Chapter Twenty-Two- Running Away

107 8 2
                                    

GAYA ng inaasahan ni Elisha, nagkaroon nga ng komprontasyon. Nangyari iyon matapos ang hapunan kaya hindi nila kasama sina F, S at Star. Nasa studyroom sila kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid at si Elijah. Doon ay napilitan siyang magsabi ng tungkol sa kanyang sitwasyon at ang tungkol sa pag-iibigan nila ni Faye.
           “You’re transforming?” gulat na gulat ang Kuya Zee niya.
           “Kailan pa?” mahinahon pero halatang nagpipigil lang din ng emosyon si Eli.
           “Since two years ago.”
           “Gano’n katagal mo na itong tinatago sa amin?” tumaas ang boses ng Kuya Zee niya. Nakakatakot magalit ang kuya niyang ito kaya dumoble ang kaba niya. “Of all people, ikaw pa talaga ang gumawa nito? Bakit hindi mo ito sinabi sa amin?”
           “Kung sinabi ko ba sa inyo, mapipigilan niyo ang pagbabagong-anyo ko?”
           “’Wag kang pilosopo, Elisha,” may bahid ng galit sa tinig ni Eli.
           “Pero ‘yon ang totoo Kuya Eli, Kuya Zee. I fell in love and it’s unchangeable. Sinubukan ko namang pigilan ang damdamin ko pero nangyari na eh.”
           “Kung nagsabi ka sa amin, baka may nagawa pa kami,” sabi ni Eli. “Elisha, hindi ka namin pinagbabawalang umibig pero hindi sa ganitong edad. Kung ang mga mas matatanda pa sa iyo o sa amin ay nagbabago ang damdamin at nalilito pa between love, concern and pity, mga kagaya mo pa kaya na teenager? Kung sinabi mo sa amin, pwede ka naming mailayo agad at saka mo mapag-iisipan kung pag-ibig ba talaga ang nararamdaman mo o fascination lang.”
           “I am in love with her,” mariin niyang sabi.
           “At siya? Hanggang kailan ka niya mamahalin?” malamig ang tinig na sabad ng ate nila na kanina pa nananahimik pero nakikinig lang sa usapan nilang magkakapatid. Elisha was speechless. There was that infamous question again.
           “Until death,” sabad ni Elijah at napabaling sila sa kakambal niya. “Yes, I knew it ever since. Kilala ko ang babaeng mahal ni Elisha who happens to be my best friend.”
           “Your best friend? Faith Escueta,” usisa ni Zee. Nakilala na noon nina Eli at Zee si Faye pero bilang kaibigan lang nila. “And you tolerated your twin-brother?”
           “Yes. Ganyan kayo makaasta dahil hindi niyo naman nakita ang paghihirap ng kakambal ko. Kung husgahan niyo si Elisha ay parang mga love expert kayo. Hindi masamang babae ang minahal ng kakambal ko. Matino siyang babae. Mahirap siya, oo, pero mahal niya si Elisha higit pa sa iniisip ninyo,” sumbat ni Elijah sa mga kapatid nila. He was very touched sa ginawang pagtatanggol ng kakambal niya sa kanya.
           “I saw her,” sabi ng ate nila.
           “Binantaan mo siyang papatayin kapag hindi siya lumayo sa akin,” he said.
           “You did that?” nagulat si Eli at napabaling sa ate nila.
           “Elisha, if you really loved her, you will leave her,” utos ng kanilang ate sa kanya. Ilang beses siyang napalunok dahil may bahid kasi ng pagbabanta ang pagkasabi nito.
           “I won’t,” sagot niya.
           “Do not try my patience, Elisha Contreras. Leave her or I’ll kill her.”
           “Hermana!” saway ni Eli sa kakambal nito.
           “Kapag pinatay mo si Faye, mamamatay rin si Elisha,” sabi ni Elijah. “Alam mo ‘yan!”
           Lumapit ang babae sa kanya at pinakatitigan siya nang husto. Napaatras siya. Noon pa man ay takot na siya rito. Noon pa man ay alam na niyang kaya nitong manakit para lang
makuha ang gusto nito. Hindi ito napunta sa kinalalagyan nito ngayon nang walang sinasaktan. Akma siya nitong hahawakan nang pigilan ito ni Eli.
           “Stop. Don’t hurt our brother.” Iwinaksi nito ang kamay ni Eli.
           “Our stupid brother, falling in love with a good-for-nothing girl. Sabi niya, ikaw lang ang meron siya. Hindi niyo iiwan ang isa’t isa? Well, subukan niyang sundan ka sa lugar na pagdadalhan ko sa’yo,” sabi nito.
           “Why can’t you give her a chance?” pakiusap niya.
           “Chance? Did fate give us a chance? Never, Elisha. Sa pamilyang ito, walang lugar para sa pagkakamali lalo na sa larangan ng pag-ibig.”
           “All I ask is a chance, a chance to let Faye prove herself that she deserves to belong with me. A chance to let me prove to myself that I am worth to be loved despite my inherited curse. Kung hindi siya, alam mong wala ng ibang mamahalin ang puso ko!”
           “Masisiguro mo bang mamahalin ka niya kahit halimaw na ang itsura mo?”
           “Oo!” lumuluha niyang sagot. Natigilan ito. “Alam niya ang sumpa at tinanggap niya iyon. Tinanggap niya ang buong pagkatao ko, Ate.”
           “A-alam niya?”
           “Opo, alam niya. Matagal na.”
           Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya. Sa lakas ng sampal ay tumilapon ang suot niyang eyeglasses at natulig siya. Akma siyang sasaktan pa nito nang pigilan ito ni Eli at humarang naman si Zee sa harap niya. Nagulat siya sa dahas na ipinakita ng ate niya at pati si Elijah ay hindi nakakilos sa kinatatayuan nito sa sobrang gulat.
           “Ilabas mo muna si Elisha, Elijah!” utos ni Zee. Agad siyang inilabas ni Elijah mula sa study room at nagpunta sila sa silid nila. Pareho sila ng silid. Agad na nag-impake si Elijah pero mga damit niya ang ipinapasok nito sa malaking bag.
           “Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya.
           “’Wag mo ng hintayin na gawin niya ang balak niya kay Faye. Umalis na kayo rito. ‘Wag na ‘wag na kayong magpapakita sa amin,” sabi ng kakambal niya. Meron itong kinuha sa drawer nito at nanlaki ang mga mata niya nang makitang pera ang mga iyon. Pinasok ni Elijah ang pera sa bag. Binuksan din nito ang drawer niya at kinuha mula roon ang spare eyeglasses niya at iniabot sa kanya. “Elisha, naniniwala akong si Faye ang babaeng para sa’yo kaya dapat lang na ipaglaban mo siya. Hindi ako papayag na wala kayong happy ending ng best friend ko. Mag-iingat kayo,” naiiyak nitong sabi saka siya niyakap.
           “Thank you, Lijah.”
           “Lumayo kayo. ‘Yong malayong-malayo. Kung maaari, ‘yong walang kahit na ano’ng SGC branch o company para hindi kayo ma-locate ng matriarch.”
           “Oo.” Sinamahan siya nito sa labas at ilang sandali pa ay nakaalis na siya. Agad siyang nagpunta kay Faye. Nang yayain niya itong magtanan, walang pagdadalawang-isip itong sumama sa kanya.
          
 

Symphonian Curse 1: Manticore's StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon