[FAYE's POV]
"Asan ka na? Siguraduhin mo lang na papasok ka ha!" PInapagalitan ako ni Marian na nasakabilang linya ng cellphone. Ang kulit ehh malelate na nga ako.
"Oo na, sige na babye na. Magkita na lang tayo sa school mamaya pasakay na ako ng jeep. Sige ingat din!"
At heto na naman ako, sa sakayan ng jeep. Ewan ko ba, daily routine ko na yata ito. Ang pumasok ng late at makipagsapalaran sa pagsakay ng jeep.
Maayos naman yung jeep na nasakyan ko, ayun nga lnag hinahanap ko si No Manners pero parang walang ni isang bakas niya ngayong araw. Hmmmm.. Asan kaya yun? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam pangalan niya.
Pagkapasok ko sa school ay kinuwentoko kay Marian ang lahat ng nangyari kahapon.
"emhergehd, you mean you're with him yesterday?!"
Ang ingay talaga ng bunganga niya.
"Shh. Yes I am." Sabi ko ng mayroong konting pagyayabang.
"Alam mo ikaw, malandi ka talagang babae ka. So, kayo na ba?!"
"WAAHHHHHHAAAAATTT?!"
Nagulat ako sa tinanong nung bestfriend ko.
"Anong kame? Eh halos wala paisang linggo kaming magkakilala. Atsaka hindi kopa nga alam pangalan niya eh."
"Just kidding. Hahahah!"
Baliw talaga magbiro 'tong si Marian. Hahahaha
"So, here's the two loosers!"
Narinig ko mula sa malayo na nagsalita si Coreen, kasama yung tatlo niyang kaibigan na sina Joana, Loren at Diana. Kung sa teleserye may kontrabida, syempre meron ding kontrabida sa buhay ko. At sila yun. Ang number one pakialamera, inggetera, bungangera at walang kwentang mga tao na walang ginawa kundi laiitin kami ng mga kaibigan ko.
"Ui, andyan pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap eh."
Si Cleo naman yun, ang isa ko pang kaibigan, though hindi kami ganun ka-close katulad namin ni Marian, mahal ko pa rin siya, ang bait niya kaya =)
"At eto pa ang isang looser, dumarating"
Sabi ni Joana habang nakatingin kay Cleo.
"Ano na naman bang meron ha?" Ang sabi ni Marian na nagtatapang-tapangan. Ako kasi, wala akong lakas ngloobna labanansila, pano puro sila mayayaman, at kapagnilabanna ko sila,siguradong mapapatalsik ako sa eskwelahan na ito.
Isa pa, ako ang bida, kaya required na maging mabait ako at hayaang apihin nila. Para masaya.
"Wag mo na silang pansinin Marian." Ang sabi ko habang pinapakalma ang bestfriend ko.
"So, Andito rin pala 'tong three little pigs with a stick." Ang sabi ni Cleo na isa pa ring matapang dahil galing rin sa mayamang pamilya.
"What did you justcall us?!" Tanong ni Loren na may kasamang pangbabanta.
"THREE LITTLE PIGS WITH A STICK! HAHAHAHA"
Natawa ako dahil sinigaw ni Cleo yun. Ang tapang!
"Oh diba? Para lang kayong barbeque. HAHAHA"
Sa sinabing yun ni Marian, hindi ko na napigilan yung tawa ko, as in wagas na tawa! nakakatawa kasi talaga. Mukha nga silang mga baboy na may kasamang stick, atsi Diana yun,payat kasi siya at siya ang pinakamabait sakanilang tatlo.
"How dare you laugh at us! Ang papayat niyo ehh noh!?"
Ang bwelta ni Coreen na nakapamewang na sa harapan ko. Hinahayaan ko lang siya, pero natatawa pa rin ako.