Prologue

4.6K 148 4
                                    

“HABULIN niyo siya!”
           Dinig na dinig niya ang mga boses na iyon habang panay ang takbo sa makapal na talahiban. Balewala na ang mga sugat niya sa paa, braso at mukha dahil ang tanging nais niya ay makatakas at mabuhay.
           Kailangan niyang mabuhay para sa lalaking kanyang pinakamamahal.
           Kailangan niya itong iligtas.
           “Hanapin niyo siya. Hindi siya pwedeng makatakas. Alam niya ang tungkol sa sumpa!” sabi ng lalaking tinig.
           Ang sumpa. Ang sumpang hindi maaaring mabunyag at malaman ng iba ngunit alam niya ang tungkol doon kaya siya ngayon hinahabol.
           Puno man ng pangamba ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo. Mahihirapan ang mga humahabol sa kanya na makita siya dahil sa dilim. Ang tanging liwanag sa paligid ay ang liwanag mula sa buwan.
           “Kumusta na kaya siya? Tiyak na naghihirap siya ngayon,” nasasaktan niyang naisip. Nakaalis na siya mula sa talahiban at nasa public road na. Binilisan niya ang pagtakbo upang ‘di siya mahabol ng mga naghahabol sa kanya ngunit siya’y matigilan.
           “Sinabihan na kita noon ngunit ‘di ka nakinig,” maawtoridad na sabi ng babaeng nasa kanyang harapan at papalapit sa kanya. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Galit na galit siya rito dahil sa walang awa nitong pagpapahirap sa kanya at sa lalaking pinakamamahal niya.
           “Ano’ng ginawa mo sa kanya?” nagngingitngit niyang tanong.
           “Hindi mo siya makukuha. Hindi ikaw ang nababagay sa kanya.”
           “Wala kang karapatang magsalita ng ganyan. Hindi ka Diyos para malaman kung sino ang nababagay sa kanya at sino ang hindi. Wala kang kasing sama!”
           “Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin pero ‘di ka na muling makakalapit pa sa kanya,” anito sabay tuon ng baril sa kanya kaya napaatras siya. “Pagsisisihan mo ang araw na nakilala mo siya at minahal. You don’t belong to him nor does he belong to you. Isa ka lang dumi na kaya kong alisin huwag lang madikit sa kanya.”
           “Hayup ka!” sigaw niya kasabay ng pagputok ng baril. Isang malakas na tama sa dibdib ang nagpabagsak sa kanya at duguan siyang bumagsak sa aspaltadong kalsada.
           Hanggang dito na lang ba talaga siya?
           Isang malakas na ungol mula sa isang tila hayop ang kanyang narinig. Sa kabila ng papalabo niyang paningin, naaninag pa rin niya ang isang nilalang na papalapit. Umuungol ito na parang nasasaktan rin gaya niya. Napangiti siya habang lumuluha.
           “Elisha…” usal niya bago tuluyang nilamon ng dilim ang kanyang kamalayan.
 

Symphonian Curse 1: Manticore's StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon