PRESENT DAY.
Nagising si Elisha at binalingan si Faye saka napangiti. Hindi pa rin siya makapaniwala na katabi niya na ngayon ang babaeng pinakaiibig. Wala ng mas makakapagpasaya sa kanya kundi ang katotohanang kasama niya ito at nananatiling siya ang mahal nito sa kabila ng walong taong lumipas na hindi sila nagkasama.
Highschool pa lang sila nang magsimulang mag-ibigan at hanggang ngayon ay mahal pa rin nila ang isa't-isa sa kabila ng maraming masasakit na nangyari. Nang malaman nito noon ang tungkol sa sumpa, akala niya lalayo ito at matatakot sa kanya pero hindi 'yon nangyari. Bagkus, pinatatag sila no'n.
EIGHT YEARS ago..."Hindi ko inaalala ang tungkol sa sumpa mo. Kaya ko 'yong tanggapin," sabi ni Faye. Bagamat ilang araw silang hindi nag-usap matapos niyang sabihin dito ang totoo, hindi ito nakatiis at kinausap nga siya nito nang masinsinan.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa nakikita ang halimaw na bahagi ko," sabi niya. Sa rooftop sila nag-uusap dahil secure sila roon. Pinuntahan siya nito during lunchtime at dinala roon upang makapag-usap sila nang masinsinan.
"Sandali, klaruhin natin 'yang pagiging halimaw na sinasabi mo. Kapag ba nagbabagong-anyo ka eh nalilimutan mo kung sino ka?" paniniyak ni Faye.
Umiling siya. "Hindi. Kilala ko pa rin ang sarili ko."
"Naaalala mo pa rin ba ako o ang pamilya mo?"
"Oo," kunot-noo niyang sagot. "Bakit mo tinatanong?"
"So nagiging monster ka lang physically at hindi mentally, emotionally, spiritually o kahit ano pang 'ly' 'yan, tama?"
"Parang gano'n na nga."
"Elisha, hanggang hindi puso mo ang nagbabago, hindi ako lalayo sa'yo," seryoso nitong sabi kaya natigilan siya. "Pinag-isipan ko lahat ng sinabi mo. Ipinaliwanag sa akin ni Elijah ang consequences ng pag-ibig mo para sa akin. Ngayon ko napagtanto kung bakit nang sabihin mong mahal mo ako ay bigla mong binawi," and she began sobbing. "Loving someone like you requires a lifetime commitment if not forever. Klinaro 'yan sa akin ni Elijah. Klinaro rin niya sa akin na wala kang balak na pigilan ako sakaling magmahal ako ng iba. He told me to be honest to you always. Your curse is your lifetime vow to love me while my feelings are not constant."
Tumango siya. "That's why I will understand if someday, may pumalit sa akin diyan sa puso mo. Walang katiyakan kung hanggang kailan mo'ko kayang ibigin."
"Elisha, sa tingin mo, magagawa ko pang umibig ng iba gayong alam ko na merong taong umiibig, nahihirapan at nasasaktan dahil lang inibig niya ako? Wala ng iba pang makakapantay sa pag-ibig mo para sa akin," umiiyak nitong sabi. "Elisha, hindi ako mayaman. Wala ako kahit na anumang maipagmamalaki o maibibigay sa'yo kapalit no'n."
"Faye, hindi mo dapat iniisip ang agwat natin sa buhay. Wala akong pakialam kung ano ang estado mo sa buhay basta manatili ka lang sa tabi ko."
Tumango ang dalaga. "Okay. Promise. Wala ng argument tungkol sa estado sa buhay. Iibigin kita, ganyan man ang anyo mo o maging monster ka man. That's my decision," matatag at mariin nitong sabi.
"Faye..."
"Allow me to be a part of your mysterious world. Let me partake of your sufferings. It's all I can do," she said while sobbing. Tuwang-tuwa siya sa narinig and he embraced her. Inakala niyang hindi siya nito matatanggap pero nagkamali siya.
"I love you, Faye."
"I love you more. You're all I have," anito and she kissed him. May takot pa rin sa puso ni Elisha pero unti-unti na iyong napaparam dahil sa pangako nila ni Faye sa isa't-isa.
For two years, nagawa nilang itago ang kanilang relasyon mula sa ibang tao. Kahit ang mga nakatatandang kapatid niya na noo'y mas nananatili sa ibang bansa ay walang alam tungkol sa pagbabagong-anyo niya. Tanging si Elijah lang ang nakakaalam sa relasyon nila and every fullmoon, naroon si Faye sa basement ng bahay nila upang samahan siya sa pagbabagong-anyo. Minsan, upang hindi niya mabulabog ang iba niyang mga kapatid ay nagpupunta talaga sila sa gubat para doon siya makapagbagong-anyo. Every transformation was deadly painful na talagang ikinahihina niya pero payapa siyang nagbabagong-anyo lalo na kapag naroon si Faye. Faye remained faithful to him and their love for each other grew as years passed.
Ngunit isang araw, may sinabi si Faye na ikinagimbal niya. College na silang pareho ni Faye noon pero magkaiba ng pinapasukang school.
"Nagkita kayo ni Ate?" paniniyak niya. Nagkita sila sa cafeteria ng isang mall. Ikwenento nito ang mga nangyari sa pagkikita nito at ng ate niya. Her sister told her threats na alam niyang makakayang gawin ng family matriarch nila kaya bigla siyang kinabahan. "Wala akong alam na nandito siya ng Pilipinas. Matagal ko na siyang hindi nakikita."
"Elisha, sa tingin ko, matagal na niyang alam ang relasyon natin."
"What? Si Elijah lang ang may alam ng relasyon natin."
"Siguro nga matagal niyo na siyang hindi nakikita but it doesn't mean hindi niya kayo mino-monitor. Malamang may inuutusan siyang magbantay sa inyo nang hindi niyo nalalaman."
Biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Si Elijah ang tumatawag kaya sinagot niya iyon. Makalipas ang mahigit isang minuto ay natapos ang pag-uusap nila ng kakambal niya. "May dinner mamaya sa bahay. Dadating sina Kuya Eli at Kuya Zee," inform niya pero mababakas sa tinig ang pag-aalala. "At pati siya."
Nabahiran din ng pag-aalala ang mukha ni Faye.. "Ang ate mo?" paniniyak nito.
"Parang ayokong umuwi kung hindi lang dahil kay Kuya Eli."
"Kailangan mong umuwi, Elisha. You must," sabi ni Faye.
Tiningnan niya ito. "She will be in the dinner tonight. Could you pray for us?"
"You know that I don't pray, Elisha," sagot nito na naiiyak.
"Then for the first time, pray. Hindi maaawa ang ate ko sa ating dalawa, kahit sa akin. I violated the Ultimate rule in the family to never tell others about the family secret but you know it, Faye," sabi niya saka hinalikan sa pisngi si Faye. Halos ayaw na siya nitong bitawan pero sa bandang huli ay pareho silang walang nagawa.
Hinanda niya ang sarili sa mangyayari sa gabing iyon. Ang totoo, matagal na niyang naisip ang maaari niyang gawin sa oras na malaman ng ate niya ang relasyon nila ni Faye. Kahit ikamatay niya ay hindi niya iiwan ang babaeng minamahal.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 1: Manticore's Sting
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Get to know the first known woman who defies all the odds and the first known Contreras...