Sabotage
"Narra, pupunta ka ba mamaya?" Tanong sa akin ni Nana habang nasa biyahe kami.
Si Henry ay nasa passenger seat. Kami namang tatlo ni Nana at Lorenzo ang nasa backseat. Napapagitnaan kami ng kaibigan ko. Iyong bike ni Lorenzo ay nasa likod ng sasakyan. Talagang nakisabay din siya. Pero hindi naman flat iyong gulong. Ang gulo niya talagang tao.
"Oo. Makikigamit sana ako ng laptop, Nana."
May assignment kami sa Trigonometry namin na subject. Pwedeng sa libro or sa online magsagot pero dahil wala ako ng alin sa pagpipilian, wala akong choice kundi pumunta kina Nana. Ani rin ni Henry ay ipapahiram niya sa akin ang dating libro para hindi ako mahirapan.
"Sunduin ka namin ni kuya Henry! " Suhestiyon ni Nana.
"Hindi niya ba kayang pumunta?"Sabat ni Lorenzo, natatawa pa.
Halos umikot ang mata ko dahil doon.
Nakakrus ang nga braso ko at pasaring na nilingon si Lorenzo sa gilid. Nakapostura rin ang kupal. Nakadekwatro rin at nakakrus ang mga braso.
Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaas ko rin ang akin.
"Para makatipid kasi ng pamasahe, Lorenzo." Pagtatanggol ni Nana.
"E mura lang naman ang pamasahe a. Saka kaya naman ng walking distance iyon."
Umismid ako.
Palibhasa may sarili siyang bike kaya ganiyan siya. Kung mura para sa kaniya ang pamasahe, sa amin hindi. Pambili na rin namin ng pagkain iyon sa bahay. At isa pa, kahit may extra ako, hindi ko rin pipiliin sumakay, iipunin ko na lang. Kaya ko naman maglakad e.
"Hindi na. Ako na. Sasakay na lang ako ng tricycle. " Sagot ko, kahit hindi naman talaga ako sasakay. Para lang talaga manahimik iyong isa diyan.
"Are you sure? Ipapasundo kita kay Kuya."
Tumingin ako kay Henry. Sinalubong niya ang tingin ko sa salamin. For no reason, I saw Lorenzo on my peripheral vision, he is tracing my vision.
I immediately took off my eyes at Henry.
"Kaya niya na iyan, Nana. Ang laki laki na niyan oh." Angil na naman ni Lorenzo, iritado na naman.
Ano bang problema niya? Hindi na nga ako sasabay diba?
"Gabi na kasi e." Si Nana, gusto talaga na ipahatid ako kay Henry.
"Busy si Henry. Graduating na iyan a?"
"I have time." Si Henry.
Lorenzo scowled.
I pursed my lips. "Hindi na, Henry. May extra pa naman ako dito. Kaya ko na. At isa pa, baka may overtime rin ako."
"Sure ka ba, bes? Nag-aalaa kasi ako. Gabi na."
"Sanay na."
Natahimik ang buong sasakyan. Si Nana ay tila dismayado na hindi ako masusundo ng kuya niya pero ayaw na akong pilitin. Ganoon din naman si Henry.
Lorenzo cleared his throat after a while. Napatingin kaming lahat sa kaniya.
He looked outside the window and placed his elbow on it and leaned.
"Ako na ang maghahatid." He whispered.
With furrowed brows and confused expression, my eyes lingered on him. Ano ba namang trip niya sa buhay?
Lorenzo looked at me. His eyes were uneasy. He also look at Henry and Nana. After some seconds, he burst out laughing.
"Gusto rin! Bakit naman kita ihahatid? Patayin niyo na lang ako!"
YOU ARE READING
After The Fall (THE PRESTIGE 4)
General FictionThe Prestige Series 4 Narra has always had one goal in mind: to graduate with top honors. She's been driven by the desire to succeed, not just for herself but for her family too. As the breadwinner, she carries the weight of her family's hopes on he...