya kanyang kaming kuha ng mga kelangan. Ang dami ko ng nailagay sa basket ko para sa kanya konti pa din. Then I bumped accidentally sa babaeng nasa likod ko.

"ay sorry miss" sabi ko

Nagkagulatan pa kami "Ate Kai? K-kuya Miggy?" pabalik balik nyang tingin samen, boomerang te?

"Kuya Miggy anong ginagawa mo?" -Mia

"naggrocery-" naputol ang sasabihin nya ng lumitaw si Mike sa likod ni Mia. Nakatungo ito at mukang binabasa ang ingredients habang papalapit kay sa amin.

Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at halata ang pagkagulat "Mia tingin- oooh Kuya Miggy ginagawa mo?" nakangising nakatingin saming dalawa pabalik balik.

"Namimili ubos na toiletries ko"- Miggy

"Kelan ka pa natutong maggrocery, di ba tamad na tamad kayo nila Kuya Mori" nakataas na kilay na tanong ni Mia habang pinipigilan ang pagngisi.

"hindi nyo alam ang bawat galaw ko, sige na mauuna na kami. Mag iingat kayong dalawa." Masungit na sabi nya

Naglalakad na kami papalayo kila Mia ng magsalita ako "pwede naman tayong sumama sa kanila"

"wag na baka pauwi na din mga yun" sagot naman nya

Nabili ko na lahat ng kelangan, sya nama'y nakabili na din. Ang mga binili parang kayang kaya namang bilhin sa 7/11 nag abala pa sa grocery.

"Gutom ka na? gutom na kasi ko, tara kain na muna tayo"

Seriously nagtanong ka pa? sabi ng isip ko

"May choice pa ba ko? san mo gustong kumain? ako kasi sa greenwich, dun na lang tayo" sagot ko naman, bawi bawi lang sir.

We eat and talk "are you free next weekend?" tanong nya

"inaaya mo ba ko ng date?" I teasingly asked

umiwas sya ng tingin "h-hindi a-ano kasi isasama ka sana namin sa Baguio, iimbitahin ka din naman nila Mia might as well sabihin ko na lang din" sagot naman nya, kitang kita ko ang pagpula ng pisngi nya.

Ahh akala ko naman gusto nya kong nandun inunahan lang pala nya si Mia magsabi.

"Anong oras ang alis and ilang days?"

"Friday around 6pm alis tapos Sunday night ang balik. You can bring your friends if you want"

"Sige I'll try to ask them"

pabalik na kami sa sasakyan sobrang traffic sa totoo lang, hindi ko namalayan na nakaidlip na ko.

Ramdam kong parang may mainit sa aking pisngi kaya naman napalingon ako sa kanya not knowing hininga pala nya yun kaya mainit, paglingon ko shet! We accidentally kissed.

Agad lumaki ang mga mata ko habang nakadampi pa din ang labi nya sa labi ko. Agad syang umatras ang bumalik sa pagkakasandal pero ako't nanatiling gulat.

WHAAAT THEEE FUDGE WAAASS THHAAAT!

He cleared his throat "Ina unbuckle ko lang yung seatbelt mo"

Agad naman ko namang nakuha ang kamalayan ko "ahh ganon ba s-sorry a-ano nakatulog ako, nandito na pala" nahihiya kong sabi.

"Sige bababa na ko"

Agad naman din syang bumaba para ilabas ang mga pinamili sa likod ng sasakyan

"Ako na magpapasok sa loob medyo mabigat" agad nyang kinuha ang mga eco bag na bigla ko ding hinawakan. Nagtamang muli ang kamay namin.

Nagulat akong muli at nakaramdam ng kuryente, agad kong iniwas yun.

"Kieeeee!" sigaw ko

agad namang lumabas si Kie

"Jusko naman ate akala ko kung ano ng nangyayare sayo dyan kung makasigaw ka para kang kinakatay"

"tulungan mo si Miggy ipasok sa loob yung mga groceries"

Pagtapos maipasok lahat humarap ako kay Miggy "Salamat, sa uulitin"

"Salamat din, uwi na ko"

Agad akong dumirecho sa kwarto at tumalon sa kama

Shit ano yun kinikilig ako habang hawak hawak ang labi kong dumampi sa labi nya.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon