Chapter 10 : It can't be

25 2 1
                                    

Matapos tawagan si Faith ay nakangiting ibinababa ni Lenard ang tawag. 

"You're whipped, mukhang malakas ang tama mo kay Faith", biro ni Tristan. Pinuntahan niya ito sa opisina nito matapos siyang manggaling sa flower shop ng Mommy niya. Isa kasi ito sa kukumbinsihin niyang sumali sa auction na gagawin ng foundation nila dahil isa ito sa mga eligible bachelors ngayon ng bansa.

"Gago", naiiling na lang na wika niya.

"Just a piece of advice, be careful with Faith. She has a very fragile heart and I don't know if she's ready to fall in love again", seryosong wika ni Tristan. "You have a very rocky road ahead of you bud".

"Anong ibig mong sabihin".

"It's not my story to tell, but suffice it to say, she'd been hurt big time. Hindi ko alam kung naka-recover na ba siya o hindi pa. So, kung seryoso ka sa kaniya, be prepared to fight against her past".

"Who's the jerk who hurt her", tiim-bagang na tanong niya. Hindi niya maipaliwanag ang galit na biglang umusbong para sa taong nanakit dito at ang lungkot sa kaalamang nasaktan ito. Maybe that's the reason why he saw sadness in her eyes.

"On his part, he doesn't have any intention of hurting her. If anything, I guess he had every intention of making her happy".

"Then, why the hell is she hurt. You're not making any sense", naguguluhang tanong ni Lenard.

"Malalaman mo din, that is kung seryoso ka nga kay Faith".

"What the hell Tristan, ngayon lang ako nag-effort magpa-impress sa isang babae. Of course, seryoso ako".

"You better be. Faith is a friend, she'd been through so much pain already, she deserves to be happy too. Plus the fact na kung naglalaro ka lang, aside sa amin ni Ryder, malalagot ka sa mga kaibigan nun. I tell you, they are scary", natatawang sabi ni Tristan.

"You're talking puzzles".

"Gaya nga ng sabi ko kanina, it's not my story to tell. Tanging si Faith lang. So if you're serious with her, you'll be needing all the patience you can get. It will not be easy bud, I'm telling you".

"Now, I'm very much intrigued", naiiling na wika ni Lenard at matalim na tiningnan si Tristan.

Tumawa lang ang loko bago naiiling na ngumisi.

"Anyway, ano ba ang kailangan mo. Magkasama lang tayo kanina ha, don't tell me na-miss mo agad ako", tanong ni Tristan.

"Nawala na sa isip ko ang isang sadya ko kanina dahil sa nangyari kaya kita uli pinuntahan. My foundation will be having a fund raising gala and my organizer thought of doing a charity auction to fund the athletes for the upcoming SEA Games", paliwanag ni Lenard.

"Pati ba naman ako bebentahan mo ng ticket. Ang yaman mo na, ilibre mo na ako sa ticket".

"This is for charity, huwag kang kuripot. Pero hindi iyan ang sadya ko. As I said we will be having an auction, at ang mga organizer ko ay puro babae so ang naisip nila ay auction ng mga eligible bachelors sa bansa, and you are one in their list".

"Wait...wait....wait, sinasabi mo bang gusto mo akong sumali sa auction na iyan. Man, you're out of your mind kung sa tingin mo papayag ako".

"It's for a good cause", pangungumbinsi ni Lenard.

"How about you, I'm sure you're one of those bachelors", tanong ni Tristan.

"I'm the founder, so I'm exempted"

"Man, that's unfair", reklamo ni Tristan na ipinagkibit-balikat lang ni Lenard.

"Dapat nga ikaw ang nangunguna since it is your Foundation".

COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon