Chapter 16 : promise

43 1 1
                                    


It's Saturday, maaga siyang sinundo ni Lenard kahit na may kalapitan lang naman ang Pampanga. Ayon dito, para daw makapag-almusal sila ng sabay. Since that night na lumabas sila kung kailan sinabi nito ang panliligaw, ngayon na lang niya uli nakita ang lalaki. Ilang araw din kasi itong nag-e-ensayo. Although, nagpapadala naman ito ng mga bulaklak sa kaniya halos araw-araw, Hindi naman ito tumatawag o nagpaparamdam. Ang mommy nito, si Tita Martha, ang delivery woman ng lalaki, kaya naman kahit hindi ito nagpapakita, alam niya kung nasaan ito sa mga nakalipas na araw.

Minsan nga parang gusto niyang mainis, nagsabi itong manliligaw, MIA naman. Pero naiintindihan naman niyang kailangan nitong mag-practice. Kaya naman halos tatlong araw din niya itong hindi nakita. At sa loob ng tatlong araw na iyon, tanging bulaklak ang ebidensiya ng panliligaw nito at ang nag-iisang tawag nito kagabi upang sabihing maaga siya nitong susundin. Kahit kasi nagpapadala siya ng text dito upang magpasalamat sa mga bulaklak ay hindi ito nagre-reply.

"Good morning beautiful", bati nito sa kaniya ng mababaan niya ito sa living room nila.

Tinaasan lang ito ng kilay ni Faith na ikinangiwi naman ng lalaki.

"Sorry kung hindi ako nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw, I need to practice para makapagpa-impress sa iyo. Hindi ako pwedeng ma-distract and I have to say, you're a big distraction", hinging paumanhin nito na may alanganing ngiti.

"And what do you mean by that?", nakataas ang kilay na tanong niya.

"Just that, I can't help but be distracted just by mere thoughts of you. Kaya hindi na muna ako nagparamdam. You're a good type of distraction but a distraction nonetheless. I need to impress you kaya kailangan kong mag-concentrate sa practice", paliwanag nito.

"Hmmpppp. Alis na tayo?"

"Yes, where do you want to have breakfast?"

"That's a first, dati kapag nag-aaya ka, may nakaplano ka ng restaurant".

"Well, I realized I should also consider your preferences. It's the right thing to do. So what do you want to eat?"

"Have you seen that cute little cafe right outside our village? They served the most delicious waffle I have ever tasted. I've been trying to recreate it but I can't. I feel like eating one", ani Faith. Maliban sa ice cream, waffle ang comfort food niya lalo na kung agitated siya. At ngayon, medyo agitated siya dahil sa gagawin ni Lenard sa pupuntahan nila. Kanina pa nanlalamig ang kamay niya at nanginginig ng konti. She wanted to wring her hands but she didn't like Lenard to see that she is a bit nervous and uncomfortable. Ayaw niyang makaapekto iyon dito na maging sanhi pa ng distraction nito. Kaya naman kailangan niya ng pangpakalma, her comfort food.

"Waffle it is then", ani Lenard na tumayo na at iginiya na siya palabas ng bahay nila.







They arrived early for the event, kailangan pa kasing i-check ni Lenard at ng team nito ang sasakyang gagamitin nito mamaya to make sure that everything is in good condition. Dapat matiyak na walang aberya mamaya ang sasakyan. Napahanga si Faith habang pinapanood si Lenard sa ginagawa. Looking at him, it's very obvious that he loves what he is doing. It's really his passion. Mabusisi ang ginagawang pagche-check ni Lenard sa sasakyan nito kaya  nakatitiyak siyang medyo matatagalan pa ito ng konti kaya naman nagpaalam siyang maglalakad lakad saglit.

"Don't go too far. I'll finish this fast then okay na. We can take a look at the cars for exhibit bago pa dumating ang mga tao".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon