"Jade."
"Jade."
"JADE!" Ang sigaw ni Rhea sa kanyang anak na nagpabalik sa katinuan ni Jade.
"Kanina ka pa tinatanong ni Louis, anak para kang wala sa sarili mo. Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Rhea sa kanyang anak nang may pag-aalala.
"Hindi po, Ma may naalala lamang po ako." Sagot ko.
"Jade, okay ka lang ba?" Tanong ni Louis. Hindi ko napansin na nandito parin pala eto, Akala ko saglit lang niya kaming binati at pumunta sa kusina upang samahan si Manang Tina para sa kanilang agahan.
"Oo naman, bakit nandito ka parin." Pagtataray kong tanong sa kanya. Sasagot na sana eto nang biglan-
"Jade anak, Huwag mo namang sungitan si Louis tandaan mong anak parin siya ng amo natin." Ang nag-aalalang sabi ni Rhea sa kanyang anak.
Aish! Kahit kelan talaga.
"Nako Miss Rhea, Don't treat yourself as a worker here at my house. You are welcome here and also Jade." Sabi ni Louis habang lihim pang kumindat sa aking direksyon.
"Maraming Salamat Louis, at pasensya na sa pagtataray ni Jade." sabi ni Rhea kay Louis.
"Kala mo talaga, napabakait." ang bulong kong sabi sa aking sarili.
"HA/WHAT?" Sabay na tanong ni Rhea at Louis.
"Wala po ma." Ang sabi ko kay mama at binigyan nang isang napakalaking ngiti si Louis.
"Nandito ka lang pala, Halika mag-almusal na tayo Baka lumamig na ang pagkain." Sabi ni Manang Tina kay Louis.
"Okay let's eat now. Miss Rhea and Jade tara mag-almusal." Ang paanyaya ni Louis sa amin ni Mama.
Ang lakas mag-aya kala mo naman talaga siya ang nagluto!
"Nako, Salamat nang marami Louis pero tapos na kaming mag-agahan ni Jade." Ang naging sagot ni Mama sa paanyaya ni Louis.
"Ganun po ba, okay po antayin niyo nalang po si Mommy at Daddy malapit na rin naman po yung umuwi." Nakangiting turan ni Louis.
"Louis, eto talagang batang to halika na pumunta ka na dito." Tawag ni Manang Tina sa kasama namin na nandito parin hanggang ngayon.
"Wait for a second, Mag-aalmusal lang po kami ni Manang Tina saglit." Sabi ni Louis sa amin nang nakangiti sa aking direksyon.
Ang lala na talaga niya!
Agad-agad ding tumayo ang nag-iisang anak nang Pamilya Lopez at kumain kasama si Manang Tina para sa agahan.
"Jade anak, Hindi ko nagustuhan ang pinakita mong ugali kanina lamang kay Louis." Ang sabi ni mama pagkaalis ni Louis sa sala.
"Sorry, po ma." Ang naging sagot ko.
"Mabait naman si Louis anak, hindi ko maintindihan kung saan nang-gagaling ang kagaspangan nang ugaling ipinapakita mo sa kanya." Malungkot na saad ni Rhea sa kanyang anak.
Ha? Saang banda mabait ang hambog na yun.
"Sorry po ulit ma, Hindi na po mauulit." Ang paumanhin ko sa pangalawang beses.
"Sana nga anak, sana nga." Nakangiting turan sakin ni mama.
beep, beep, beep!
Natigilan ang mag-ina nang narinig ang tunog nang sasakyan sa labas ng bahay ng Pamilya Lopez. Marahil nandun na sa labas ang kanilang inaantay na tao. Ang mag-asawang Alesandra at Adam na nakauwi galing bayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/239567667-288-k988283.jpg)
BINABASA MO ANG
Reconnect (ON-GOING)
RomanceJade & Anya. Lost everything. Jade needs to find the missing pieces of her life. Anya wants a second chance to lives for her family. But, only one can be able to reconnect.