07

992 29 3
                                    

Note: Pasensiya na po agad sa pacing ng story. May sinusunod lang na timeline hehe. Long chapter ahead!

***

Domestic

"It's confirmed. Tutugtog ang The Quadrant sa opening ng Sportfest!"

Tumili siya. Napapikit ako dahil sa tinis ng boses niya. Kung makatili siya akala mo ay hindi niya pa naconfirm kay Henry ang patungkol doon sa banda e.

"Anong tutugtugin nila?"

Inalala ko uyong flow ng program at ang details nun.

"Judas."

"Lady Gaga!?"

"Oo. Iba ang tutugtugin nila sa parade at sa opening. Sa stage nila tutugtugin iyang Judas. Iyong leader mismo nila ang nagsuggest na iyon na lang ang tugtugin e."

Bahagyang napabangon si Nana at naging baliw. Mukhang excited siya. Well, I can't blame her. That band is quite popular in town. They all look. . .okay. Their names was also part of the honor roll. And besides, they excel on their own field. Kaya walang tapon. Lalong lalo na iyong leader ng banda nila. He stands out among their group.

"Gosh! Gosh! Tutugtog si Abes!" She exclaimed.

Right. That's his name. That Abes guy. The popular Abes who's ver known because of his looks and charisma in playing musical instruments, heavenly voice they say, and very known because of his deep dimples.

"Sana mag-electric guitar siya, Narra!"

I flipped the page of the book I am reading.

"Most probably."

Nana went wild. My thigh hurts a little because she moves a lot. She can't contain her excitement.

"Grabe buti napapayag niyo sila! Minsan lang kaya malibre iyong banda na iyon kasi diba, tumutugtog din sila sa mga bistro tapos sa Station Fifteen."

"I talked to them. It's not that hard."

Pabiro akong kinurot ni Nana sa tagiliran ko. I smirked a little.

"Yabang! Edi ikaw na! Ginamitan mo siguro ng charms e!"

Umasim ang mukha ko. "Charms? I don't even need to do that. Madadaan naman sa usapan iyon."

Natawa si Nana.

"At isa pa, that Abes guy is like me. He looks studious and doesn't give a fuck about romantic relationship."

"Yet." Nana lay her head again above my tigh. "I also heard that from my friends in other school. Crush ng bayan iyang si Abes e. Ang kaso, mukhang wala talagang balak muna sa relationship. Subsob din sa pag-aaral. Sayang. "

Tinignan ko si Nana.

"Bakit sayang? Maganda nga e. Walang distractions. Alam niya ang gusto niya sa buhay."

Nana groaned. "But come on! Abes is a nice catch! Pwedeng magawan ng paraan, Narra. Edi pagsabayin ang pag-aaral at paglandi!"

"Crush mo?"

"Duh." She rolled her eyes.

Nailing ako. Nana and her crushes.

Well, Nana has no interest in romantic relationship too. She's just all crush and k-pop. And besides, he parents are quite strict about it. As well as Henry, I heard. Hanggang hindi pa nakakatapos ng college, mukhang bawal sila magkaroon ng boyfriend at girlfriend.

Nana and I spent our remaining time resting under the shade of the tree in the field. Hindi naman masakit ang init sa balat dahil naisilungan kami ng mga dahon ng malagong puno. Malamig din ang hampas ng hangin sa balat.

After The Fall (THE PRESTIGE 4)Where stories live. Discover now