"Anak?"
"Jade?"
"Jade?"
"Jade?" Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at sinundan ang boses na aking narinig.
Ngunit wala akong nakita, Tinignan ko ang napakagandang kapaligiran sa aking paligid.
"Nasaan ako?" Dahan dahan akong tumayo at inilibot ang aking paningin sa lugar. Malawak at halos sakupin na ng mga puno ang napakagandang lugar may mga hayop na naglalaro ang lugar na ito. Nagulat ako at napatingin sa napakataas na talon malinaw at kumikinang pa ang napakalinis na bumabagsak na tubig mula dito.
"Gubat De Tinago?" Eto na nga siguro ang sinasabi sa akin na Talon mula sa Gubat De Tinago. Hindi ko aakalain na ako mismo ay makakapunta at masasaksihan ang napakagandang at ang tinatagong talon ng gubat na eto.
"Anak?" Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang boses na iyon.
Ang boses ng isa sa mga taong pinakamamahal ko.
Ang taong nag bigay ng buhay sa akin sa mundong eto.
Ang taong gustong kong takbuhan kapag pinapagalitan ako ni Mama.
"Papa?"
Nakatayo siya at nakangiting nakatingin sa akin habang nasa loob ng suot niyang pantalon ang dalawa niyang kamay. Bata pa lang ako pero alam na alam ko ang itsyura ng papa ko.
Agad akong natigilan at tinignan siya ganun na ganun pa din siya mula ng huli ko siyang masilayan.
Kamukhang kamukha ko talaga siya maski sa kanyang pag-ngiti ay nakuha ko sa kanya.
"Papa!" agad akong tumakbo para lapitan siya at bigyan ng isang napakahigpit na yakap.
"Namiss mo ba ang papa?" tanong nito sa akin at niyakap din ako nagulat ako nang simulan nitong haplusin ang aking buhok na tila'y inaayos dahil nagulo sa pagtakbo ko.
"Opo, sobra!" Hindi ko na napigilan tumulo ang luha ko sa suot niyang damit.
Namiss ko siya, namiss ko ang taong lagi kong hinahantay sa pag-uwi niya.
"Papa nanaginip po ba ako? Nandito po kayo diba?" Tanong ko sa kanya habang hindi parin inaalis ang aking yakap sa kanya.
"Hindi ka nanaginip Jade, nayayakap mo nga ang papa diba!" Tumawa eto at bahagyang ginulo ang buhok ko dahil sa tanong ko sa kanya.
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagyayakap sa kanya at tinignan siya.
"Bakit po kayo nandito papa?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto kong makita ang maganda kong anak!" Nakangiti at bahagyang itinaas niya ang isang kilay na tila nang-aasar.
"Papa naman eh!" Hindi parin siya nagbabago, bata pa lamang ako pero madalas ko nang marinig ang pang-aasar niya kay mama habang umiinom ako ng gatas na timpla ni Mama.
Tumawa eto at tinignan ako. "Totoo naman yun ah, tandaan mo Reyes ang apelyido mo!" pag-yayabang nito sa apelyido namin.
"Ewan ko sayo papa!" sagot ko sa kanya.
Natawa eto sa naging sagot ko sa kanya at tinignan ako ulit. "Anak, mag-iingat ka ah! palaging mong intindihin ang mga sinasabi ng mama mo at lawakan ang pag-iisip upang umunawa sa mga bagay na makakabuti man o makakasama sayo laging mong tatandaan na Mahal na Mahal ka ng mama at papa!"
Nagulat ako sa mga sunod niyang sinabi sa akin minsan ko lang makitang seryoso ang aking ama at kapag seryoso eto ay may hindi magandang mangyayari sa amin o may problema siyang dinadala at ayaw niya sabihin sa amin upang hindi kami mag-alala.

BINABASA MO ANG
Reconnect (ON-GOING)
RomanceJade & Anya. Lost everything. Jade needs to find the missing pieces of her life. Anya wants a second chance to lives for her family. But, only one can be able to reconnect.