Chapter Thirty-Three- Manticore's Sting

114 9 0
                                    

MATAGAL na mula noong huli niyang makita ang anyong iyon ni Elisha.

           “Diyan ka lang sa likod ko, Faye,” ani Elijah. Napatili siya nang bigla silang lundagan ni Elisha pero sinalubong ito ni Elijah at nagpambuno ang dalawa sa sahig. Si Elijah ang nasa ilalim at pigil-pigil ang bibig ng dambuhalang halimaw. Dati, kapag nagbabagong-anyo si Elisha ay nagtatago ito at lumalapit lamang siya kapag nanghina na ito pero iba si Elisha ngayon.

           And she suddenly remembered Queen Diamond’s words.

           “Ikaw ang nag-iisang babae na nagpahirap, nagpapahirap at magpapahirap sa kanya.”

           Sa naalala ay naluha siya ngunit huli na para umatras. “’Wag Elisha! Si Elijah ‘yan, ang kakambal mo!” sigaw niya rito saka lumapit.

           “’Wag Faye!” sigaw ni Elijah pero hindi siya nagpaawat. Bago pa siya makalapit ay ang buntot nito ang sumalubong sa kanya. Pakiramdam niya ay troso ang tumama sa sikmura niya nang tamaan siya ng buntot nito at sa lakas ng pagkakatama ay tumilapon siya sa isang sulok. Nakita niya ang kumot at bumangon siya saka kinuha iyon. Abala ito sa pakikipaglaban kay Elijah kaya hindi siya nito napansin. Tinakpan niya ng kumot si Elisha kaya nagwala ito nang walang maaninag. Niyakap niya ito nang mahigpit sa leeg at buong lakas na hinila palayo kay Elijah. Malaki ito at nahirapan siyang kumapit lalo na dahil nagwawala pa ito.

           “Elisha! Please Elisha, tumigil ka na!” umiiyak niyang sigaw. Umungol ito nang malakas habang pilit siyang inaalis sa pagkakayakap dito. Konti na lang at makakabitiw na siya. “Elisha, ako ito! Si Faye, ang mahal mo!” sigaw niya.

           “Faye, sa likod mo!” sigaw ni Elijah. Natigilan siya at huli na para makaiwas. Napasigaw siya nang naramdaman ang pagsaksak ng buntot nito sa likod niya saka siya nakabitaw. She fell on the floor and in an instant, she felt the burning sting in her body. Hindi siya nakagalaw. Nanghihina siya at nandilim ang kanyang paningin. Narinig niya ang ungol ni Elisha pero hindi na iyon mabalasik. Sa halip, parang nasaktan din ito gaya niya.

           “Elisha... mahal...” tawag niya sa nobyo. Ilang beses niyang ikinurap ang kanyang mga mata. Nang muli siyang magdilat, naaninag niya si Elisha at nasa tabi na niya ito. Kanina ay wala siyang makitang pagkakilala sa mga mata nito pero ngayon ay nakilala na siya ng lalaki.

           Hinimas-himas niya ang mahaba nitong buhok. Napansin niya ang likido sa gilid ng mga mata ni Elisha. “Mahal...” she whispered. Kahit masakit ang buong katawan niya ay pinilit niyang bumangon habang nakahawak sa mane nito. Naupo sa tabi niya si Elisha na ngayon ay nanghihina na. Then, she buried her face on his neck and cried silently.

           “Faye...”

           Natigilan siya. Alam niyang boses iyon ni Elisha. “Elisha?”

           “I’m sorry, Faye. I’m so sorry,” anito. Naririnig niya ito pero sa isip lang. She’s happy that he could recognize her and embraced him even more.

           “Don’t be sorry. This is my promise to you. I will always be with you, human or not. I love you so much,” she whispered. Kasabay ng pagkawala ng kanyang kamalayan ay payapa ring nakapagpahinga si Elisha.


 
NANG balikan ng malay si Faye ay nasa sariling silid na niya siya. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala si Elisha pero agad siyang napahiga ulit nang makaramdam ng pananakit sa katawan. Bumaling siya sa pinto nang pumasok si Elijah na may dalang tray ng pagkain. Napansin niya ang bandages sa braso nito.

           “Faye? Oh, thank God you’re awake!” bulalas nito. Inilapag nito ang pagkain sa bedside table at nilapitan siya.

           “Si Elisha?” agad niyang tanong.

           “Tulog pa. He’s so weak and bukas pa ‘yon magkakamalay.”

           “Anong oras na ba?” tanong niya.

           “Alas diyes na ng umaga. More than ten hours ka ng tulog.”

           Nagulat siya. “Ganito ba talaga ito? Hindi ko ito naranasan noon.”

           “According to Kuya Eli, the absence of the person Elisha loves is like the absence of love itself. Wala siyang nakikilala kapag nagta-transform siya. He doesn’t feel love kahit sa kakilala pa niya. Your absence for eight years made his monster side more monstrous. Pero kagabi, it was different. Sa walong taon kong pagbabantay sa kanya during his transformation, last night was the most peaceful,” sabi nito. “He recognized you. He was pacified by your embrace. He felt safe and loved again.”

           She smiled and felt so relieved. “Elijah, salamat at nandoon ka.”

           “Wala ‘yon. Alam mo namang pareho kayong mahalaga sa buhay ko.”

           “Natamaan ka na rin ba ng kamandag niya?” usisa niya rito.

           “Oo naman, maraming beses na. Hindi ‘yon nakakalason gaya ng sting ng tunay na scorpion pero mapaparalisa ka ng ilang oras, gaya ngayon. Don’t worry, mawawala rin ‘yan. Magpalakas ka para makita mo na siya agad.

           She nodded. Kinain niya ang pagkaing dala ni Elijah. Gusto na niyang makita ang nobyo pero dahil parehong pagod ay hindi sila nagkita ni Elisha ng araw na iyon. By next day, nakakatayo na siya nang ‘di nabubuwal at saka pa lang din niya nakita si Eli. Medyo malakas na rin ito. Naabutan niya ito sa balcony at may kausap sa cellphone.

           “Dear, ayos na ako. Malakas na ako,” anito sa kausap using British accent na English. “Nasabi ko na sa mga kapatid ko ang tungkol sa’yo at kay Zara. Well, kakambal ko lang yata ang may ayaw sa’yo. She knew you, by the way, maybe by reputation only.”

           Mukhang si Debbie ang kausap nito. ‘Di na niya sana ito papansinin nang marinig niya ang sumunod nitong mga sinabi.

           “Ikakasal ang younger brother ko and we’re invited. You’ll know about my family’s wedding traditions. Gagawin mo rin ang mga iyon someday,” excited na wika ni Eli. Napangiti siya. Sigurado siyang magiging napaka-exciting ng magiging kasal nina Eli at Debbie.

           Tumuloy na si Faye sa silid ni Elisha at naabutan niya ang nobyo na nakahiga pa rin sa kama nito. Medyo mahina pa ito pero nakakakilos na ng konti. Agad siyang sumampa sa kama at yumakap sa lalaki. Natatawa itong gumanti ng yakap sa kanya. Kanina pa ito gising at hinihintay lang din siya. “I miss you,” bulong nito.

           “Me too. Pwede bang dito muna ako matulog mamayang gabi?” tanong niya.

           Nginitian siya nito nang may kapilyuhan. “May balak kang pagsamantalahan ang kahinaan ko, ano?” nanunudyo nitong tanong. Kinurot niya ito sa tagiliran. “Aw!”

           “Mag-behave ka kung ayaw mong pagsamantalahan nga kita,” natatawa niyang sabi. Tinawanan lang din siya nito. She leaned on his chest and smiled while under his safe arms. Elisha planted a kiss on her forehead as they together fell into slumber embracing each other. Regardless of what the full moon brought and would bring ay wala na siyang maihihiling pa.
 
 

Symphonian Curse 1: Manticore's StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon