Prologue

2.3K 41 8
                                    

Prologue

They say, life begins at 30. Yet, as for me, it begins at 4.

Maaga akong namulat sa pagtatrabaho. Kailangan kong magbatak ng buto sa pagtitinda ng bananacue. Tirik man ang araw o kahit bumagyo, kailangan kong makabenta. Minsan na rin akong tumao sa mga karinderya, sa pagpaparking at pagbebenta ng kung anu-ano sa kalsada—kendi, sampaguita, basahan, at mineral water. I need to work or else, we'd be dead hungry.

Money is the root if evil, they say. Some believe, it's a god. They believe that it is the source of anything. And if money would speak a language, it would tell us, "If you save me today, I will save you tomorrow." I was standing on the midde ground whether to believe or not.

I was never convinced of anything of it not until one day, we had no choice but to sleep with an empty stomach. We didn't have anything to save, so we don't have anything for tomorrow. My life has always been like that since I was young.

I was the eldest in my family. And it sucks. I didn't wish to be one.

It's fucking tiring. I need to be strong at all times. I need to be the bigger person. I need to be successful. I need to man up because who would if I don't? No buts and excuses. I don't have a choice but to study hard, ace my exams, graduate with honors just to get a high paying job.

That was the plan. I need to reach it no matter what. I need it. I don't have a choice.

Hindi kami mayaman. Alipin ako ng pera. Inalipin ako ng pag-aaral ko. Bakit? Dahil ayaw kong manatili kaming ganito lang.

Mahirap lang ang magulang ko. Nag-asawa ulit ang nanay ko matapos mamatay ang tatay ko. Walang natapos iyong lalaki kaya hirap makahanap ng trabaho. Nag-anak sila nang nag-anak kahit wala namang pantustos. Pinalaki nila kami sa mundong puno ng paghihirap. Sa buhay na dapat ay hindi kami iyong bumubuhay. Kami dapat iyong binubuhay. Pero wala e. Nandito kami.

"Anak, wala ng gatas ang kapatid mo." Sabi sa akin ni Mama isang araw.

Kakauwi ko lang galing trabaho. Pagkatapos ng klase ko kanina ay nagtungo ako agad kina Ate Francia para turuan iyong pamangkin niya na si Nigel. Elementary pa lang iyon kaya madali pa na turuan. Inabot ako ng gabi dahil nilakad ko lang ang daan mula sa kanila pauwi dito sa amin.

Binigyan naman ako ni Ate Francia ng pera pamasahe dahil alam niya ang estado ng buhay namin pero mas pinili kong hindi gastusin iyong kuwarenta pesos. Pinambili ko ng sardinas. Inulam namin kanina.

"Tinipid ko kanina iyong natitira, nak."

Patuloy ako sa paghuhugas ng plato. Si Mama ay nasa gilid ko lang, hinehele ang halos bagong silang kong kapatid.

"Iyong kambal. . .pasukan na rin sa susunod na linggo."

Huminga ako nang malalim. "Ako na po ang bahala, ma. Sasahod ako bukas sa pagtutor ko kay Nigel. Bibilhan ko ng gatas si Silas bukas."

"Iyong kambal, nak?" Dagdag ni mama.

Umiyak ang kapatid ko. Inalo agad ni Mama.

"Hush. Nandito ang Mama. Tahan na. Bibili na ng gatas ang ate."

Huminga ako nang malalim at binilisan ang pagkuskos sa mga plato.

"Gagawan ko ng paraan, Ma."

Syempre, wala naman akong choice.

Baka bumale na lang ako sa bakery na pinapart-time-an ko. Bahala na basta gagawan ko ng paraan.

Kung hindi ako magtatrabaho, wala akong maipapambiling gamit ng mga kapatid ko. Wala silang gagamitin sa school. Kinder na iyong kambal sa susunod na linggo pero magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang gamit. Kahit isang lapis, wala.

After The Fall (THE PRESTIGE 4)Where stories live. Discover now