Chapter Twenty-Three- Together

104 9 2
                                    


LUMAYO sila sa siyudad. Nagtungo sila sa isang lugar na malayo sa siyudad, sa isang probinsya. Doon, bagamat simple ang pamumuhay ay naging masaya sila ni Faye. Sa pinuntahan nilang lugar, hindi pa gaanong uso ang mga makabagong teknolihiya at hindi gaanong abot ng modernisasyon kaya wala silang naging contact sa sinuman sa kanilang mga kakilala lalo na sa kanyang pamilya. Nami-miss man ni Elisha ang kanyang mga kapatid ay mas minabuti niyang huwag silang kontakin upang hindi sila matunton ng kanyang ate.
           Business management ang kurso niya pero bilang isang magsasaka, hindi niya iyon gaanong nagagamit na okay lang naman sa kanya. Si Faye naman ay kuntento na sa pagiging maybahay niya. Tama. Para sa mga tagaroon, bagong kasal na mag-asawa sila na lumayo sa siyudad upang magsimula ng sarili nilang pamilya.
           “Pareho na po kaming ulila,” sabi niya sa mag-asawang may-ari ng lupang kanyang sinasaka at tinataniman ng iba’t ibang klaseng gulay na ipinagbibili nila sa lungsod. Madalas na ang mga mag-asawa ang kasama nila ni Faye dahil ang mga ito ang pinakamalapit nilang kapit-bahay. Bagamat may mga anak ang mga ito ay hindi na roon nakatira dahil nagpunta na ng siyudad at doon na nagsipag-asawa.
           Totoo namang ulila na rin siya. Bata pa lang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang kaya ang naging guardian niya at ng kanyang mga kapatid ay ang ate at Kuya Eli nila.
           “Wala ba kayong mga kapatid?” tanong ni Aling Marcela.
           “Nag-iisang anak po ako,” sagot ni Faye.
           “Meron po akong mga kapatid pero hindi nila gusto ang relasyon ko kay Fe kaya nagtanan kami,” sagot niya naman. Para sa mag-asawa, siya si Eli (e-lai) at si Faye ay Fe.  
           “Naku, wala pala talagang ipinagkaiba ang henerasyon namin sa henerasyon ninyo,” sabi ni Mang Dolpo at saka nito ikwenento ang buhay-pag-ibig nito at ni Aling Marcela. Ang mga ito ang tumayong mga magulang nila roon at nakiusap sila sa mga ito na walang pagsasabihan ng tungkol sa kanila. May tiwala naman sila sa mag-asawa.
           Ang tinitirahan nila ni Faye ay ilang metro mula sa tirahan ng butihing mag-asawa. Malapit sila sa may ilog at doon madalas na naglalaba si Faye at doon din sila madalas tumambay kapag gusto nilang ‘mag-date’.
           “Akala ko takot ka sa dagat kaya ayaw mong magpunta tayo ng beach,” sabi niya rito.
           “Oo nga pero ilog naman kasi ito at hindi beach. Isa pa, ang babaw o!” sabi ni Faye. Napatili ito nang wisikan niya ng tubig sa mukha. Gumanti rin ito sa kanya at naghabulan na nga sila. Niyakap niya ito pero pareho silang nadulas. Bumagsak sila sa ilog pero nagtatawanan pa lang kahit basa na. Ang simpleng kulitan ay madalas na nauuwi sa maiinit na tagpo. Hindi man sila kasal, para sa kanila ay kasal na sila sa isa’t isa.
           Hinawakan ni Faye ang kanyang mga kamay habang yakap niya ito mula sa likuran. Nakaupo sila sa batuhan malapit sa ilog matapos ang kanilang pagtatalik. Sa lugar na iyon ay hindi nila kailangang magpanggap na ibang tao at sa lugar na iyon din ay malaya nilang naipaparating sa isa’t isang ang kanilang pag-ibig.
           “Mahal, hindi ka ba nagsisisi?” tanong ni Faye habang nakasandal sa kanya.
           “Tuwing hahawakan mo ang mga kamay ko ay parati mo ‘yang tinatanong,” natatawang puna ni Elisha. “You don’t have to feel guilt every time you see my hands. They’re not as smooth as before but they’re the hands I chose to have because they’re the hands that freely embrace you,” he whispered and Faye turned to him, teary-eyed.
           “Hindi ka sanay sa hirap pero narito ka ngayon kasama ko.”
           Hinalikan niya sa pisngi si Faye at niyakap nang mahigpit. “Wala akong pagsisisi na pinili kita dahil mahal kita, Faye. Masaya ako sa piling mo kahit gaano pa tayo maghirap. On the other hand, ‘wag mong isipin na hindi ako sanay sa hirap. Siguro nga hindi ako sanay sa ganito kasimple na buhay pero hindi naman ibig sabihin ay hindi ko kakayanin ang ganitong pamumuhay. Bata pa lang ako ay sinanay na ako nina Kuya Eli at Kuya Zee na mabuhay nang hindi nangangailangan ng maids o katulong. Isa pa, walang kahit isa sa amin ang spoiled.”
           Ngumiti na ito. “Pansin ko nga na creative ka pagdating sa mga pagkain.”
           “Told you. Isa pa, kaya akong ikubli ng kagubatan tuwing kabilugan ng buwan kaya mas okay na rin sa akin na narito tayo. Again, don’t feel guilty. Ako nga ang dapat ma-guilty dahil napilitan kang iwan ang pag-aaral mo para sa akin.”
           Umiling si Faye. “It was my decision to go with you.”
           “Just like it’s my decision to be with you so don’t be sad anymore. We’re on this together, my Faye,” he said and planted a kiss on her temple. “I love you, Mahal.”
           “I love you, too.”

 
BUT THOSE happy moments lasted when after three months, they were found by his sister. This time, hindi na siya nakalaban pa. Sinubukan niyang iligtas si Faye pero huli na, nangyari na ang kinatatakutan niyang mangyari. He saw his sister pulling the trigger. She shot Faye. Noong mga panahong iyon, masyado siyang mahina para protektahan ang minamahal. He was weakened by his transformation at pakiramdam niya ay siya ang binaril sa dibdib.
           Wala ng malay si Faye nang lapitan niya. It was after a full moon night at bagamat bumalik na siya sa pagiging tao ay hindi pa bumabalik ang kanyang lakas.
           “She’s still alive,” sabi ng ate niya.
           “Elisha...” tawag ni Faye sa kanya. Duguan ito pero pinilit nitong ngumiti. “I prayed for you and he answered,” tears streaming from her eyes as she closed them.
           “S-save her,” umiiyak niyang pagmamakaawa habang yakap ang nobya.
           “So that she can be with you again?”
           “Please save her. I promise you, hindi na ako magpapakita pa sa kanya.”
           Yumukod ito sa harap niya. “That’s not enough. Habang naaalala ka niya, hahanapin at hahanapin ka niya. I have an idea, though. I can take away all her memories about you. When memories are gone, feelings are also gone with them.”
           Napahagulhol siya ng iyak saka tumango. “Just make her safe. Please.”
           Hinawakan ng ate niya ang ulo ni Faye. He saw lights in her hand at habang ginagawa iyon ng ate niya, hindi niya inilayo ang tingin kay Faye. Ito na ang huling beses na mayayakap at mamamasdan niya ang magandang mukha ng babaeng pinakamamahal.
           “I’m so sorry, mahal,” bulong niya saka hinalikan ito sa noo.
           “Do what you promise and I will never harm her,” sabi ng ate niya saka lumayo sa kanila. “Hindi ito aabot sa ganito kung nakinig ka lang sa akin.”
           “I wish Faye never fell in love with someone like me. I wish I never belong in this family and I wish you’re never my sister,” mahina niyang sabi. Unti-unti ng nagpapakita ang araw sa silangan at ibig sabihin lang no’n ay kailangan na niyang iwan si Faye nang tuluyan.
           “Like I said, fate never gave us a chance. Never.”
           Somebody pulled him away from Faye and she was taken away from him. Mahinang-mahina siya at tuluyang nawalan nang malay.
 

PRESENT DAY.
           Hanggang doon lang ang naaalala ni Elisha. Pagkagising niya kasi ay nasa ibang bansa na siya dahil dinala siya ng pamilya niya sa Amerika. Doon na siya nagpatuloy sa pag-aaral at kahit si Elijah ay napilitang sumunod. Hindi naging okay sa biglaang desisyon ang kakambal niya maging ang kapatid nilang si F pero tikom ang bibig ng kanilang mga kuya. Mula rin noon ay hindi na niya nakitang muli ang kanilang ate o si Faye. Sa Amerika siya nagtapos ng pag-aaral at bumalik lang siya ng bansa nang magtrabaho siya sa Twin Zodiac Philippines.
           Muli niyang binalingan si Faye sa tabi niya. Napangiti siya nang mapansing gising na ito at nakatitig lang sa kanya. Then she held his hands.
           “Too tired to sing?” tanong nito. He smiled even more. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga nito at kinanta ang awiting memorable para sa kanilang dalawa. She listened intently and lovingly with tears in her eyes.
          “Say you’ll marry me...” he whispered.
           “You know I do,” she answered.
           “That’s all I ask of you,” and he kissed her forehead.
 

Symphonian Curse 1: Manticore's StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon