Chapter 4

43 6 0
                                        

RHEA POV:

I never thought this day would come. Ganun naman talaga hindi ba? Bilang isang tao may mga bagay tayong iniisip at kinakatakutan na sana hindi nalang nangyari. Katulad nalang nang pagtalakay at pagkwento sa ating nakaraan. Nakaraan na dapat kalimutan.

Pero, paano kung ang nakaraan na ang mismong lumalapit sayo?

We are just living peacefully, and not knowing what problems and situations are coming ahead to hit us. Nakakapagod gumawa at mag-isip nang solution at action kung paano natin malalagpasan eto.

Sasabay ka ba o magpapatangay?

James, know how much I love and care for him. He is a loving and understanding husband. And the best father to Jade. Kung hindi sana nangyari yun edi sana kasama ko pa siya.

Sana masaya pa din kami.

Sana may matatawag din sana si Jade na pamilya.

"Ma sino yang nasa litrato?" Tanong ni Jade habang nakatingin sa litrato.

"Hindi ko alam, ano kaba hindi ko kilala ang mga tao sa litrato." agad kong sagot.

"Ganun po ba, ibalik kaya natin ang litrato kela Mam Alexandra at Ser Adam?" Nagaalangan tanong ni Jade sa akin.

"Nako, hayaan mo nalang anak ibabalik ko nalang ang litrato kinabukasan." Tugon ko.

"Sige po, Tara na umuwi na po tayo." Nakangiti sabi ni Jade habang naunang maglalakad.

Sorry anak. Sorry kung sa pangalawang pagkakataon inilihim at ililihim ko ulit eto sayo. Takot lamang ako at gusto ko nang lumagay sa tahimik.

"Jade anong gusto mong ulam ngayon?" Nakangiti kong tanong habang sumabay sa kanya sa paglalakad.

Agad nag-isip si Jade nang gustong ulamin at napangiti sa kanyang susunod na sasabihin.

"Pwede ba tayong mag baboy ngayon ma?" Tanong ni Jade sa akin.

Agad akong napangiti sa kanyang sinabi kelan ba nung huli kaming nakatikim nang baboy.

"Aba'y oo naman." tugon ko sa kanya.

"Talaga po, Ma pwede ba tayong mag menudo ngayon?" Tanong sa akin ni Jade at bigla akong niyakap.

"Syempre naman, naglalambing na naman ang dalaga ko." Napangiti nalang ako sa naging kilos niya.

"Mahal na mahal po kita ma." sambit ni Jade at yumakap nang napakahigpit.

Mamahalin mo pa kaya ako kapag nalaman mo ang totoo Jade?

"Mahal na mahal din kita anak, Mahal na mahal." nakangiti kong tugon at niyakap siya pabalik.

Makalipas ang sampung minutong paglalakad. Nakarating sila sa palengke na kung saan balak bumili ni Rhea nang mga sangkap para sa kanilang ulam na menudo. Masayang namalengke ang mag-ina at nakipagtawaran upang may matira pang pera sa kanila.

Malaki ang naging sweldo ni Rhea sa paglalaba pero nais niyang ituro kay Jade ang pagtatabi nang pera at huwag igastos sa mga walang kabuluhang bagay.

Nakauwi ang mag-ina pasado alas-sais nang gabi.

"Sa wakas nakauwi rin tayo." sambit ni Jade at umupo sa sofa at binuksan ang tv.

"Pasensya na anak, Napagod ka ata para sa araw na eto." tugon ko sa kanya.

"Okay lang po yun ma." Nakangiti niyang tugon sa akin habang nakatingin sa tv.

Reconnect (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon