"Uuwi din si Tita Rhea jade, mag-antay nalang tayo." Matapos kong makita si Tita Alex ay niyaya niya akong pumunta muna sa kanila para kumain ng dinner habang nag-aantay kay Mama. Hawak-hawak ni Anna ang kamay ko at pilit na pinapagaan ang loob ko, mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at awa para sa akin.
"Anna hindi ko nakita si Mama pag-pasok ko sa bahay kanina."
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko gulong-gulo ang utak ko at marami akong katanungan na si Mama lang ang makakasagot pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon kung maayos ba o masama ang kalagayan niya.
"Kumain na muna tayo." Tinawag na kami ni Tita Alex nasa harap na siya ngayon nang lamesa nila at naghahanda ng mga plato at baso.
"Tara na kumain na muna tayo Jade." Napatingin ako kay Anna matapos niya akong tawagin hindi ko narinig ang sinabi kanina ni Tita Alex dahil nakafocus ang utak ko sa pag-iisip kung nasaan si Mama.
"Kumain ka ng marami Jade intayin nalang natin ang pagdating ni Rhea." Napangiti nalang ako at tumango sa sinabi ni Tita Alex.
Tahimik kaming kumain at tila'y naiilang sila Tita Alex at Anna na kausapin ako dahil bakas parin sa mukha nilang ang pag-aalala at hinihintay ako na magsimula ng pag-uusapan sa hapagkainan pero nanatiling lamang akong tahimik.
Matapos naming kumain ay bumalik kami ni Anna sa sala at nanuod ng balita napatingin ako sa wall clock nila at nakitang 7:00 PM na pero wala padin si Mama.
"Jade!"
"Jade!"
Hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin nang tignan ko si Anna ay tutok na tutok eto sa Tv at nang tignan ko naman si Tita Alex ay naghuhugas eto ng pinagkainan namin.
"Jade, Anak!" Nabigla ako at napatingin sa pinto nila Tita Alex galing sa labas ang boses.
"Anna may tao ata sa labas?" Nag-aalangan kong tanong kanya.
Napatingin siya sa akin at niyaya akong tumayo at sinamahan para pumunta sa gate nila.
"MAMA!" Napangiti ako at nagmamadaling tumakbo para yakapin siya.
"Saglit lang naman ako umalis grabe ka naman makayakap." Natatawa niya pang sabi sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
Napatingin siya kay Anna at ngumiti. "Anna, anak kamusta ang klase?" Tanong niya dito.
"Okay naman po Tita, nakakain na po ba kayo?" sagot ni Anna sa kanya.
"Oo naman, salamat pala sa pagpapatuloy kay Jade habang wala ako." Nakangiti niyang sabi kay Anna.
"Wala po yun tita, masaya po akong kasama lagi si Jade."
"Mama saan po kayo pumunta?" Tanong ko dito.
Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at nag-aalinlangan tumingin sa akin.
"Mamaya na natin pag-usapan sa bahay, magpaalam na muna tayo kay Alex." Napatango nalang ako sa kanyang sinabi at pumasok sa loob para magpaalam kay Tita Alex. Matapos ay sabay na kaming naglalakad ni Mama para umuwi.
"Nakalimutan mong buksan ang ilaw." ang sabi niya ng makitang madilim ang bahay namin.
"Nagulat po kasi ako ng makita kong wala ka sa bahay." Napabuntong hininga nalang siya ng marinig ang sinabi ko.
"Umakyat kana sa kwarto mo para magpahinga." ang sabi niya habang nakatingin sa kusina.
Mukhang iniiwasan niya talaga ang mga tanong na gusto kong itanong sa kanya. Gusto kong malaman kung saan siya pumunta o kung sino ang kasama niya sa tingin ko ay may karapatan naman akong malaman kung anong ginawa ng mama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/239567667-288-k988283.jpg)
BINABASA MO ANG
Reconnect (ON-GOING)
RomanceJade & Anya. Lost everything. Jade needs to find the missing pieces of her life. Anya wants a second chance to lives for her family. But, only one can be able to reconnect.