Distracted
"Ready?"
Nakadikit na ang chalk sa board. Ang isang kamay ay nasa likod ko. Parehas kami ni Lorenzo. Alam kong kahit hindi ko siya lingunin ay focus na focus din ito sa board. The tension between me and Lorenzo is very palpable. It was very opposite to our classmates behind us.
"Go, Narra! Itaas ang bandera ng mga kababaihan!"
"Itaas mo rin ang pagkalalaki natin, Lorenzo!"
"Taas na taas dapat!"
"Mr. Gonzales!" Suway ni Sir Hernaez.
Ang pagsitang iyon ay hindi napagtuunan ng pansin dahil sa lakas ng hiyawan. Nakita ko rin na may mga tiga-ibang sections ang nasa labas, nanonood sa amin at nagvivideo. Ganito ba talaga kabigdeal ang laban sa pagitan namin ni Lorenzo?
"Go lovebirds!" That's Yohan.
"Kaya mo iyan, Lorenzo! Go! Go! Go!"
"Go, Narra! Talunin mo iyang si Migo nang makita niya hinahanap niya!" And that's Lorenzo's friend, Anais.
My heart is beating so fast. I can feel every beat of it. I felt like every muscles on my body is tensed. Though this is just an ice breaker but everything from here is recorded as recitation. I could not stay still and let Lorenzo win. It's my pride on the line.
Hinamon niya ako. Alangang tanggihan ko siya? Edi parang pinakita ko lang na uurungan ko siya kapag ganitong usapang math.
"Guys, I said quiet!" Sir Hernaez try to calm the class.
Muli akong huminga nang malalim. Hindi ko na nakayanan at nilingon na si Lorenzo sa kabilang board. Nakatingin na ito sa akin. Madilim ang tingin nito. Kunot na kunot ang magkabilang kilay at malalim ang paghinga. Talagang inis na inis siya.
Anong pake ko sa kaniya? Parang bata. Wala naman akong kasalanan! Tapos ngayon ay hahamunin niya ako ng one-on-one?
Ilang segundo kaming nagkatinginan bago sabay na umirap sa isa't-isa.
Tang ina niya. Sa akin niya binubuntong ang galit niya e wala naman akong ginagawang mali. He deserve that violation! Parang maglilinis lang naman siya ng mga tuyong dahon sa field e. Ginusto niyang makipaghalikan sa kung saan kaya dapat, alam niyang tumanggap ng parusa!
"Okay. . . For the first question."
"Kyaaaah!"
"Nana!"
"Wala pa nga e!"
Nagtawanan ang buong klase habang ako ay dinadaga na ng kaba dito. Halos wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Ang tanging focus ko lang ay ang boses ni ni Sir Hernaez.
I know I can beat Lorenzo. I will. I am doing well without him in the picture. He's just a. . .parasite! An intruder who destroyed ny zone. An intruder I need to get rid of! I can crossed him out if I want to. . .If I am just brave enough. I know I can reclaim my place.
But fucking hell, this is his playground! Mathematics is Lorenzo's playground!
"List down all the Pythagorean Identities!" Sir Hernaez shouted.
Mabilis akong nagsulat sa board. Ganoon din si Lorenzo. Dinig na dinig ang bawat paglapat ng chalk sa board dahil ang buong silid ay biglang natahimik.
Kabisado ko 'to. . . alam ko 'to. . .
sin²θ + cos²θ = 1
tan2θ + 1 = sec2θ
cot2θ + 1 = cosec2θ
sin 2θ = 2 sin θ cos θ
cos 2θ = cos²θ – sin²θ
tan 2θ = 2 tan θ / (1 – tan²θ)
cot 2θ = (cot²θ – 1) / 2 cot θ
YOU ARE READING
After The Fall (THE PRESTIGE 4)
General FictionThe Prestige Series 4 Narra has always had one goal in mind: to graduate with top honors. She's been driven by the desire to succeed, not just for herself but for her family too. As the breadwinner, she carries the weight of her family's hopes on he...