Nahahapong isinandal ni Faith ang katawan sa swivel chair niya habang nakapikit ang mga mata. Maghapon siyang nagtrabaho at ramdam na niya ang pananakit ng likod. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, sobrang pagod na pagod na siya, gusto na niyang ipahinga ang likod pero tinatamad na siyang tumayo at lumipat sa sofa.
"Tired?", anang boses na nagpaigtad sa kaniya.
Agad na nagmulat ng mga mata si Faith at tumutok sa taong nakatayo sa may pinto ng opisina niya.
"Lenard", gulat na sambit niya nang makita Ito. "Why are you here? May nakalimutan ka bang sabihin kanina?"
"Nah"
"Kung ganun, anong ginagawa mo rito?"
"May iba akong sadya. Kaninang umaga, it was purely business, this time, it's personal", anitong naglakad na papasok at noon lang niya napansin ang hawak nito.
"For you", ani Lenard sabay abot sa kaniya ng dala nitong bulaklak.
"Thanks, they're beautiful. So, what brings you here?"
"Aayain sana kitang mag-dinner, but seeing you're so tired....."
"Dinner would be fine", putol ni Faith sa sasabihin nito. It's not smart to have dinner with Lenard and she knows it, lalo na at nababahala siya sa pinaparamdam nito sa kaniya, but she wants to know if that feeling will lead to something. Then she will decide.
"I know, you own several restaurants and I know that the food is superb, but can we, ah...."
"Dine somewhere else?", nangingiting tanong ni Faith.
Nahihiyang tumango si Lenard.
"I actually made a reservation somewhere, if that's okay with you".
"Sure, why don't you sit first and give me a minute to freshen up and tidy these things", aniyang iminuwestra ang mga papeles sa mesa.
"Take your time", ani Lenard na naupo sa sofa sa gilid ng opisina niya.
Mabilis naman na iniligpit ni Faith ang mga papeles sa table niya at pumasok sa bathroom sa office niya para mag-retouch ng kaunti. Ilang sandali pa ay nakahanda na siya.
"Let's go?", untag niya kay Lenard paglabas matapos kunin ang bag niya.
"Do you have a car? Convoy?", tanong ni Lenard.
"Coding ang kotse ko ngayon actually", sagot naman ni Faith.
"Great, must be my lucky day. Let's go then", malapad ang ngiting wika nito bago siya hinawakan sa likod ng siko at iginiya na palabas.
Bago tuluyang umalis ay nagbilin na lang siya sa manager niya na ito na ang bahala na mabilis naman nitong tinanguan pero hindi nakaligtaas sa kaniya ang panunukso sa mga mata ng mga empleyado niya na ikinailing na lang niya.
Dinala siya ni Lenard sa Garden Cove, isang restaurant na ang alam niya ay madalas puntahan ng mga nasa Alta-sosyedad. Sa garden area sila iginiya ng server na bumati sa kanila matapos sabihin ni Lenard na may reservation ito. Napapalibutan ang table nila ng mga iba't-ibang halaman na siyang nagbibigay sa kanila ng privacy dahil bahagya silang nagtatakpan mula sa karamihan.
Matapos maibigay ang order nila sa waiter ay pinuri ni Faith ang lugar.
"Nice place, I wonder if I can also put up an al fresco dining in one of my restaurants", aniyang inililibot ang paningin sa paligid. Siguro doon sa binabalak niyang itayo sa Tagaytay or Baguio. Parehong malamig ang lugar kaya nakakaenganyo ang kumain outdoor. Nasa planning stage pa iyon at gumagawa pa ng study ang team niya kaya hindi pa talaga sila nakapag-decide kung saan sila sunod maglalagay ng branch.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)
Roman d'amourBehind the handsome face, she was irritated to death by his arrogance the moment they met. Swearing to never crossed path with him again, she put that incident at the back of her mind. But how can she totally forget him, when fate seems to work agai...