02

1K 18 6
                                    

Sulking

Unfortunately, I am the oldest daughter.

I feel like I always have to be the bigger person. I want to set a good example for my siblings. My parents take pride in me, and I’m the first line of defense for our family. Being the first to go to college means I really need to ace my studies. I want to graduate, but honestly. . .I’m not even sure what I want to do next.

I’ve been super competitive with my studies, aiming for top grades, but I’m still clueless about my college major. I put so much pressure on myself, and as the oldest daughter, I feel like I should have everything sorted out.

But I dont.

"Baka sa Maynila ako mag-aral."

"E mahal ang tution doon diba?"

Nagkibat balikat si Yohan pagkatapos ay inayos ang salamin niya.

"State University. Matalino naman ako." Sagot ni Yohan.

"Parang sinabi rin iyan ng kakilala ko e. Tamo ngayon, hindi siya makalabas. Doon na ata siya titira e." Natatawang sabi ni Julius.

"State University will humble me, for sure." Um-agree naman si Yohan.

Kung hindi ako nagkakamali ay sumusunod sa akin si Yohan. Magaling din siya lalo na sa Research. Kaya kapag may groupings kami sa subject na iyon, siya lang ang gusto kong kagrupo. I hate groupings but sometimes, if we are really tasked to do it by group, I can always count on him.

"Saan mo ba balak pumasok?" Tanong ni Hanni, Top 7 sa ranking.

Nasa pabilog kaming lamesa dito sa field. Lima kaming sabay sabay na naglunch. Ako, si Nana, Julius, Hanni at Yohan. Nasa ilalim naman kami ng puno ng mahogany kaya hindi mainit sa balat ang sikat ng araw.Walang tao sa field dahil nga tanghaling tapat. Sa loob sana kami ng canteen ang kaso ay ang daming estudyante. Saglit lang naman akong kakain dahil may hinahabol akong isang oras na trabaho sa library. Pagkatapos nun ay babalik na ulit sa klase.

Hindi ko naman sila masyadong close pero close sila ni Nana kaya hinayaan ko na lang. But their company is making me calm somehow. Wala naman akong tinuturing talagang kaibigan sa classroom bukod kay Nana. Iyong iba, puro classmates ko lang.

"UP or PUP. Bagay naman sa akin 'no?" Natatawa si Yohan.

"Aba, goodluck talaga. Balita ko, kahit gaano ka katalino, kapag pumasok ka sa mga ganiyang unibersidad sa Maynila, kahit libre ang tuition, kaluluwa mo naman ang ibabayad."

"Sa tingin mo may kaluluwa pa ako? Gago wala na. Nakakailang mura ako sa isang araw tangina. Sunog na kaluluwa ko." Sagot ni Yohan.

Yup, that's him. That's Yohan.

He is very much like Henry when it comes to his hygiene and studies. Malinis at plantsado ang uniporme ni Yohan. Kahit minsan ay hindi rin siya na-late. He's punctual, I will give him that. Siya iyong typical na estudyante na sa unang kita mo pa lang, mapasabi ka na lang na gusto mo siyang maging kagrupo kasi alam mong hindi ka babagsak. Nga lang, palamura talaga siya.

I didn't expect it at all because he was so quiet in our classroom. Well, wala naman akong problema kasi may utak siya. Kahit putak nang putak at puro 'gago', 'tanginang iyan', 'ulol', 'pakyu', 'inamo', ang naririnig ko sa bibig niya, may sense siya kausap kapag patungkol na sa acads.

"Well, you can try the prestigious school, Yo. How about Ateneo and La Salle?"

"Nana, iyong tuition ko doon pampagawa na namin ng bahay." Sagot ni Yohan pagkatapos ay muling sumubo.

"E ano bang kurso kukuhanin mo?" Tanong naman ni Julius.

Nanatili lang akong nakikinig. I shifted on my seat when we arrived on this topic.

After The Fall (THE PRESTIGE 4)Where stories live. Discover now