[FAYE's POV]
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNG!
KRIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!
WHAT THE!? Ano na naman ba 'yan? Istorbo. Last 5 minutes please :(.
"Paye, gumising ka na dyan, malelate ka na naman!" Oooh?! Sinong multo yung nagsasalita? Boses lalaki ahh!? Sino yun?
"Ay anak ng pitumpung kuba sa ilalim ng puno ng mangga!" Nagulat ako, nakahanda na lahat ng gagamitin ko sa eskwela. Nakaplantsa na rin yung damit ko. Tapos meron pang newly cooked breakfast. HEAAAAVEEEEN! =))
"Ohh. Bakit ka nagulat? Ako 'to baliw!" Ayy akala ko kung sino, yung si Kuya Frank pala. Minsan lang umuwi sa bahay yung Kuya ko kaya nakakagulat.
"Ohh?! Buhay ka pa pala? Akala ko tuluyan mo na rin kaming iniwan ni Mama eh. San ka ba galing ha?" Siya ang Kuya, pero nagfefeeling Ate ako sa mga oras na ito. Pano, kami na nga lang tatlo tapos iiwanan niya pa kami. Nakakapagtampo.
"Wag ka na magtampo! Sige na maligo ka na. Lalamig 'tong noodles na niluto ko sige ka, di na 'to masarap mamaya" Alam na alam talaga ni Kuya kung paano tatanggalin yung galit ko. Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Humanda ka sakin Kuya, pagkatapos kong maligo magtutuos tayo."
"Whatever you say my dear little sister. Sige na, maligo ka na!" Tinutulak na niya ako papasok ng banyo. Ang sweet ng Kuya ko no? Siya ang pinaka mahalagang lalaki sa buhay ko. Dahil sakaniya kung bakit may paniniwala akong, hindi ko na kailangan ng boyfriend. Kasi he's more like a boyfriend to me. He is also my father, since out father left us. Yes, he literally LEFT US! -_____- I don't know where he is now, or what he looks like. What I know is that I HATE HIM SO MUCH.
"Paye, bilisan mo!" Ayy sinisigawan na ako ni Kuya, oo nga pala, male-late na naman ako!
"Yes, Kuya! Tapos naaaa."
Pagkatapos kong magbihis
"C'mon here. Kumain ka na. Dalian mo ang pagkilos!" Di 'ba, sabi sainyo Kuya/Boyfriend/Papa ko yan eh. :)
"Bakit nga pala ngayon ka lang nagpakita ha?! Ano bang plano mong gawin sa buhay? Ha Kuya? Di ba nagpromise tayo kay Mama na aayusin naten ang pag-aaral? Baka nagbubulakbol ka ah!"
"Of course not. I know that promise. Hindi ko pwedeng kalimutan yun noh! May mga inaasikaso lang ako ng mahalagang bagay"
"At ano namang bagay ang mas mahalaga pa sa amin ni Mama ha? Nakakatampo ka naman eh -__-"
"Sige na, umalis ka na at male-late ka na! Tsaka na lang ako magpapaliwanag kapag may oras, mag-ingat ka ha!"
Napaka-malihim talaga netong si Kuya. Hindi pala-kwento yan. At kung magkita kami, minsanan lang. Lagi niya kasing sinasabi na may inaasikaso siya na mahalagang bagay. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano yung mahalagang bagay na yun.
"Sige Kuya, mauna na ako. Mahirap nga palang sumakay. Paki-sabi kay Mama mahal na mahal ko siya ah!"
"Sige pagkagising!"
Dali-dali akong tumakbo sa labas at binuksan ang pinto. Ready na ulit akong makipagsapalaran sa labas ng bahay at sa realidad ng buhay. Wow ang lalim! Ehh ang gusto ko lang naman sabihin ay makikipagsapalaran na naman ako sa pagsakay ng Jeep, na araw-araw kong ginagawa.
"Payeeeeeee!"
Naririnig ko na may sumisigaw sa native kong pangalan. Yes! Native, kasi tagalog version siya ng name ko, at ang mga taong super close ko lang ang tumatawag sa akin ng ganito. Actually, Maria Faye Dela Paz talaga ang pangalan ko. Pero dinidiregard ko yung Maria, ayaw ko kasi na tinatawag ako dun :) Wala lang. Yung Papa ko lang kasi yung nagiisang tao na laging tumatawag sa akin ng gano'n at siya yung naaalala ko everytime na may tatawag sa akin ng Maria, and I hate it everytime I remember that man. pssh! -.- BITTER ALERT! >.<