Chapter 6

36 6 0
                                        




Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa natanggap ko ngayon.

Isang box ng stick-o at isang cute na teddy bear na panda.

"Jade sorry naubos ko na yung stick-o." nakangiting paumanhin ni Ana na bakas pa yung chocolate sa ngipin.

"Okay lang, Ana paano ko na to iuuwi ngayon?" tanong ko kay Ana habang nakatingin sa panda sa ilalim ng desk ko.

"Duh! just tell Tita Rhea you have a suitor." sagot nito habang binabasa ang notes sa kanyang notebook.

"Ana hindi matutuwa si mama dito ano kaba." agad akong napa-irap sa naging sagot nito sa akin.

"I swear Tita Rhea will be happy to know who is the person behind these sweet things!" tugon nito sa akin na tumingin din sa panda nasa ilalim ng desk ko.

"Ang cute kaya!"

Agad akong napabuntong-hininga at inaantay nalang ang susunod naming teacher para sa araw na eto. Hindi ko makakalimutan kung paanong paraan kami lumabas ni Ana kanina sa canteen matapos ang nangyari.

Hindi kaya sa kanya galing to?

"Okay, class get one whole sheet of paper and be ready for the quiz!" agad akong napabalik sa katinuan nang marinig ang boses ni Ser. Antonio ang English teacher namin.

"Number 1!" rinig sa apat na sulok ng silid-aralan namin ang boses nito.

Natapos din naman agad ang quiz namin at mabuti nalang at naalala ko pa ang nilesson namin nung isang araw. Nagawa kong makakuha ng 19/20 points at si Ana na nakaperfect 20/20 points. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino si Ana at representative ng school namin sa quiz bee.

"Sa wakas natapos na din!" bakas sa boses nito ang tuwa nang marinig ang score niya mula kay ser.

"Benedict Garcia 20/20 points!"

Agad napatingin ang lahat kay Benedict na nakangising na ngayon at nakatingin kay Ana.

"Hay nako!"

Napatingin ako kay Ana na nakikipaglaban ng tingin kay Benedict.

Benedict Garcia and Ailana Diaz ang Top 1 and 2 sa classroom namin. Hindi na bago sa akin to, Lagi naman silang nag-aaway mula nung grade 1 pa lang kami.

"As expected for the top students here in section A congratulations to both Benedict and Ailana for getting a perfect score."

Pag-katapos ng klase ni Ser Antonio pinauwi din naman kami agad, Inaayos ko na ang bag at binuhat ang teddy bear at ready nang lumabas, Hindi ko kasabay ngayon si Ana pag-uwi dahil may emergency meeting sila sa Student Council

"Kanino galing yan?" bungad sa akin ni Louise habang nag-aantay sa labas ng classroom namin nakataas ang isang kilay nito at nakatingin ng masama sa teddy bear na hawak ko.

"Diba sayo?" biglang kumunot ang noo nito at tila'y hindi natuwa sa sinabi ko.

"Jade Irene hindi galing sa akin yan." buntong hininga nito at tumingin sa akin.

"Nako louise! Okay lang alam ko naman na maganda ako." nakangiti kong tugon sa kanya.

Hindi ako pinansin nito at kinuha at binuhat ang bag ko, Nagulat ako dahil hindi naman niya ginagawa to ngayon beses pa lang.

"Itapon mo yan mamaya pagbaba natin ng building." sabi nito sa akin habang naunang maglakad sa akin.

"Ayoko, ang cute kaya nito." niyakap ko ang panda at inamoy eto.

Binilisan lalo nito ang paglalakad at hindi natuwa sa kanyang naririnig.

"Louise, saglit lang naman." tumakbo ako para mapantayan ang bilis nito.

Reconnect (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon