TULALA si Faye sa harap ng salamin. Nakapagbihis na siya ng tuyong damit courtesy of the host at tinulungan siya ni Janna dahil shock pa rin siya. Kung alam lang ng mga ito. Habang nakatitig sa reflection niya sa salamin ay naisip niya ang mga nangyari. Malinaw sa isip niya ang mga eksena at sa tindi ng eksenang iyon, sigurado siyang lovers ang dalawa.
“Bunga lang ba iyon ng pagkagusto ko sa kanya?” naitanong ni Faye sa sarili. Alam niyang mahilig siyang mag-imagine pero sobrang erotic ng eksenang iyon para maisip niya. Sa sobrang detailed, pakiramdam niya ay totoong experience niya ‘yon. Posible bang ma-imagine nang ditalyado ang isang bagay na ‘di mo pa nararanasan? Wala siyang karanasan sa sex.
She blushed. Gusto niyang ikahiya ang sarili.
“Nababaliw ka na talaga, Faye!” kastigo niya sa sarili. Napaigtad siya nang may kumatok. Bumukas ang pinto saka pumasok si Elisha at gaya niya ay nakabihis na ito. Wala rin itong suot na eyeglasses. Lumapit ito sa kanya. “Ayos ka na ba?” tanong nito.
“Opo,” sagot niya. ‘Di siya makatingin dito nang deritso rito dahil nahihiya siya.
“Aalis na tayo. Ako na ang maghahatid sa’yo,” anito. Walang imik siyang tumango. Lumabas na sila ng silid at nagpunta ng parking lot. Hindi niya alam kung nasaan na sina Elijah at Janna. Hanggang sa loob ng kotse ay tahimik pa rin siya at umiimik lang siya kapag itinuturo niya ang direksyon patungo sa kanyang bahay. Hindi rin naman ito nagsalita. Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na sila ng kanyang tirahan.
“Dito ka nakatira?” tanong nito. Tumango siya. Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng mabili niya ang maliit na apartment na iyon. Mag-isa lang siya kaya sapat na ang ganoong
tirahan para sa kanya.
“Gusto niyo pong pumasok? Magkape po muna kayo,” alok niya rito. Akala niya tatanggi ito kaya nagulat siya sa pagpayag ni Elisha.
INILIBOT ni Elisha ang paningin sa kabuuan ng maliit na one-room apartment. Maliit iyon pero malinis at maayos. May maliit na sala set at fourteen-inch television. May DVD player din at ilang DVDs. Iisa lang ang kitchen at dining room. May isang silid lang doon na sigurado siyang kay Faye. May glass cabinet na puro libro ang laman pero ang nakakuha ng atensiyon niya ay ang magkakasunod na white folders. Binuksan niya ang cabinet at kumuha ng isang folder. Sa cover no’n ay may bold text na ‘Les Miserables’.
“Mahilig pa rin pala siya sa mga ito,” naisip niya. Sigurado siya na ang iba pang mga white folders ay puro kopya ng mga sikat na theatre o musical play. Ibinalik niya ang folder sa cabinet at tiyempong pagbalik ni Faye ay may dala na itong tasa ng kape.
“Salamat,” aniya saka kinuha ang kape. “Mag-isa ka lang ba dito?”
“Oo. Bata pa lang ako nang mamatay ang mga magulang ko sa isang ship accident. Lumubog ang barkong sinasakyan namin at ako lang ang nakaligtas sa aming tatlo. Wala akong kapatid,” kwento nito ngunit mukhang naka-move on na at tanggap na ang sinapit.
“Kaya ba hindi ka marunong lumangoy?”
Tumango ito. “Na-trauma ako. Ayoko sa beach o swimming pool. Noong high school o college ako, kapag may mga outing sa beach o pool, ako lang ang hindi nababasa. Hindi pa nga ako nakakabihis ng swimming attire ay nanginginig na ako,” kwento nito saka mahinang natawa.
“Have you ever thought of overcoming your fear?”
“Many times but I can’t help but tremble when I’m nearby beaches and pools. It’s all in my mind,” sagot ni Faye. “Salamat sa pagliligtas niyo sa akin kanina. Nakakahiya. Nasasaksihan niyo parati ang kapalpakan ko.”
“It’s not your fault. Lahat naman tayo ay may mga kapalpakan at kahinaan.”
“Sir, hindi ba kayo nahihirapan na walang suot na eyeglasses?” usisa nito.
“Contact lenses ang suot ko ngayon.”
“Oh,” anito na manghang-mangha. “Kapag ganyan kayo parati, mapagkakamalan po kayong si Sir Elijah.”
“Mukhang hindi mo naman ako napagkamalang siya,” aniya na ikinagitla nito. Mukhang nag-isip pa nga ito kung bakit ganoon but he knew why. Your eyes might deceive you but never your heart. Your heart knew me inside out.
“Sir, salamat po talaga,” sabi ulit nito.
“Stop thanking me. I did what I thought was right,” sabi niya saka ibinaba ang tasa. Naubos na ang kapeng tinimpla nito. “I better go since it’s getting late,” tumayo na siya at inihatid siya nito sa may pinto. Gusto niya pa itong makasama at makausap pero alam niyang mas lalo lang siyang mahihirapang lumayo sa babae kung magtatagal siya roon.
“MAG-IINGAT po kayo,” sabi ni Faye. Nasa pintuan na sila. Bakit parang ayaw niya pa itong umalis? May pakiramdam din siya na ayaw pa siya nitong iwan.
“Mag-iingat ka rin dito,” sabi nito. Tumalikod na si Elisha at naglakad palayo. Hindi nalingid sa kanya ang lungkot sa mga mata ng lalaki bago tumalikod. Napabuntong-hininga pa nga ito. Tama kaya si Janna sa sapantaha nito na may gusto si Elisha sa kanya?
“Sir,” tawag niya sa lalaki. Huminto ito at nilingon siya.
“Bakit?”
“Ayos lang po kayo? Para kasing may problema kayo,” puna niya. Matagal itong hindi umimik na parang may nais sabihin na ‘di masabi. “Hindi naman po sa nakikialam ako pero sa tingin ko kasi, kailangan niyo ng kausap.”
“Sa tingin ko nga rin,” sang-ayon nito.
“Sir.”
“Bakit?” mukhang ito naman ngayon ang nahihiwagaan sa ikinikilos niya.
“Hindi ko po alam kung bakit ganito pero pakiramdam ko ay kilalang-kilala ko na kayo kahit noong una ko pa lang kayong nakita. Kahit medyo masungit kayo noong una, alam ko na mabait kayo. Para bang kilala na kayo noon pa. Kapag ngumingiti kayo pakiramdam ko ay ang lungkot niyo pa rin. Sir, sa totoo lang din, ayoko pa po kayong umalis,” mahaba niyang sabi. Gusto man niyang pigilan ang kanyang bibig ay ‘di na niya nagawa. Nagtuloy-tuloy na siya. Titig na titig ito sa kanya ngunit ‘di naman galit o nagulat. Mukhang inaasahan pa nga nito iyon.
“Pareho lang tayo,” maya-maya’y sabi nito. “Ayoko pa rin sanang umalis.”
It’s her turn to be stunned. Bigla rin ang dagundong ng kanyang dibdib. Mukha ngang nabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
Lumapit ito sa kanya kaya hindi siya nakakilos sa sobrang kaba. Kung tumitig pa ito ay para bang siya ang pinakamahalagang babae sa mundo. Puno pa rin ng lungkot ang mga mata nito pero may kasama ng pananabik. Para bang kay tagal nitong pinigil ang sarili.
“Faye...” banggit nito sa kanyang pangalan and he touched her cheek. “I feel like I’m going to lose you if I’d leave you now,” bulong nito. “I missed you so much, Miss Faye Escueta. Living a life without you is like living without water,” madamdamin nitong wika. Gustuhin man niyang tanungin ito sa kung ano ang ibig nitong sabihin ay hindi niya magawa dahil masyado siyang nalulunod sa presensiya nito.
The next thing she knew, she was in his arms and responding to his hot kisses.
MALIIT ang silid at pang-isahan lang ang kama pero hindi naging hadlang ang masikip na kwartong iyon para sa dalawang tao na tila matagal ng uhaw na makapiling ang isa’t isa. Parang mahihilo si Faye sa bilis ng mga kaganapan at sa init na ibinubuga ng kanyang katawan pati na ng katawang kanyang kaniig sa kasalukuyan.
“Elisha…” usal niya sa pangalan ng lalaking yakap-yakap kasabay ng mahinang ungol na kumawala sa kanyang mga labi nang tuluyang maging isa ang kanilang mga katawan. “Sandali…” pigil niya sa lalaki na agad natigilan at tumitig sa kanya. Kahit puno ng pagnanasa ang mga mata nito ay hindi ito kumilos dahil mas nangibabaw ang pag-aalala nito sa kanya.
“Hindi ka… komportable?” mahina nitong tanong na hindi alam ni Faye kung nagbibiro ba ito o talagang inosente. Hindi naman talaga kasi komportable ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon pero pakiramdam din niya ay hindi siya estranghero sa gaya na iyon.
Pinilit niyang ngumiti kahit nahihirapan saka marahang hinila si Elisha palapit sa kanya at mainit na hinalikan sa mga labi. Naging hudyat iyon upang ipagpatuloy ng lalaki ang nahinto nilang ginagawa. Sa bawat paggalaw nito ay unti-unting nawawala ang sakit at napapalitan ng hindi maipaliwanag na sensasyon. Napahawak siya sa magkabilang-balikat nito at mariing napapikit nang tuluyan niyang maabot ang kasukdulan at ilang saglit pa ay naramdaman din niyang narating din ni Elisha ang rurok. Maingat itong humiga sa tabi niya at pareho silang walang imikan habang nakatitig sa isa’t isa.
“Faye…” he whispered her name as he embraced her. Wala siyang makapang pagsisisi sa kanyang puso bagkus ay nakaramdam siya ng tuwa sa mga naganap. She cupper his face and kissed him and without hesitations, Elisha kissed her passionately. “I love you.”
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 1: Manticore's Sting
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Get to know the first known woman who defies all the odds and the first known Contreras...