"Mark, please check table three, mukhang naubos na ang water ng isang guest", utos niya sa isa sa mga waiters niya. After party ng fashion show ni Marge at dahil ang restaurant niya ang nag-cater ay abalang-abala siya sa pag-oversee sa mga tauhan niya. Kanina pa nga siya pinagpapahinga ni Marge at hayaan na lang daw ang mga tauhan niya sa pagtatrabaho. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga tauhan niya kaya personal pa rin niyang pinamamahalaan ang okasyon, alam niya ang kakayahan ng mga ito at alam niyang hindi siya mapapahiya, gusto lang niyang makasigurado na maayos ang lahat.
Nang makuntento sa nakita ay kumuha na siya ng isang flute ng champagne, pupunta na siya sa table nilang magkakaibigan para makipagkuwentuhan. Patungo na siya sa table nila nang mapansin niya ang isang guest na tinatawag ang atensiyon ng mga waiter niya. Mukhang kailangan nito ng refill sa wine nito, at mukhang wala pang nakakapansin dito kaya naman kinuha niya ang atensiyon ng isa sa mga tauhan niya. Kausap niya itonsa radio nila ng may dumaan sa harap niya kaya naman umatras siya upang makaiwas rito. Pero sa pag-atras naman niyang iyon ay may nabangga naman siya sa likod. Mabilis siyang umikot upang tingnan iyon, at dahil sa ginawa ay tumapon ang champagne na hawak niya sa kung anuman o sinumang nabangga niya.
"Oh shit. What do you think you're doing woman?", sita ng nabangga ni Faith.
"Sorry, Hindi ko alam na may tao sa likod ko", hinging paumanhin niya sa lalaki na abala sa pagpupunas sa polo nitong nabasa niya ng natapong champagne.
"There are so many people here, hindi mo solo ang lugar, you should be more careful", nakasimangot na sabi nito nang tumingin sa kaniya na kunot na kunot pa ang noo.
Napasimangot si Faith ng maulinigan ang paninita sa tono ng lalaki, anong ibig sabihin nito, hindi siya nag-ingat at sinadya niyang tapunan ito ng champagne?
"Excuse me! Hindi ko sinasadyang tapunan ka, it was an accident", mataray na sagot ni Faith.
"Which could have been avoided, if you're looking at your surrounding".
"You're behind me, how the hell can I see you, ikaw itong pahara-hara, ikaw dapat ang umiwas", she said irritably.
"Regardless, if you're not careless.."
"Careless, you mean I'm careless", naiinis na putol niya sa sasabihin ng lalaki. Aba ang yabang naman nito, the nerve of this guy.
"Aren't you?", the man said challengingly raising his eyebrows while crossing his arms on his chest.
"Look here mister, I don't know what your problem is, but it was not my intention to spill my champagne on your shirt. I just tried to avoid being hit by the person who just passed by in front of me. It was just unfortunate that by doing so, I bumped on you. I've already said sorry, now if you'll excuse me, I still have things to do", naiinis na wika niya at iniwan na ito.
That guy, how dare him na isiping sinadya niyang tapunan ito ng champagne. At ang kapal naman ng mukhang sabihan siyang careless. Impaktong lalaki.mNakasimangot na nagmartsa siya palapit sa mga kaibigan.
Naiiling na pinagmasdan na lang ni Lenard ang babae. Ang totoo hindi naman siya galit na nabuhusan siya nito ng champagne, nagulat lang siya kaya niya ito nasita. Alam naman niyang hindi nito sinasadya ang nagyari. Pero medyo uminit kasi ang ulo niya sa kaiiwas sa isa sa mga guest na babae na kanina pa magpapansin sa kaniya at mukhang hindi man niya sinasadya, may bahid ng pagkainis ang tono niya ng paninita rito kanina. Hindi sinasadyang, dito niya naibaling ang inis. Hihingi na rin sana siya ng sorry sa inasal niya lalo na ng makita niya ang mukha nito, ngunit nagtaray naman ito. Kaya sa halip na magsorry ay, lalo na lang niyang ininis ito, ang ganda kasi nitong tingnan habang lukot na lukot ang mukha sa pagtitimping huwag magalit.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)
RomansaBehind the handsome face, she was irritated to death by his arrogance the moment they met. Swearing to never crossed path with him again, she put that incident at the back of her mind. But how can she totally forget him, when fate seems to work agai...