Chapter 13 : Ice cream

25 2 1
                                    

"Busy? Mukhang dagsa ang customer niyo ah?"

Gulat na napatingin sa pintuan ng kitchen si Faith nang marinig ang boses ni Lenard. Sobrang dami ng customer nila at naitaon pa na biglang nagka-emergency ang isa nilang cook kaya naman aligaga sila ng mga assistant niya. Nawala tuloy sa isip niya na may dinner pala sila nito.

"I'm sorry, hindi ko napansin ang oras. Wala kasi iyong isang cook namin. May emergency sa bahay nila kaya biglang nag-half day. Magre-ready lang  ako".

"It's okay, tapusin mo muna iyang niluluto mo. I'm good here" ani Lenard na prenteng nakasandal sa hamba ng pinto habang naaliw na nakatingin sa kaniya.

"Authorized personnel lang ang allowed sa kitchen. Anong ginagawa mo dito?", nakataas ang kilay na tanong niya bagama't nakangiti.

"Pinapasok ako nina Marge at Jenneth. Sunduin na daw kita dito at mukhang nadikit ka na naman sa mga kaldero mo, their words not mine".

"Mabilis na lang ito, sa opisina ka na lang maghintay.  Jamie, ikaw na ang tumapos nito ha. Tapos naman na ang rush hour, kaya niyo na siguro rito?"

"Oo naman chef, sige na po mag-ayos na kayo. Nakakahiya naman kay sir pogi kung  paghihintayin niyo siya ng matagal", nakangising wika ng assistant niya.

"Sir, may kapatid ka ba? Baka naman pwede mo akong ireto?", biro pa nito kay Lenard na ikinatawa lang ng huli.

"Pasensiya na, solong anak ako eh", pakikisakay naman nito sa biro ng mga tauhan nila. "Pero may pinsan ako, mas guwapo pa sa akin".

"Single ba yan Sir?"

"Sa kasalukuyan"

"Single ako sir at very ready to mingle"

"Hoy Jamie, isa kang taksil. Naghahanap ka pa ng guwapo, nandito naman ako sa harap mo", singit naman ng dishwasher nila na si Jules.

"Tse, pakialam ko naman sa iyo. Hindi kita kilala!"

"Akala mo lang hindi, pero oo...oo", ani Jules na may kasama pang paghampas sa dibdib na ikinatawa nilang lahat.

"Tama na nga iyan, mamaya na kayo magdramarama sa hapon. Tapusin niyo muna ang service", natatawang saway ni Faith sa mga staff nila.

"Ikaw naman", baling nito sa kaniya. "Lumabas ka na, hintayin mo na lang ako dun sa office or sa bar, mag-aayos lang ako"

"Yes Ma'am", biro ni Lenard dito sabay saludo. "Take your time, makikipagkuwentuhan muna ako kay Ryder. Nakikigulo siya kay Jenneth, ilalayo ko muna siya bago pa maging hot choco lahat ng drinks niyo sa kabila ng katotohanang cafe ang pinapatakbo niyo".




Mabilis na tinapos ni Faith ang ginagawa bago tinungo ang opisina nila para magbihis. Kasalukuyan siyang nagre-retouch ng makeup niya nang pumasok si Chantal.

"Hoy babae, deretso uwi ka sa bahay niyo ha. Hindi porke, wala ngayon diyan sina Tita eh, sa ibang bahay ka na makikitulog."

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan. Nahawa ka na ba kay Marge sa pagiging high lagi?"

"Peace", nakangising wika ni Chantal na naka-peace sign pa.

"So, a date with Lenard huh", nanunudyong wika nito.

"It's just a dinner".

"Nag-dinner din kayo the other night".

"Tsismosa talaga si Marge no?"

"Huh! Kay Ryder ko nalaman. Narinig ko siyang, tinutukso si Lenard kanina".

"At kanino naman sa tingin mo nalaman ni Ryder kundi sa kakambal niya".

COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon