ISA IYON sa pinaka-busy na araw ni Faye bilang secretary ni Elijah Dominguez. Napakaraming papeles na kailangang tapusin at kahit lunch break na ay hindi pa rin siya nagpaawat. May business meeting na dinaluhan ang boss niya. Bandang alas dos na ng hapon ng makaramdam siya ng hapdi sa sikmura at medyo nahihilo na rin siya. Nasa ganoong kalagayan siya nang dumating si Elisha.
“Miss Escueta,” tawag nito sa kanya. Agad siyang napatayo.
“Ah, good afternoon, Mr. Dominguez,” bati niya rito.
“Is your boss already here?”
“No, sir. He hasn’t arrived yet, sir.” Tumango ito saka akmang aalis nang matigilan at muli siyang nilingon. Nakakunot-noo itong napatitig sa kanya kaya nagtaka siya. “Bakit po?”
“Namumutla ka, Ms. Escueta,” puna nito.
“Po? Ah... wala po ‘to.”
“Have you eaten your lunch?” nagdududa nitong tanong. Hindi siya nakasagot agad. Sa uri ng titig nito, mahahalata nito kung magsisinungaling siya. Bago pa man siya makasagot ay nagsalita ulit ito. “Come with me.”
“Po? Saan po?”
“Stop asking questions, Ms. Escueta,” mariin nitong utos.
“Eh sir, marami pa po akong trabaho at –”
“I am maybe not your boss but I can still fire you due to insubordination,” nagbabanta nitong wika na ikinawala ng kanyang imik. “Now, let’s go,” utos nito saka nagpatiuna ng lumakad. Walang imik siyang sumunod rito.
Akala niya kung saan sila pupunta kaya laking gulat niya nang dalhin siya nito sa isang Filipino restaurant. Doon ay pinabayaan siya nitong kumain hanggang kaya niya habang nagkape lang ito. Gutom na gutom talaga siya na nalimutan niya ang kanyang poise. Wala siyang pakialam kung may mga matang nakamasid sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang may kinokontak ito sa cellphone. After some time ay may kausap na ito.
“Alam mo bang kakakain lang ng secretary mo?” pagalit nitong sabi sa kausap. Muntik na siyang mabulunan nang mahulaang si Elijah ang kausap nito. “Masasapak kita, Elijah. Ni minsan hindi ko pinabayaang magutom ang secretary ko tapos ikaw... Sisantehin kita riyan eh!”
Napamaang siya sa narinig.
“Siguraduhin mo lang na mai-close mo ang deal na ‘yan, pero kahit magawa mo pa ‘yan, may kasalanan ka pa rin sa akin. Mag-iingat ka sa pag-uwi... stop laughing! Walang nakakatawa sa mga nangyari. Bye!” Aburido pa rin ito nang itago ang cellphone. Speechless pa rin siya. Dapat ba siyang matakot? Iba pala ang temper nito. Natatakot siya dahil baka bulyawan siya ni Elijah pero at the same time, na-touch siya sa concern ni Elisha.
“Sir...”
“Bakit?” nakakunot-noo man ito pero gwapo pa rin.
“Hindi naman po kasalanan ni Sir Elijah kung nagutom ako. Nalimutan ko po kasi na lampas lunch time na at –” hindi na niya naituloy ang mga sasabihin nang bigla nitong pahiran ng tissue ang lower lip niya. Na-freeze siya. Suddenly, strange scenes flashed in her mind.
She saw a man wiping smudges of ice cream on a woman’s lower lip using his hand. Parehong nakangiti ang mga ito. The woman looked like her while the man looked like –
“Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo, Faye,” concern na sabi ni Elisha na siyang nagpabalik sa diwa niya sa realidad. Hindi siya nakasagot habang nakatitig sa gwapong mukha ni Elisha. Napakapamilyar ng mga titig nito at pati paraan ng pagbanggit nito sa pangalan niya ay pamilyar din.
“Excuse me, Sir. Sa restroom po muna ako,” pasintabi niya saka agad na nagpunta sa ladies’ room at humarap sa salamin. Hindi iyon ang unang beses na nakakita siya ng pangitain, kung matatawag nga iyon na pangitain. Nangyari na iyon noong makulong sila ni Elisha sa elevator.
“Ano’ng nangyayari sa akin?” naitanong niya sa sarili. Ilang sandali rin niyang hinamig ang sarili bago lumabas at bumalik sa table nila. Itinuloy na niya ang pagkain pero hinay-hinay na. Naisip niya na baka nasobrahan lang siya ng kain kanina.
Bandang alas-tres na nang bumalik sila sa opisina. Saka niya natanggap ang tawag ni Elijah. “Sir?”
“Faye, are you all right? Nagpalipas ka raw ng gutom sabi ni Elisha,” puno ng concern nitong sabi.
“Nakalimot po ako sa oras eh,” paliwanag niya.
“Please don’t do it next time,” mas tunog pakiusap iyon kesa utos.
“Yes, Sir.”
“Hindi na ako pupunta riyan. Tapusin mo ang kaya mong tapusin at umuwi ka sa tamang oras ng pag-uwi. Magpahinga ka ha?” payo nito sa kanya. Nakakatuwa na nakakahiyang isipin na ang boss niya pa ang gusto na siya’y magpahinga. Sobra-sobra ang concern nito sa kanya. Nang matapos ang pag-uusap nila ay bumalik na siya sa kanyang naudlot na trabaho.
Around five o’clock nang puntahan siya ni Janna.
“Hindi ka pa tapos?” tanong nito.
“Konti na lang ‘to,” aniya.
“Hindi ka rin workaholic, ano?” natatawang tanong ni Janna.
“Ayoko kasing nakatambak ang trabaho bukas,” rason niya.
“Sabi ni Mr. Dominguez, hilahin daw kita mula sa trabaho kapag lunch time na,” sabi nito na halatang nanunukso. “Alalang-alala siya sa’yo kanina.”
“Oo nga eh. Nagi-guilty ako. Ganoon ba siya parati?”
“Mabait ang boss ko pero first time na nangyari na nakita ko siyang ganoon ka-concern sa isang tao lalo na at babae. Feeling ko Faye, gusto ka niya,” kinikilig na sabi ni Janna.
“Sira! Boss ‘yon, secretary lang ako.”
“Faye, walang boss at secretary pagdating sa love.”
“Guni-guni mo lang ‘yan,” aniya kahit medyo kinakabahan. Si Elisha magkakagusto sa kanya? Imposible yata. Sino siya kumpara sa isang Elisha Dominguez? Hindi talaga bagay, gaano man niya isipin.
“Di ba sabi ko sa’yo noon, okay lang magka-crush sa kanila pero bawal ma-inlove? May exception iyon, Faye. Kung sila ang unang ma-inlove sa’yo at in love ka rin sa isa sa kanila, go for it!” encourage ni Janna sa kanya.
“Ano ba naman ‘yan? OA na ‘yan ha,” pinilit niyang matawa sa sinabi nito pero sa puso niya, may pag-asam siyang nararamdaman. Tinapik siya ng kaibigan sa balikat.
“Faye, all is fair in love.”
“Wala akong gusto kay Sir Elisha,” aniya pero hindi rin sigurado. Noon pa mang bago pa siya roon ay crush na niya ang boss ng kaibigan niya.
“Hindi ‘yan ang napapansin ko.”
“Janna, crush ko nga siya pero ang ma-inlove sa kanya? Wala pa akong planong mamatay. Baka may girlfriend na ‘yon eh,” kaswal niyang sabi.
“May rumors na minsan ng nasaktan dahil sa pag-ibig ang boss ko pero who knows? Ikaw lang pala ang lunas sa sugatan niyang puso,” sabi nito sabay kindat sa kanya. Natawa siya sa pagka-OA nito. Ang wild din ng imagination.
“Tigilan mo na nga ako. Wala akong balak magbigti.”
“Okay pero hindi ka pa talaga uuwi?”
“Maya-maya na. Tatapusin ko muna ito.”
“Ikaw ang bahala. Huwag kang magpapagabi ha? Mag-aalala na naman ‘yong boss ko,” nanunukso nitong sabi na ikinailing niya. “Bye, Faye!”
“Bye!” at umalis na nga si Janna. Inabala na niya ulit ang sarili sa kanyang trabaho pero sumisingit sa isipan niya ang sinabi ni Janna tungkol kay Elisha.
“Nasaktan na siya dahil sa pag-ibig noon. Bakit? Iniwan kaya siya ng babae at pinagpalit sa iba? Ang sama naman ng babaeng iyon,” naisip niya. Kawawa naman pala ang lalaki kung iyon nga ang nangyari.
Nangalumbaba siya. “Hay naku Elisha. Kung ako ang minahal mo, hindi ka magsisisi. Sigurado ‘yon. Bubusugin kita ng aking pag-ibig at pagkalinga,” nakangiti niyang sabi na tila nangangarap. Ngunit nang maisip niya ang agwat nila sa buhay, minabuti na lamang niya na alisin sa isipan ang ideya na may gusto si Elisha sa kanya. Sa panaginip lang iyon mangyayari.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 1: Manticore's Sting
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Get to know the first known woman who defies all the odds and the first known Contreras...