[FAYE's POV]
Bigla na lang niya akong hinila at pinasakay sa Taxi. Muntanga din tong lalaking 'to eh. Kikidnapin ata ako.
"Ui san ba tayo pupunta ha?!" Pangungulit ko, dahil wala na akong maintindihan sa mga nangyayari.
"Basta. Di ba hindi mo alam kung anong gagawin mo sa natitira mo pang oras? Well andito ako para sagutin 'yang problema mo." Ayy. Hindi rin siyamasyadong mayabang ehh. Hindi talaga promise. HAHAHA!
"Nye! Kung napipilitan ka lang namang gawin 'to, kasi nakokonsenya ka sa mga ginawa mo, kung bakit hindi ako nakapasok ngayon sa school, eh wag na lang. Ok na ako. Pakibaba na lang ako dyan sa tabi." Syempre nag-inarte ako. Ang yabang niya kasi eh. Kaya magpapa hard to get ako. BWAHAHAHAHA.
Hindi siya umimik kaya naman nagsalita ulit ako.
"Manong, pakihinto na lang po sa tabi at bababa na p -- " Pero hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko ay kumontra na siya. Dakilang kontrabida talaga siya sa buhay ko >.<
"Anong bababa?Manong sige po ideretso niyo lang."
"Sabing bababa na ako eh. Ipahinto mo 'to. Tatalon ako dito kapag hindi mo pinatigil!" Ma-pride ako, at matapang ako. KAya bahala siya dyan hindi ako magpapatalo.
"Ang kulit mo talagang monster ka!" Mukhang inis na siya sakin, kaya naman natutuwa ako. Ang sarap niya kasi asarin.
"Sige Manong, paki-hinto po sa tabi."
YES! :) Ako ang nanalo. Inirapan ko muna siya bago tuluyang bumaba sa Taxi. Pagkatapos, dire-diretso akong naglakad papunta sa ....
sa ...
sa...
sa ....
Teka, SAN NGA BA AKO PUPUNTA?! -______________________-
ASAN NGA BA AKO NGAYON? >.<
Naisahan ako ng kolokoy na yun ah! Hindi ko alam kung asan ako! Ang malas ko naman!
HALAAAAA! Pano ako uuwi?
Tumakbo ako pabalik kung san ako bumaba. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko na andun pa rin si No Manners (Referring to Ian) Pumasok ako sa loob ng Taxi na mangiyak-ngiyak. Pinaghalo asar sa bwiset na lalaki sa tabi ko at kahihiyan. -.-
[IAN's POV]
*half-smile*
Sigurado akong namumublema na yun ngayon kung pano siya uuwi. Buti nga. Ang tigas kasi ng mukha eh. Hayaan mo siyang magdusa. Alam kong babalik yun.
"Manong wag niyo po munang iandar. Bibilang lang po ako at babalik yun si Monster girl panigurado."
5
4
3
2
1
Sabi na nga ba at babalik din 'tong monster na 'to eh. Ang galing ng countdown ko. Natatawa ako sa itsura niya. Sigurado ako, pinapatay na niya ako ngayon sa isip niya. Kailangan kong pigilan ang tawa ko at magsungit.
"Hindi ka ba magpapasalamat at hinintay ka namin?" Akala niya siguro mananalo siya sa akin, eh mautak ata ako.
"Thank you mo your face!" Natatawa na talaga ako. Sigurado akong asar na asar na asar na asar na siya sa akin ngayon.
"Monster!"
Muli ko siyang inasar pero tumingin lang siya sa akin at inirapan ako. Tapos tahimik na siya sa buong byahe. Ang saya, walang maingay. Walang noise pollution. Sana lagi siyang asar! :)