Chapter 7

37 6 0
                                        




"For your final and last project in my subject, I personally would like to invite you to our upcoming tree and vegetable planting program at 10:00 AM this incoming Saturday this week that would be all for now, and wait for your next teacher."

Agad akong napabuntong-hininga nang matapos mag announces si Ma'am Suarez.

Tree and vegetable planting program na laging project para sa mga grade 6 students sa San Benito Elementary School. Matagal ko nang alam na ganto ang pinapaproject sa mga graduating students.

"Jade sasama kaba?" Agad akong napalingon sa aking katabi, Nakayuko si Ana sa harap ng desk niya at tila'y nanlulumo sa announcement ni ma'am kanina.

"Oo narinig mo naman na finale project natin yun diba."

"Okay, basta sabay tayo sa sabado ah!" nakatingin na siya sa akin ngayon at niyuyugyog ang braso ko para pumayag.

"Oo na, Ana masakit ah!" reklamo ko sa kanya.

Agad kong narinig ang malakas niyang pag-tawa, binitawan din naman niya ang braso ko at bumalik sa pag-yuko sa kanyang desk.

Kamusta na kaya sila Lola Juliet at Lolo Romeo? Nakauwi ako sa bahay ng 5:45 PM at naabutan si Mama na nanunuod ng tv sa sala at inaantay akong umuwi. Hindi siya makapaniwala ng mag-uwi ako ng isang plastic bag na may laman prutas.

Tinanong niya pa ako kung saan nanggaling ang pera ko, Sinabi ko din naman na sinamahan ko sila Lola Juliet at Lolo Romeo masaya kong pang ibinida ang nakakatuwa naming pamamalengke sa kanya.

Agad akong napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa gitna ng dalawa naming black board.

"Pagkatapos ng final exam and mga final project sisimulan na din ang pag prapractice ng magiging flow ng graduation inaasahan na lahat ay attend sa practice na aabot ng 5 days!" pag announce ng-class president namin.

"Kung may problema kayo at may mga kulang na Icocomply na mga activities, quizzes, at higit sa lahat exams sabihan niyo lang ako para masabi ko ka agad sa mga teachers natin!"

Agad nag sitanguan ng ulo ang mga kaklase ko ng marinig ang announcement mula sa president namin.

"Problema sa puso president?" Nagtawanan ang lahat ng mga classmates ko sa naging hirit ni Benedict.

"Mr. Gonzales, hindi ko na problema kung binasted ka man ng nililigawan mo mag-aral ka muna para may maipakain ka sa nililigawan mo!" nakakunot na ang kilay nito at tila'y hindi natutuwa sa pag-singit ni Benedict sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHA" Nagtawanan ang mga classmates ko sa naging sagot ng president namin at napakamot nalang si benedict sa ulo at lumabas ng classroom.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon na ang aming tree and vegetable planting program.

"Jade, si Ana nasa baba na bumangon kana diyan!" agad akong napadilat ng mata ng marinig ang sinabi sa akin ni mama.

"8:30 palang ah 10:00 ang usapan namin eh!" pagdadahilan ko pa at ipipikit na sana ulit ang aking mata.

"AR-AY! Mama naman eh!"

"Bumangon kana diyan, Irene hindi na ako natutuwa nakakahiya kay Ana!" Matapos akong pitikin sa noo may kasama pang sermon.

Tinatawag niya lang ako Irene kapag hindi na siya natutuwa sa mga ginagawa ko. Hays!

Tumayo na ako at nag-unat saglit, binuksan ko ang mga bintana sa kwarto ko at nasilayan ko ang laging bumubuo sa aking umaga ang sinag ng araw.

Matapos kong gawin yun ay bumaba na din naman ako sa sala para puntahan ang napakabait kong bestfriend.

"Ana ano nanaman bang pangbubulabog to?" reklamo ko sa kanya nakaupo siya ngayon sa sala at busy nanunuod ng tv.

Reconnect (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon