Chapter 15 : If only

100 3 2
                                    


Nakaupo si Faith sa gilid ng cafe nila habang nirereview ang mga kitchen supplies na dapat nilang bilhin upang masigurong walang kulang nang bigla na lang umupo sa harap niya si Chantal. Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito nang nakapanglumbabang nakatingin lang ito sa kaniya.

"Ano'ng kailangan mo? Ang daming customers, mag-serve ka ka dun".

"Kaya na nila iyan", anitong ikinumpas pa ang kamay.

"So....", anitong hinarap siya.

Hindi niya pinansin ang kaibigan at ipinagpatuloy ang ginagawa. Alam naman niyang, hindi ito aalis hangga't hindi nasasabi ang gustong sabihin, pansinin man niya ito o hindi"

"Huhulaan ko, inimbitahan ka ni Lenard sa isang event this Saturday no?", nakangising tanong nito.

Nakakunot ang noong nag-angat siya ng tingin sa kaibigan.

"Ang bilis ng tsismis ah, wala naman akong pinagsabihan kahit isa sa inyo".

"Magaling ako eh", ani Chantal na mas lumapad pa ang ngiti. "So may date nga uli kayo sa Sabado?"

"Wala na ba kayong ibang mapagdiskitahan kundi ako?"

"Hmmmmm, hindi ka nagde-deny"

"I'm not confirming either"

"Psshhh........ Anyway kaya alam ko, kasi nakita ko sa program ng event ang pangalan niya. So I assume, inaya ka niya. Tama?"

"Oo na, so ano naman ngayon?"

"Wala lang, gusto ko lang i-confirm. Guys...", tawag nito kina Marge at Jenneth na parehong nasa counter. Nagkakahera si Marge at gumagawa naman ng kape si Jenneth. "May tsismis dito, dali".

"Bakit ba nandito kayong lahat ngayon? Wala ba kayong mga ginagawa?", nakasimangot niyang tanong nang makalapit na rin ang dalawa sa kanila ni Chantal. Nakakagulat na halos lagi silang kumpleto sa cafe nitong mga nakaraang araw na nagdu-duty siya sa cafe nila. Paminsan-minsan lang mangyari iyon dahil pare-pareho silang busy. Kaya naman nakakapagtaka na palagi silang kumpleto lately.

"Well, madalas kasi ang ganap dito at katatapos lang naman ng fashion show ko, so vacation mode pa ang utak ko", ani Marge.

"So tuloy na nga ang vacation niyo ni Tristan? Kailan ang alis niyo?", tanong ni Jenneth.

"After your engagement party. Para pagbalik ko, energized ako para sa kasal niyo ni kuya"

"Ikaw na babae ka, ba't ka nandito?", tanong ni Faith kay Chantal.

"Wala akong ganap kaya dito na lang ako sa may ganap", nakangising sagot nito.

"Walang ganap dito", sikmat ni Faith.

"Aba, meron. You, going out on a date again, pang-ilang labas niyo na nga uli iyan?"

"Third na ata", singit ni Marge.

"See! That's something"

"Alam niyo kayo, ang gugulo niyo. Kayo itong sulsol ng sulsol sa aking makipag-date, ngayon naman sinundo ko kayo, iniintriga niyo naman ako".

"So, okay ka na talagang makipag-date", nanlalaki ang matang wika ni Marge. "Oh my god, may sakit ka ba?", anitong kinapa pa ang noo niya.

Naiiritang tinapik lang ni Faith ang kamay ng kaibigan bago seryosong binalingan ang mga Ito.

"Pwede ba, tigilan niyo nga ako."

"Something changed", ani Jenneth na matamang nakatitig sa kaniya. "You're different".

COFFEE LAND : FAITH (Ang Kusinera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon