Ian's POV
Kakatapos lang ng klase, syempre deretso ako sa GC (computer shop) kung saan paborito kong maglaro ng paborito kong computer game na DOTA. Dito ko halos inuubos ang oras ko araw-araw. Meron kaming computer sa bahay, may laptop pa nga ako eh, kaya lang mas feel talaga kapag nasa shop ka. Pangalawang bahay ko na 'to. Halos kilala ko na nga lahat ng taong andito eh.
Habang naglalaro ako, bigla kong naalala yung babaeng umiyak sa harap ng gate ng school kaninang umaga. Wala lang, ang tapang niya. Feeling ko kaya lang siya naiyak dahil tinulungan ko siya, pero kung hindi ako dumating malamang inaway na niya yung driver :D
Napatigil ako bigla sa paglalaro, I found myself smiling. YES! I am smiling because of that strange girl. Hindi ko alam, pero there's something special with that girl at gusto kong malaman kung ano yon.
Pero bago ang lahat, hindi niyo pa nga pala ako kilala. Ako si Ian Jave Villanueva, matangkad, moreno, matangos ang ilong. Bad boy daw ako sabi nila. Pero mabait ako, hindi lang talaga ako palangiti. Hindi rin ako madaldal. Actually, naiinis ako sa mga taong maiingay, kahit na wala namang katuturan yung mga sinasabi nila. Madaming nagkakagusto sakin, at marami-rami na rin akong naging GF. Pero isa lang sakanila ang sineryoso ko, si Honeylet.
"Ui pre andito ka na pala. Ang aga ha!" Buti na lang at dumating si Ryan, natigil ang pagdadrama ko.
"Kakarating ko pa lang din naman. Ano, game?"
"GAME!"
Nagsimula na ang laro namin.
Nagkkwentuhan lang kami habang naglalaro, matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita. Kasi si Ryan ay first year college na sa Ateneo. Future chemist 'tong kaibigan ko na 'to. Kaya lang babaero.
"Pare alam mo ba, may di-nate ako nung nakaraang linggo, pre powtek ang baho, may putok!"
"HAHAHAHAHA! buti nga sa'yo, napaka babaero mo kasi"
"nakakasuka talaga grabe. Sinabi ko na lang may emergency sa bahay kaya kailangan ko nang umuwi, pero ang totoo hindi ko lang talaga ma-take yung amoy niya. ANGHIT pre, ANG-HIT!!!"
"HAHAHHAHAHAHAHAHAHHAA"
Umalingawngaw yung tawa naming dalawa sa loob ng shop. Sobrang babaero kasi eh. Ayan tuloy kung sino-sno ang namemeet. Meron pa nga siya dating nameet, akala niya babae, tapos bakla pala. Ang lakas maka-peke. hahaha
"Eh ikaw pre? Kamusta naman?! May bago ka na bang GF?"
"Ayoko na muna. Nakakasawa din mangloko at magpaiyak no!" Kung hindi niyo naitatanong, medyo mayabang ako. haha Medyo lang ah!
"Sus! Nagsasawa ka na nga ba talaga o siya pa rin?"
"pre may basag na tower naten sa mid. Dali mag-def ka!" Iniba ko na lang yung usapan, ang awkward kasi kung sasagutin ko yung tanong niya. Pero yung totoo, OO. Si Honeylet pa rin talaga ang mahal ko hanggang ngayon. Ewan ko ba, sakaniya lang ako nagkaganito. Kahit na wala na siyang paki-alam sakin ngayon, siya pa rin laman ng puso ko.
"Ui ano bang iniisip mo? Napatay ka tuloy. 'Naknang tokwa naman ooh. Ian what's the matter with you?" Hala, napabayaan ko na yung nilalaro ko. Napaisip na naman tuloy ako ng malalim. Kaya ayokong naaalala si Honeylet eh. Nalulungkot lang ako :(
***************
Tapos na ang isang game ng DOTA. Nag-aya na akong umuwi, for the first time ang aga ko ngayon, ewan ko kung bakit. Nawalan lang siguro ako ng gana nung naalala ko si Honeylet.
Pagkalabas ko ng GC, dumiretso ako sa 7-11 para makabili ng makakain.
...
...
Sa sobrang tagal kong nandoon wala akong napiling bilhin kundi ang tig-15 na ice cream. (sa mga 'di nakaka-alam kung ano 'to, maaaring magpunta sa pinakamalapit na 7-11 store at bumili ngayon din, masarap promise. Sulit ang kinse :P) Sa totoo lang, ice cream always makes me feel better. Lalo na kapag loner ako.
Umupo muna ako dun sa waiting area sa may 7-11 habang inuubos ko yung ice cream ko, hassle kasi kung bibitbitin ko pa pag-uwi eh magi-jeep lang ako ngayon. Dala ni Daddy yung kotse eh. Sinalpak ko yung headset sa magkabilang butas ng tenga ko para siguradong walang istorbo.
Nasa kalagitnaan na ng kantang "The man who can't be moved" ng idilat ko ang mga mata ko dahil sa sobrang ingay ng dalawang babae sa tabi ko. Grabe, daig pa naka-mega phone eh samantalang magkalapit lang naman sila -_____- Ayoko sa mga ganitong tao. Nakakairita!
"Ehh friend,hindi ko naman sinasabing umasa ka no, ang sakin lang, sayang ang opportunity teh. Grab it! Now na!"
"Haaaay nako Marian! Diba nga ssinabi ko na sa'yo, tama na. Tapos na yang istorya ni Kuyang stranger sa buhay ko. Kaya pwede ba wag ka nang mangulit?"
"So ayaw naman nilang i-broadcast sa buong store yung pinag-uusapan nila?" Nakakainis. Sobrang nakakainis! Imbes na nakakapag-relax ako eh. Ang dami pa rin talagang mga taong sinosolo ang mundo -.-
"HAHAHAHAHAHHAHAHAAHHA, pero promise friend, nakakatawa talaga siya ng sobra!"
UMAALINGAWNGAW yung tawanan nila sa buong store! Grabe parang hindi mga babae.
"Girls, please shut your mouth. You're not in a public market. Please have some respect!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko eh. Kaya sinaway ko na sila. Hindi na lang kasi sila sa akin nakakaistorbo, pati na rin sa ibang tao.
"Ayan kasi Marian ang ingay mo! Lagot ka!"
"Bakit ako? Eh ikaw 'tong malakas tumawa."
"Ehh nakakatawa naman kasi talaga yung kinuwento mo eh! Kaya ikaw ang lagot."
"Hindi, IKAW!"
"IKAW!"
"ikaw."
"ikaw."
"IKAW.IKAW.IKAW.IKAW.IKAW!!!!!!"
"What the f*ck! Hindi ba talaga kayo naturuan ng Good manners and right conduct? Gusto niyo i-enroll ko pa kayo sa pre-school para maturuan kayo n'on?" Sobrang naiinis na ako. Di ko na kaya, grabe na talaga yung kaingayan nila. Parang sampu silang taong nag-uusap. Eh dadalawa lang naman -_______-
saglit silang tumahimik.
*tooooink!*
Isang batok. Isang kamay ang dumapo sa may ulo ko, at hinampas ako ng malakas.
"Aray!" "Bakit mo ginawa yon?! Aba baliw ka ahh!" Sinisigaw ko habang hinihipo yung parte ng ulo ko na natamaan. Ang sakit nun ah! Hindi biro.
"Ayan para sa akin!" "At ito naman, para sa bestfriend ko!"
*toooooink*
Isang malakas na batok na naman ang biglang dumapo sa ulo ko.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko, tumayo na ako at umambang sasaktan yung babae. Nakasalag na rin siya sa mukha niya dahil alam niyang hindi na ako mapipigilan. Pero bigla akong napatigil ng mamukaan ko siya.
OO SIYA NGA! Siya si Special Strange Girl kaninang umaga. Ang liit nga naman ng mundo. Biruin mo yun, nagkita ulit kami. Ayun nga lang, mukhang hindi naman niya ako natatandaan.
"Ma'am, Sir!" "May problema po ba?"
"Ahh wala po, naglalaro lang ppo kami ng mga kaibigan ko. Sige po maraming salamat! :)" Buti na lang nakaisip agad ako ng palusot dun sa guard, kundi nakakahiya sa ibang costumer.
Nahimasmasan na ako ng konti mula nung nakatanggap ako ng dalawang batok mula sa Amazonang babae sa gilid ko. Pero siya, nakasalag pa rin, umaasang hahampasin ko pa.
Mahinahon akong lumabas ng 7-11 at nakangiting sumakay sa jeep. OO, napangiti na naman ako ng babae na yun. Hindi ko rin alam kung pano :)
---------------------------------------------------------------------
*walang kwentang update alam ko :) Pasensiya na po. >:) Advance Merry Christmas nga pala sa lahat =)