Kasalukuyang nakikinig si Faith sa litanya ni Tita Martha tungkol sa anak nito. Nagtatampo ang ginang dahil hindi nakarating ang anak sa supposed to be ay lunch date nilang mag-ina kanina. Nagkaroon daw ito ng biglang bisita kaya hindi nakaalis sa opisina nito. Kaya nasa restaurant niya ngayon ang ginang at nagmumukmok. Buti na lang at tapos na ang lunch hour nang dumating ito kaya naman nang hinanap siya nito ay pinuntahan na niya at sinamahan sa late lunch. Kasalukuyan na silang nagkakape habang nagpapababa ng kinain at nagkukuwentuhan nga. Napansin niyang nagri-ring ang cellphone nito pero hindi naman nito sinasagot.
"Tita, mukhang kanina pa tumatawag iyang caller mo, bakit di niyo po sagutin?".
"Ang damuho kong anak lang iyan. Hayaan mo siya", nakasimangot na sagot nito.
"Mukha naman pong valid ang rason niya kaya hindi nakarating", aniyang nginitian ito.
"Siguraduhin lang niyang hindi babae iyan at talagang itatakwil ko siya", nakasimangot sa sabi nito.
"Kaya mo Tita?", nakangiting tanong niya habang nakataas ang kilay.
Napaisip naman ang matanda, maya-maya ay napangiti.
"Well......., on the contrary huwag na nga lang. Sayang naman kung mawawalan ako ng guwapong anak. Pero malilintikan talaga sa akin ang lalaking iyon".
"Speaking of the devil, paano kaya ako natunton ng lalaking ito. Malamang galing ito sa shop ko at nagtanong sa mga tauhan ko. Nakalimutan kong nagbilin na huwag sabihin kung saan ako nagpunta", anitong nakatingin sa entrance ng restaurant.
Nakatalikod kasi siya sa entrance kaya naman lumingon siya upang tingnan ang tinitingnan ni Tita Martha. Napasinghap siya nang makita kung sino ang papasok ngayon at naglalakad palapit sa kanila. No other than Lenard Sebastian, smiling broadly, while his eyes are fixed on her. Ito ba ang anak ni Tita Martha?
Nagmamadaling bumaba si Lenard sa shop ng ina nang makarating siya. Siguradong galit na galit na ito sa kaniya. May usapan kasi silang magla-lunch ngayon kaya lang ay dumating ang manager niya at sinabing may karerang magaganap sa Italy sa susunod na buwan at nagtatanong kung interesado siyang sumali. Maliban doon ay pinag-usapan din nila ang susunod na activity ng foundation niya. Kaya naman hindi siya nakaalis kaagad upang puntahan ang ina. Nang tawagan naman niya ito ay hindi sumasagot kaya nakakatiyak siyang nagtatampo ito sa kaniya.
Pagpasok niya sa shop nito ay wala ito roon, mabuti na lang at alam ng mga tauhan nito kung saan ito madalas magpunta kapag umaalis sa shop. May paborito pala itong restaurant na malapit lang sa shop nito, at madalas ay naroon ito. Kaya naman sinundan na lang niya ito roon. Pwede naman silang mag-late lunch or merienda kung papayag ang Mommy niya.
Pagpasok niya sa restaurant ay inilibot niya ang paningin upang hanapin ang ina. Naroon ito sa isang table sa gilid at may kaharap na babae. Nakaharap ang Mommy niya sa entrance kaya naman agad siyang nakita nito. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng ina kaya naman napangiwi siya. Maya-maya ay may sinabi ito sa kausap kaya naman lumingon ang babaeng kasama nito. Ganoon na lamang ang gulat ni Lenard nang makitang si Faith ang kasama ng Mommy niya. Well, well, well, looks like fate is on his side today, nagkita uli sila ni Faith. Mukhang hindi na niya kailangang puntahan si Tristan para makuha ang number ng dalaga. Sa naisip ay malapad ang ngiting lumapit siya sa mga ito.
"Hi Ma", bati ni Lenard na hinalikan ang ina sa pisngi nang makalapit siya sa mga ito. Umingos lang ang ina bago siya sinita.
"What are you doing here, kanina pa tapos ang lunch time".
"Sorry na Ma, bawi na lang ako please"
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)
RomanceBehind the handsome face, she was irritated to death by his arrogance the moment they met. Swearing to never crossed path with him again, she put that incident at the back of her mind. But how can she totally forget him, when fate seems to work agai...