Chapter 4

73 1 0
                                    

nakiki-note lang, feeling sikat ako ehh =) pagbigyan niyo na. Passko naman.

At dahil nga Pasko, MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT <3 I LOVE YOU ALL. Bago ko ipagpatuloy ang pamamasko ko, at bago ako tuluyang magliwaliw sa buong Pilipinas ay reregaluhan ko muna kayo ng isang update. =))

---------------------------------------------------------------------------

[Faye's POV]

"Bes, wala na siya. Oi ang OA na. Nakasakay na yung lalaki!" Narinig ko yung sinabi ni Marian na yun sakin, pero ewan ko. Parang merong nangyari sakin. Hindi ako makagalaw. Parang biglang tumigil yung oras. Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo ko. Anong meron? Psh. Tama na nga ang kadramahan.

"Nakita mo ba yun?" Ang tanong ko kay Marian nung medyo nahimasmasan ako mula sa pagkakatigil ng mundo  ko.

"Ang alin? Yung killer smile ni Kuya?" Nang-aasar na sabi ni Marian. "Aminin ang gwapo niyaaaa =)" Ayy gaga 'tong bestfriend ko, puro kalandian talaga ang alam. Kaya laging napapagalitan ni Rodney eh.

"Ano ka ba? Hindi iyon. Yung gagawin niya. Nakita mo ba? Sasaktan niya ko? Napaka-ungentleman. Walang modo. Nakakaasar -.-" Pero gwapo nga naman yung Kuya, ayun nga lang, sablay sa ugali.

"Hindi eh. Nakita ko lang ngumiti siya." Hindi ko alam kung totoo o nagloloko lang to si Marian. Pero weeeeh? Di nga? As in? For Real? yung ganong mukha? Ngingiti?! chos. Prang hindi naman tao si Koya. hahahha ;D

"Sus. Baka natawa, kasi pinagtatawanan tayo, pano mukha tayong tanga" Asar na sabi ko. "Pero promise ssiya ang walang good manners and right conduct. Ang kapal ng mukhang magsabi. Parang kilala niya tayo ahh!"

Patuloy lang ako sa paglalabas ng sama ng loob ko dun kay Koyang no manners. Napatigil na lang ako nung marealize ko na, parang hindi na ako kinakausap nung bestfriend kong timang.

"Yes baby! :) I'm with Faye here at 7-11" Ang gaga, pa-cute ang boses sa phone. Kausap yung boyfriend niya. Buti talaga natitiis nun yung ugali neto. Kung ako yun, malamang iniwanna ko na 'tong timang na babae na 'to eh.

"Ok baby. Wait for me outside. Pero ihatid muna natin si Faye sakanila ha! Ok, Iloveyou too :"> babye :*" ANG LANDI. HAHHAHA!

"Ui, wag niyo na ako ihatid. Ok na ko mag-isa. Ang tanda-tanda ko na eh. Kaya ko na sarili ko" Ang KJ ko namna kung magpapahatid pa ako eh quality time nila yun. Syempre alam ko namna kung saan ako lulugar noh?! =) Kahit na ayokong umuwi mag-isa. Para sa bestfriend ko.

"Sure ka bes? Sabi naman kasi sa'yo mag-boyfriend ka na eh. Sagutin mo na kasi si Jz. hahaha"

"Ayy nako, magtigil ka nga niyan. Hindi ko kailangan ng boyfriend para lang ihatid at sunduin ako noh. Kung magkakaboyfriend man ako, hindi ko siya gagawing alipin. SWEAR!"

"Edi magboyfriend ka na! Ang arte mo rin kase eh!"

"Eto na naman po tayo. Paulit-ulit? Di ba nga ayoko pa? Gusto ko muna mag-aral para kay Mama."

"Sus. Di na uso yan. Sige bahala ka. Baka tumanda ka ng dalaga. Ikaw din. Sayang ang mga opportunity :P"

"Baby. Andito na ko" After several minutes, dumating na rin naman agad si Rodney.

"Hi Faye! Kamusta?" Napaka-ideal BF talaga netong isang 'to. Kaya hindi ko alam kung pa'no niya napagtitiisan si Marian eh. Pag-ibig nga naman.

"Great!" Tipid na lang yung sagot ko, kasi alam ko naman na atat na rin silang sulitin yung mga oras na magkasama sila eh.

"San ba punta niyo?" Iniba ko na lang agad yung topic para di masyadong halata na umiiwas na ako. Ang awkward kasi eh. Sobrang sweet kasi nila. Para bang araw-araw na nanliligaw si Rodney kay Marian.

Jeepney LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon