14

235 6 0
                                    

"Bakit kapag ba ininform kita, papayag kang magpaligaw?" sabi nya habang nagmamaneho

"a-ano, e! hindi ko alam" sagot ko naman habang nakatingin ako sa labas.

Hindi ko kayang humarap sa kanya dahil feeling ko namumula na ko.

"so tayo na ba?" tanong nya habang hinahawakan ang kamay at dinadampi ang likod nito sa labi nya.

agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya "ambilis mo din e, d ka pa nga nagsisibak ng kahoy".

"huh? para san yung ipagsisibak ko? ikaw na lang sibakin ko" mapang asar nyang sabi.

"sibakin ko kaya yang muka mo"

"oo na sige na maghihintay na lang ako kahit kelan pa yan"

Pagdating namin ay hinatid na kami sa school, as usual pinagtitinginan kami. Pinagtitinginan kami kasi hello gwapo sya may lahi san ka naman nakakita sa Pinas na blue ang mata at tinitignan ako kasi kasama ko sya. Wala namang nanlalait saken kasi maganda din naman ako, okay.

"Dito na ko" sabi ko paghinto sa tapat ng room namin.

"Sige, love. Sabay tayo mag lunch mamaya" paalam nya sabay halik sa noo ko.

Di mo kinaya yun ang sweet.

Pag alis nya agad namang lumitaw si Yani. At kinurot ang tagiliran. "Hoy ano yun? ano yung paghalik halik na yun. Ikaw malandi ka ha"

"nanliligaw sakin si Miggy" bulong ko pa

Lumaki naman ang mata nya. "Hoy Yani maganda ako nagulat ka pa dun? mygosh ha, halika na sa loob"

"May utang ka pang kwento samin" pahabol pa ni Yani.

----
Linggo at dahil walang pasok nagkita kita kami nila Justin sa isang coffee shop.

"Spill"- Justin

"o eto na nga e kasi iniiwasan ko sya nung monday kasi hinalikan nya ko e di syempre ang lola mo te nailang" pagkkwento ko

"pucha hinalikan ka hindi pa kayo?"- Rei

"Oo pasasalamat siguro ganun" sabi ko pa

"Gusto ko din mag pa thank you sa kanya te kung ganun pala sya magpasalamat"- Justin

inirapan ko sya tong baklang to "eto pa tapos kinaumagahan nagulat ako nasa baba na sya tapos ayun sabi nya matagal na daw nya kong nililigawan"

"o di ba gaga ka kasi, kami napapansin na namin ikaw na nililigawan hindi, o tanga" -Yani

"Aba e malay ko no, mahirap mag assume saka feeling ko alam mo gusto lang nya makagain ng friends, duh" sagot ko naman.

"so anong plano mo nyan? kelan mo sasagutin? sagutin mo na baka maunahan ka pa"- kilig na kilig na sabi ni Chin

"saka na malalaman nyo naman yun kung sasagutin ko or what" tuloy ko pa.

" O ayan wala na bang magspill dyan?" tingin ko sa kanila isa isa. Agad na umiwas ng tingin si Rei at Yani. Tong dalawang to feeling ko din to may something e.

"Ako wala ganun pa din. Sobrang smooth ng relasyon hindi kami nag aaway parang ang consistent lang ng relasyon pero pakiramdam mo may mali kasi hindi na naggrow consistent na lang"- nakasimangot na paliwanag ni Chin

"E kasi te matagal na kayo, 3 years na ba? hindi na uso siguro ang duda, selos ganyan"- Rei

"Ewan ko kasi parang yung kilig medyo nawawala na"- Chin

"Masaya ka pa ba?" tanong ko sa kanya

"Oo pero tignan na lang natin sa mga susunod"- Chin

Si Chin ang may legal na karelasyon saming 5. Akala ko okay ang puso nya pero parang hindi pa din.

December na at ramdam ko na ang simoy ng pasko. Malapit na din ang Christmas Break

Nandito kami ni Miggy sa bahay nanunuod ng Netflix. Wala si mama nasa duty mamayang gabi pa ang uwi.

"Anong plano mo sa Christmas Break?" tanong ko kay Miggy habang nakahiga sya sa lap ko at hinahaplos haplos ko ang buhok nya.

"Uuwi yata kaming lahat sa US bibisitahin si ate at si lola, kayo?"

"hindi ko alam e wala pang plano pero sure na kasama si lolo"

"gusto mo bang mag out of town tayo? bago mag Christmas Break?"

"Saan?"

"Gusto ko sanang mag Puerto Galera"

"Okay, sige magpapaalam na lang muna ko kay mama pero pwede bang wag mo na ipaalam na tayo lang malilintikan ako" bulong ko.

Pagpasok kinabukasan nagkita kita kami nila Yani sa canteen.

"Saan kayo gogora sa christmas break?"- Rei

"Nako yan masyadong maganda maga Galera sila ni Miggy" sabi ni Yani habang nakaturo abg tinidor saken

"WHAT? kayo na ba?"-Chin

"hindi pa te malay mo soon" sagot ko naman

"Sa bahay lang kami sa pasko, maguuwian sila tita"- Yani

"Japan kami as usual"- Rei

"Sabi ni Dad baka mag UK"- Justin

"Wala pang plano pero for sure si lolo meron na" sagot ko naman

"Sa bahay lang din kami pero baka lumabas din kami ni Rome bago pasko" Chin

"Oo nga pala hoy favor kapag tinanong ni mudrakels kung kasama ko kayo sa PG oo lang ha 20-22 ang dates don't forget, may pasalubong kayong tshirt saken" natatawa kong sabi

Nagaayos na ako ng gamit pa puerto isang backpack at duffle bag lang ang dala ko. 7am ng sunduin ako ni Miggy.

Pumasok kami sa Cabin, coozy ang lugar at very relaxing.

Umidlip ako saglit dahil sa pagod at nagising na lang ako ng may nakayakap na sa likuran ko, napangiti ako sa tagpong yun. Agad akong humarap sa kanya at niyakap sya "i love you" bulong ko.

Napabangon naman agad si Miggy "ano?"

"akala ko tulog ka" sabi ko habang nakangiti

"ano munang sinabi mo?"

"narinig mo naman di ba? hay nako gwapo ka sana kaya lang bingi ka" nagtaklob na ko ng kumot

"Love huuuy ano nga yun" pilit tinatanggal ni Miggy ang kumot habang ako naman ay tawa lang ng tawa.

"Ayoko nga pabebe to narinig mo naman e ipapaulit pa"

Tinanggal ko ang kumot umupo at hinawakan ko ang pisngi nya habang nakatingin sa mata nya. "Sabi ko I I'm hungry" sabay tawa

"Hindi yan yun" padabog syang umalis ng kama at naglakad patungo sa banyo.

Hindi pa sya nakakapasok sa loob agad akong tumakbo at niyakap sya mula sa likod "sabi ko I love you"

Humarap sya saken pinantayan ang mga mata ko "I love you, Oo sinasagot na kita" ulit ko pa.

"I love you too, ang ganda naman ng Christmas gift mo saken" sagot naman nya sabay yakap ng mahigpit.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon