Chapter 8 : Start over

30 1 0
                                    

Napakunot ang noo ni Lenard nang may makitang pamilyar na bagay sa basurahan. Mabibilis ang hakbang na lumapit siya roon at madilim ang mukhang pinulot ang bouquet na ipinadala niya kay Faith kanina.

"That woman!", nagtatangis ang ngipin na wika niya habang masama ang tingin sa mga bulaklak.

"May pambili ka naman ng bulaklak para kay Faith, huwag mo ng isiping i-recycle yan", ani Tristan na nakalapit na pala sa kaniya. Matalim ang mata na tiningnan niya ito at si Ryder.

"Of course I can afford to buy her flowers,  kaya nga pinadalhan ko siya. And that woman just threw these away. Does she ever have any idea that I personally chose every flower in here?", naiinis na sabi niya na hindi pa rin makapaniwala sa sinapit ng mga bulaklak habang nakatiim-bagang na nakatingin sa mga iyon.

"So ikaw pala ang salarin kaya nagpapanic si Marge. You didn't put your name, did you?", tanong ni Ryder.

Nagtatakang tiningnan lang ni Lenard si Ryder.

Napailing lang naman si Ryder bago nagpaliwanag.

"You should know that my fiancée once received flowers from an unknown admirer who later turn out to be an insane stalker. So sending Faith flowers anonymously will raise their shackles and their cautiousness because of what happened to Jenneth".

"Why? What happened to her?"

"She was almost kidnapped, if not for Ryder here", ani Tristan.

Sa narinig ay naliwanagan si Lenard at napatango. Kahit paano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman niya.

"I didn't know", mahinang wika niya.

"Now you know", nakakaunawang ani Ryder at tinapik siya sa balikat.

"Since, ikaw naman pala ang nagpadala ng bulaklak, ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob at sabihin mo kay Faith na sa iyo galing iyan para hindi na mag-alala ang mga iyon. Plano pa naman nilang ipa-blotter na ang pangyayari kaya ako tinawagan", ani Ryder na nauna ng pumasok sa loob ng cafe.

"Shit.....it's a good thing I decided to come here, afterall", ani Lenard na sumunod na kina Ryder at Tristan habang bitbit ang mga bulaklak.

Pumasok silang tatlo sa isang kuwarto na mukhang nagsisilbing opisina ng cafe. Naroon ang apat na magkakaibigan na mukhang hinihintay ang pagdating ni Ryder. Agad na hinanap ng mga mata niya si Faith at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya habang nakakunot ang noo. Ilang saglit pa ay bumaba ang mga mata nito sa hawak niyang mga bulaklak.

"Why did you throw this away?", may iritasyong tanong niyang ang tinutukoy ay ang bouquet. Hindi pa rin niya naiwasang may bahagyang iritasyong sa boses kahit pa alam na niya ang dahilan, marahil dahil sa nasayang ang effort niya sa mga iyon.

"Bakit mo tinatanong, ano naman sa iyo kung itinapon ko iyan. It does not concern you! And how did you know na ako ang nagtapon niyan?, mataray na sagot ni Faith

"Of course I knew and of course  it concerns me woman. I was the one who sent it, then I'll just see it gracing the trash bin. It's a big insult lady".

"There's no sender written on it, how would I know it came from you", balewalang sagot ni Faith na humalukipkip lang bago inalis ang tingin sa kaniya.

Lenard run his fingers through his hair out of frustration. God, this woman is really something. Bago pa siya may masabi uli, naramdaman niyang tinapik siya ni Tristan sa braso at pasimpleng binulungan.

"Mas lalo mo lang siyang gagalitin. Relax, baka hindi lang si Faith ang mainis sa iyo. Solid ang apat na iyan, baka pagtulungan ka", anitong pasimpleng sinulyapan ang makakaibigan.

COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon