yourPEYboritgirl says: Salamat sa mga nauna nang nagbasa kahit alam kong di ganun kaganda yung istorya. wahaha! thanks everyone ;)) from the bottom of my heart.
--- RECESS ---
<FAYE'S POV>
Nakatulala lang ako sa kawalan, nag-iisip kung sino yung hero na tumulong sakin kanina. Sayang, hindi ko man lang siya napasalamatan, hindi ko man lang nalaman yung pangalan niya. Ni hindi ko nga nakita yung mukha niya eh. Pero kung sino man siya, salamat talaga. Balang araw makakabawi din ako kay Kuyang Stranger.
"HOOOOOOOY!"
Pang-gugulat ng bestfriend/bestenemy/bestbuddy/bestsister kong si Marian.
"Hindi ka ba magrerecess?" Tanong niya habang hinahanap yung wallet ko sa may bag. "ui! asan yung wallet mo?!" Pagtataka ni Marian nang hindi niya nakita yung wallet ko sa pinaglalagyan ko. "Hui! anu ba? Natanga ka na dyan? Pipe lang? Bingi? o baka bulag ka na?! Hala Faye, nakikita mo pa ba 'ko?" Sigaw ng OA kong kaibigan.
*BUUUUGS!*
Bigla akong natauhan nung dumapo yung mala-lalaking kamay ni Marian sa ulo ko.
"Aray naman ehh noh?!" Pagrereklamo ko sakaniya. "Ehh pano, kanina pa ako salita ng salita dito parang wala kang naririnig. Ano bang problema ha? Hindi ka ba kakain? Papayat ka niyan. Awuuu DIET SIYA!"
Sa mga di nakakaalam, ako ay CHUBBY :) at wala sa bokabularyo ko ang salitang diet. Dahil para sa akin, wala nang mas masarap gawin kundi ang kumain. At kung papapiliin ako between lovelife and food, walang pag-aalinlangan kong ipiliin ang pagkain. Pero di ako ganun kataba, yung sakto lang. At bagay naman sakin yung hugis ng katawan ko. Maputi din naman ako. In short, MAGANDA AKO. choss. Basta imaginine niyo na lang na medyo tumaba ni Anne Curtis, yun na! :)
"Gaga! ako magda-diet? ASA!" ang sabi ko pagkatapos batukan si Marian. Para kasing tanga eh, napaka-OA kahit kailan. "So ano na nga? Hindi ka ba kakain? Asan yung wallet mo? Dalian mo naman kasi ako, naguguton na!" Sobra na talaga sa grabe ang kaOAyan netong best friend ko na 'to. tsssk. Kawawa naman.
*sssiiiiiiigh*
Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihing, "Wala akong pera"
"Ha?! Anong wala?! Bakit nahold-up ka ba?! Nanakawan ka?! Ano? MAGSALITA KA!"
Hindi ako umimik. Tumigil siya saglit sa pagsasalita at biglang lumuhod sa harapan ko at kunwaring umiiyak, "Faye, bakeeeet? Sinong may gawa sa'yo niyan? Sinong lumapastangan sa pagkababae mo?!"
*toink!*
Isang sampal de gulat ang dumampi sa pagmumukha ng OA na si Marian.
Balik na ulit sa dati ang tono ng pagsasalita niya, "Bakit ka nga kasi walang pera? Ayaw mo naman kasing sumagot eh"
"Pano naman ako makaksagot eh ang dami mong tanong. Pwede namang isa-isa lang. Tsaka ang OA mo talaga! Ilibre mo na lang muna ako ng pagkain sa canteen at d'on ko na ikukwento."
Lumakad kami papunta sa canteen at habang naglalakd ay ikinuwento ko sakaniya ang lahat ng nangyari kaninang umaga.
"At ayun nga, tangin etong panyo na lang niya ang ala-alang naiwan sakin. HAHAHA"
"Hindi kaya siya ang Superman ng buhay mo? Kasi think about it ha, andiyan siya sa tuwing napapahamak ka." Pang-aasar ni Marian habang kumakain ng lugaw na may itlog na binili namen sa canteen. Ito lang naman kasi yung nakakabusog na mura dun eh.
Para nga pala sa kaalaman ng lahat, Dream High School ang pangalan ng eskwelahan ko. Private school siya pero hindi katulad nung mga ibang school na walang kwenta magturo. Kasi dito talagang hasa kami, lalo na kaming mga scholars. Karamihan din dito sa school namen, mayayaman ang b o b o. Yung tipong nakakita lang ng explain blah blah sa test ay gusto nang magpakamatay. Di naman kami mayaman, at pa'no ako nakapasok dito? Simple lang, ISKOLAR! Aba di lang ako maganda noh, matalino pa!
*toinks*
Binatukan ko ulit si Marian. Wala lang nagulat lang ako sa sinabi niya.
"ARAAAAY! nakakadami ka na sakin ah!"
"Ehh kasi naman ikaw kung ano-anong naiisip mo. Parang tinulungan lang naman ako nung tao tapos Superman na agad?"
"Who knooows? Baka siya na ang maging first boyfriend mo. haha"
*toinks*
OO, isang malakas na batok na naman ang iginanti ko sa pang-aasar ni Marian.
"Alam mo namang ayaw ko nang mga lovelife lovelife na yan diba? Nagcoconcentrate ako ngayon sa pag-aaral ko para scholar pa rin ako sa college."
"I know right?!" ang maarteng sagot ng OA na si Marian habang sinisimot yung natirang lugaw sa bowl.
"Ayun naman pala eh. Edi wag ka nang makulit dyan! Ibili mo na lang ako ng zest-o." Pang-uuto ko sa mayaman kong kaibigan. Actually, etong si Marian ay mayaman, hindi nga lang talaga siya maarte katulad ng karamihan sa mga babae dito. Ayun siguro yung nagustuhan sakaniya ni Rodney, yung boyfriend niyang super yaman.
"So, ano na ngang balak mong gawin? How would you find this strange guy?!" Tanong na naman ulit niya habang kinakain yung binili niyang fudgee bar.
"EWAN! Ayoko na siyang isipin. At ayokong magpaka-wonder woman para hanapin pa siya dito sa school noh. Eh ang laki-laki neto. Imagine, 2nd largest school in the world, almost 10,000 students. Tapos hahanapin ko yung may-ari ng panyo na 'to? No Way!" Nilabas ko yung panyo ni Kuyang Stranger sa bulsa ko at iwinagayway.
Hinila ni Marian yung panyo. At tinignan na para bang isang inspekor na naghahanap ng ebidensya.
"I .. J ... V ...." "Tignan mo Faye ooh, initial ata 'to ni Superman"
"Asan? Patingin nga?" Hinila ko yung panyo at tinignan ko yung nakaburdang tatlong letra. I J at V. Posible nga kayang initial niya yun? pss. Ayokong umasa. (ang arte ehh noh!?)
"Hindi rin. Malay mo kung sa nanay niya yang panyo na yan tas hiniram lang pala niya. O kaya sa driver nila? Mahirap panghawakan na initial nga niya 'yang tatlong letra na 'yan." Tinago ko na agad yung panyo sa bulsa ko.
"sus! Ikaw talaga ang nega mo. Ang puti-puti mo pero pagdating sa pag-iisip ang nega mo. Ayaw mo bang hanapin ang 'TRUE LOVE' mo?" Naglalakad na kami pabalik sa room. Ayoko na munang makipagtalo kay Marian kaya isang matipid na simangot na lang yung sinagot ko sa kanya.
Last subject na. Advance Chemistry. Wala pa rin ako sa sarili ko. Ewan ko ba, hindi ko pa rin makalimutan si Kuyang Stranger. Bwiset naman kasi ehh. Sino ba siya para isipin ko. Hmmp. -____-
Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang biglang
"Faye, give the conjugate base of Hydrochloric acid"
"Ayy powtek! Anu ba naman 'yan ooh!" Dahil nga hindi ako nakikinig, syempre hindi ko alam ang sagot.
"Chloride ion" Bulong ni Jz, ang nerdy kong katabi.
"Chloride ion ma'am" Buong pagmamalaki kong sagot kay Ma'am Fernandez.
"Wow very good! Ang galing talaga ni Faye" Puri ni Ma'am na hindi ko alam kung totoo o sarcastic.
"Ui. Salamat ha!" Pabulong na sabi ko kay Jz. Iniligtas na naman niya ko for the Nth time. Kung tutuusin, kung magkakaroon man ako ng super hero eh si Jz yun. Medyo matagal na rin siyang nanliligaw sakin ah! Pero wala pa talaga sa isip ko ang boyfriend eh. Pagkain lang talaga makakapagpasaya sakin sa mga panahong 'to.
"Walang anuman. Basta ikaw." Banat ni Nerdy Jz. Syempre ako ngumiti, kunwari kinilig. Pero pagtalikod ko *poker face*. Natawa na lang sakin si Marian na nakatingin pala mula sa malayo. Matangkad kasi ako, obviously sa likod nakaupo. Habang si Marian, pandakekok. hahaha. Kaya laging nasa unahan.
---- KRRRRRRRIIIIIIIINGGGGGGG!!!! ----
YEY! Tapos na naman ang klase. Isang ordinaryong araw na naman ang malapit ng matapos.
![](https://img.wattpad.com/cover/2314837-288-k475327.jpg)