Jeepney 1; It's the first day.

145 3 1
                                    

Krrrrrrrriiiiiiinnnnggggggggggggggggggg!!!!!!!!

"Ay tapeteng alarm clock, basag trip? ang sarap ng tulog ko ehh!" Kinakausap ko ang sarili ko habang nag-iinat, pagkatos ko patayin yung bwiset na alarm clock.

"JUSKO! 6:10 am na!!!" 7am ang pasok ko, at OO late na naman ako! yari na naman ako neto sa kay Sir Darius. Dali-dali akong tumayo sa higaan at kinuha ang mga gagamitin ko. Tumigil muna ako saglit para i-compute ang oras. "aabot pa ba ko?". "hmm. bahala na!".

Pumasok ako sa banyo at agad na nagpalit ng damit, walang ligo-ligo, wisik-wisik lang ako para sa araw na ito. ehh late na eh! Binasa ko ng kaunti ang buhok ko, para hindi masyadong halata na hindi ako naligo. Pagkatapos kong magtoothbrush at magpa-cute sa salamin ay bigla kong naalala yung assignment pala kami sa English, FIRST SUBJECT. "Magpapa-print pa nga pala ako, paktay na talaga!" Kinuha ko yung isang daan sa ilalim ng unan ni Mama, kawawa naman 'tong Mama ko, tulog na tulog. Puyat kasi eh, pang-gabi sa trabaho.

Nag-ala ghost rider ako sa pagbaba sa bahay at sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

Kapag minamalas ka nga naman ooh. Punuan! Kinakailangan ko na namang makipagpatintero sa mga tao para lang makasakay.

....

...

...

After 753478454237 years, hindi pa rin ako nakakasakay! time check; 6:50 am. 10 minutes na lang isasara na ang gate, tae ayokong ma-hold hassle. Bwiset kasi yung bagong principal ehh, may nalalaman pang hold-hold. Di tuloy ako makapasok ng late -.-

"Isa, dalawa, apat, labinlima, pitumpu, siyamnaputwalo!" Makakaisang milyon na akong jeep pero di pa rin ako nakakasakay, pano lagi akong inuunahan nung mga stage mom na ayaw ma-late yung mga anak nila sa elementary.

...

"Eto na disidido na talaga ako, mayroon o walang uupuan sasakay na ako!" Pagkukumbinsi ko sa sarili ko habang pinapawisan ang pawisan kong noo, ang aga-aga pawis ako. Ang init kasi ehh, idagdag mo pa yung mabahong usok ng tambuncho ng mga sasakyan. Wala na! wa epek na yung downy rubadabango na ginamit ni Mama sa uniform ko -.-

"Oooops! ooh lima pa! Lima pa!" Sigaw ng driver na halatang hapit, Lima pa daw eh may nakasabit na nga. "Bahala na!" Muli kong sambit bago tuluyang magpakamatay, ayy este sumakay sa jeep na alam ko namang wala nang bakante.

"Ano ba yan, wala na nga ehh!" Sabi ng Aling masungit na masama ang tingin sa akin, parang bampirang mangangagat ehh. Bahala na, patigasan ng ng mukha, nakasakay na ako, at ma-pride ako, hindi ako bababa kahit anong gawin nila. BWAHAHAH! (evil laugh ng author! LOL)

Tinignan ko ang mga tao sa paligid ko habang pilit na isinisiksik ang pwet ko sa upuan na halos isang kamay na lang ang kasya. "Kaya naman pala eh!" Sambit ko, nang mapansin kong halos lahat ng pasahero sa jeep at matataba, sabay ngiti c:

"Ate dito ka na ooh." Tawag ng isang lalaking naka-earphone na nakasuot ng uniform na kapareho ng akin, Obviously sa iisang school kami nag-aaral pero parang hindi ko siya nakikita. "Ha? Ako?" Gulat kong tanong sa kanya.  Hindi siya sumagot at isang matipid na taas ng kilay at ngiti lamang ang tanging naiganti niya sakin.

"May mga tao padin palang mababait ngayon" Sabi ko sa isip ko habang kinukuha yung wallet ko. At kamalasmalasan nga naman, WALA AKONG BARYA! At siguradong wala pa ring barya yung driver dahil mukhang kakalabas lang niya. Muli akong tumingin sa paligid para tignan kung meron akong kakilala na maaaring utangan.

suspect1; Kaklase ko nung elementary, noon pa man hindi na kami close, ayoko siya utangan baka ichismis ako na walang pamasahe. haha

Jeepney LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon