Chapter 5

66 2 0
                                        

[ FAYE's POV]

"THIS IS PROBABLY THE BEST NIGHT OF MY LIFE!!, bukod dun sa gabi na nagcamping tayo tas naihi ka sa kama =))" Hayan, sobrang maligaya pa rin ang bestfriend ko. Takte, naaalala pa pala niya yung pag-ihi ko sa kama nung nagcamping kame. Ang lamig kasi nun, talagang naiihi na ako. Eh natatakot naman akong umihi mag-isa. Hay nako, kalimutan na nga yon. Nakakahiya -________________-

Alas onse na ng gabi pero mukhang walang balak umuwi at matulog itong si Marian, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaget-over sa first kiss niya. Kunsabagay, ang sweet nga naman! Grabe nakakainggit talaga 'tong dalawang 'to.

"Bes, alam mo ba, ang bait sobra ng pamilya ni Rodney. Sa maikling panahon na nagkasama-sama kame, hindi nila ipinaramdam na iba ako sa kanila. Grabe talaga napaka-ideal boyfriend ni Rodney. Ang swerte-swerte ko!"

"Buti alam mo! Kaya gaga ka, magpakabait ka na!" Sabay batok kay Marian na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.

"Alam mo ba, sabay-sabay silang sumigaw ng "WELCOME TO THE FAMILY!" at sobrang saya.!" Mga nakakasampung ulit na ng kwento sa akin si Marian sa mga nangyari kaya halos kabisado ko na rin. Sinasakyan ko na lang yung trio niya. D'yan siya masaya eh. Isa pa, pinasalubungan naman niya ako ng paborito kong munchkin donut kaya ok na rin. =)) (mukha talaga akong pagkain!)

"Ikaw bes, pano mo gustong ipakilala ka ng magiging boyfriend mo sa pamilya niya?" Ay, nabigla naman ako sa tanong niya. Eh kasi, wala pa naman talaga sa isip ko yung mga ganong bagay eh. Focus ako sa pag-aaral. Ayun kasi ang promise namin ni Kuya kay Mama, pagkatapos kaming iwan ng Papa ko na pinsan ni Satanas :P

"Ha? Ako? Hindi ko alam eh. Siguro simple lang. Yung aayain niya akong mag-dinner doon sa bahay nila. Kung san mame-meet ko yung parents niya at buong pagmamalaki niyang sasabihin na, "Ma, Pa, This is the woman I want to be with the rest of my life". " Ganun lang, simple pero nakakakilig din." Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung sinagot ko kay Marian. Pero nung sinabi ko yun sakaniya, bigla kong naimagine, kinilig ako ng konti. Konti lang naman.

"Ahh. So, ganon ang sasabihin ko sa magiging boyfriend mo soon!"

"Magtigil ka nga d'yan! Malapit na mag-alas dose ooh. May pasok pa bukas. Hala sige umuwi ka na. Malelate na naman ako neto dahil sa'yo eh!" Pinalayas ko na si Marian. Medyo inaantok na rin kasi ako eh. Atsaka baka mapansin niya na medyo nagblush ako. Play safe kumbaga, para makaligtas.

"Haaaay! SUNGET! maka-alis na nga. Akin na yung munchkins ko -.-"

"TUMANDA KA SANANG DALAGA!" hahahah.

"Anong sabi mo?" May narinig ako na ibinulong niya eh. Hindi ko lang sigurado kung ano. Baliw talaga tong kaibigan ko.

"WALA PO MADAM! ANG SABI KO, AALIS NA AKO!"

"Mabuti naman. Mag-iingat ka ha. Pasundo ka na kaya sa driver niyo?" Mahirap na, baka kung mapano 'tong timang na 'to. Ako pa sisihin ni Rodney. Baka ipa-salvage pa ako ng mga magulang niya. Haha. unica hija pa naman ang gaga.

"Hello? Parang 50 steps away lang yung bahay ko sa bahay niyo? Magpapsundo pa ako. Wag ka ngang OA!" Minsan talaga nakakahawa yung ka OAyan ni Marian eh. Oo nga pala, nasa iisang subdivision lang kami nakatira. Sila nagmamay-ari ng subdivision na 'to. Tapos kami, pinatira lang niya sa isang bahay. Hindi na niya kami pinagbabayad ng renta para daw makabawas sa gastusin. Siya na daw ang bahala sa Daddy niya. Ang bait ng bestfriend ko noh? Kahit timang! :)

"Osige na.  Babye bes! :)) Babush. Goodnight. GodBless. God loves you!" Oo, sa tuwing maghihiwalay kame, halos lahat na ng pagbati sinasabi namen. Ganyan namen kamahal ang isa't isa.

"Babye din bes! :)) Babush. Goodnight. GodBless. God loves you! Mwuaaah!" haaaay salamat =) Makakatulog na rin ako ng mahimbing sa wakas. Nasaan na naman kaya yung Kuya ko? Hayaan mo, malaki na yun. Makatulog na nga at baka ma-late na naman ako bukas.

---------------------------------------------------------------

[MARIAN's POV]

"TUMANDA KA SANANG DALAGA!" hahahah. Wala talagang kapag i-pag-ibig sa buhay 'tong bestfriend ko na to. Ewan ko ba kung bakit natitiis niya yung mga nanliligaw sakaniya.

"Anong sabi mo?" Hala, mukhang narinig yung sinabi ko, eh pano ang sungit kase.

"WALA PO MADAM! ANG SABI KO, AALIS NA AKO!" Sana hindi niya naintindihan yung sinabi ko. Baka magalit sakin eh.

"Mabuti naman. Mag-iingat ka ha. Pasundo ka na kaya sa driver niyo?" OK LANG BA YUNG BESFRIEND KO? Magpapsundo? Eh ang lapit-lapit lang ng bahay ko.

"Hello? Parang 50 steps away lang yung bahay ko sa bahay niyo? Magpapsundo pa ako. Wag ka ngang OA!" Nahawa na sa akin ang bestfriend/bestsister ko.

"Osige na.  Babye bes! :)) Babush. Goodnight. GodBless. God loves you!" Pinapaalis na talaga ako -________- huhu. Di na niya ako mahal.

"Babye din bes! :)) Babush. Goodnight. GodBless. God loves you! Mwuaaah!" Salamat sa bestfriend ko, dahil sakaniya naging ganap ang happiness ko sa gabing ito.

Kasi nga diba,

HINDI MAGIGING GANAP ANG HAPPINESS KUNG HINDI MO ITO ISHESHARE.

Kaya naman, kahit na anong bagay, sinisigurado ko na maisheshare ko ito sa bestfriend ko, para mas feel yung kasiyahan ko! :)       -------- khvfiywqgwqjriowqrhfvhsavchsc  

Biglang bumalik sa isip ko yung mga nangyari kanina sa kotse ni Rodney. That was my first kiss. Napaka-romantic :"""""""""""""""> Hala baka hindi ako makatulog the whole night kakaisip sa mga nangyari.    

"Yaya this is me, Marian. Open the gate please." Sa wakas narating ko rin yung bahay namen, parang bigla kasing lumayo. Oh pagod lang talaga ako?!

"Ma'am kayo ho pala yan. Buti dumating na kayo, Inaantay na po kayo ni Sir kanina pa."

"Sir who?" Pagtataka ko, sino namang maghahanap sa akin eh halos once a month lang umuwi yung mga magulang ko? Tas wala naman akong kapatid.    

"Joke lang po Ma'am! Hehe, kakain po ba kayo?" Ay baliw na 'tong maid namen. Nahahawa na din sakin. Malakas trip eh!

 "Hindi. I wanna go to bed na. I am not feeling well eh."  

---------------------------------------------------------------------------  

Jeepney LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon