IYON ang unang araw niya sa trabaho kaya excited siya. Maaga siyang nagising at nakapag-ayos ng sarili. She’s ready to work in one of the most prestigious advertisement companies in the country and even in the whole Asia, ang Twin Zodiac, Philippines.
Masasabing swerte ang pagkakapadpad niya roon. Nakita lang niya ang hiring online at sa dami ng nag-apply, pinalad siya na mapili. Kung tutuusin, mas bigatin ang mga nakasabayan niya na nag-apply. Hindi rin naman siya patatalo sa credentials. Graduate siya ng Business Secretarial sa isang sikat na university. Mahusay naman siya sa mga dating pinag-trabahuan at siguro para sa kanya talaga ang trabahong iyon.
Napangiti siya habang taas-noo na naglalakad sa kahabaan ng lobby ng TZP building. Namamangha pa rin siya sa ganda ng gusali. Pang-world class.
“This is it!” mahina niyang naibulalas.
Marami ang nagnanais na magtrabaho sa Twin Zodiac, Philippines. Kilala iyon sa buong Pilipinas at isa iyon sa pinakamalaking kompanya ng bansa. Kung tutuusin, branch lang ng kompanya ang nasa Pilipinas dahil ang main branch nito ay nasa U.K. Kahit janitor ka lang daw doon ay napakapalad mo na.
Pero hindi lang dahil mahusay at world-class and advertising company kaya iyon kilala. Sikat ang TZP dahil kabilang ito sa Symphonia Group of Companies o SGC at ito ang major advertising company ng nasabing napakalaking kompanya. Napakalawak ng impluwensiya ng SGC. Saang probinsya man ay may negosyo ito. Mula sa textile, cosmetics at jewelleries hanggang sa shipping lines, airlines at gold mining, lahat na yata ay napasok na ng SGC.Maliban sa prestige ng kompanya, isa pang dahilan kung bakit kilala ito ay dahil sa mga mismong may-ari. Marami siyang naririnig na mga sabi-sabi tungkol sa mga may-ari. Yes, mga may-ari. SGC was a family business. For more than ten years, SGC was led by a single and powerful family, the Contreras. Wala pang nakakakita sa mga ito. Puro spokeperson lang ang nagsasalita in behalf of any of them and according to stories, the Contreras had eight members na puro magkakapatid. The eldest and the over-all chairman was a woman. She was popularly known as the ‘Queen Diamond’, not because she owned many diamonds but because she was as hard and cold as diamond. Sa walong may-ari, ito ang pinangingilagan kahit mabanggit lang ang alyas nito. The rest of the members of the family were also very discreet too.
“Excuse me, good morning,” bati niya sa babaeng natataranta na inabutan niya sa labas ng isang conference room. Marami itong dala-dalang mga folders kaya tinulungan niya ito. Naawa siya rito dahil balisa na ito gayong umaga pa.
“Ah, Miss ―”
“Kindly help me. I badly need help now,” nakikiusap nitong sabad at hindi na siya nakahuma saka tinulungan na lamang itong dalhin ang ilang folders. Pumasok sila sa conference room. Madilim doon at ang tanging liwanag lang ay ang malaking screen sa harap nila. May nagaganap na meeting at mukhang napaka-importante niyon.
“Isa-isa mong ibigay sa kanila,” mahinang utos ng babae. Tumalima siya. Habang nagbibigay ng mga folders ay panay ang sulyap niya sa lalaking nagsasalita sa harap. Mukhang gwapo pero hindi niya gaanong maaninag dahil sa dilim.Matapos iyon, inakala niyang makakaalis na siya pero heto’t pagse-serve naman ng pagkain ang ginawa nila. Tuloy-tuloy lang ang meeting at puro tungkol sa negosyo ang topic.
“Thank you ha?” bulong ng babaeng tinulungan niya. Nasa bandang likuran sila.
“You’re welcome,” aniya. Kahit papaano ay natutuwa siya dahil natulungan niya ito. “Pwedeng magtanong?”
“Ano iyon?”
“Sino si Mr. Elijah Dominguez?”
Napakunot-noo ito. “Si Sir Elijah? Nandito siya ngayon. Bakit?”
“Ako ang bago niyang secretary,” sagot niya. Napatango ito. “Kung nandito siya, ibig sabihin, pwede ko siyang makausap mamaya.”
“Oo naman. Siya nga pala, I’m Janna. Ikaw?”
“Ako si Faye. Faye Escueta.”
Nag-handshake sila. Akala niya ay agad matatapos ang meeting pero dumaan muna ang halos dalawang oras bago iyon natapos. Kung gano’n pala, magiging nakakapagod ang magiging trabaho niya kesa sa inaasahan at sana hindi masungit ang kanyang magiging boss.
Lumiwanag na ang conference room at nagpalakpakan ang mga naroroon. Saka niya naaninag ng husto ang lalaking speaker kanina at kino-congratulate ito ng mga naroroon. Hindi niya maalis sa mukha nito ang kanyang tingin habang sinusuyod ng titig ang itsura ng lalaki. Kulay itim ang buhok nito na maikli ang gupit, may ‘di kalaparang noo, kulay itim ang mga mata na parang kay amo na natatabingan ng eyeglasses, ilong na matangos at mapupulang mga labi na may tipid na ngiti. In short, napaka-gwapo pala nito.
“Faye, okey ka lang?” untag ni Janna sa kanya.
“Sino siya?” tanong niya na ‘di inaalis ang tingin sa lalaki.
“He’s Mr. Elisha Dominguez, my twin brother,” sagot ng isang baritonong tinig at napalingon siya sa kanyang tabi. Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ang isang lalaking kamukhang-kamukha ng lalaking nasa harapan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Walang halos ipinagkaiba sa itsura ang dalawa pero may tinatagong kapilyuhan ang lalaking nasa tabi niya. Wala rin itong suot na eyeglasses.
“Sir, siya nga po pala si Faye Escueta. Siya ang bago ninyong secretary,” ani Janna. Saka pa lang siya natauhan. Ito pala si Elijah Dominguez!
“Hello po, Sir. I’m Faye Escueta,” pakilala niya. Hindi agad ito umimik at titig na titig lang sa kanya kaya bigla siyang kinabahan. Baka magalit ito dahil may crush siya sa kapatid nito gayong bago lang siya roon.
“Faye,” usal nito sa kanyang pangalan na parang kilalang-kilala na siya. Ngumiti ito. “First day mo pa lang pero nasabak ka na sa giyera rito. ‘Hope you won’t resign immediately.”
“Ah, no sir. I’m a fighter,” sagot niya. Ngumiti ito na para bang natutuwa itong makita siya. Namulsa ito.
“Janna, good job,” anito sa kasama niya. “Kindly take Miss Escueta to her workplace.”
“Yes, sir.”
Tumingin si Elijah sa kakambal nito at may nabasa siyang lungkot sa mga mata ng lalaki. ‘Di gaya ni Elisha, may kahabaan ng kaunti ang itim nitong buhok. Napatingin din siya sa gawi ni Elisha. “Destiny…” usal ng lalaki. Lumapit na si Elijah sa kakambal nito at unti-unti na ring nagsisilabasan ang mga tao sa conference room.
“Janna.”
“Huh?”
“Si Elisha Dominguez ba ang boss mo?”
“Oo, ang pinakamabait na boss sa buong mundo,” nakangiti nitong sagot. Sinulyapan niya ang magkapatid partikular si Elisha. Naramdaman niya ang pagsiko ni Janna sa kanya.
“Gwapo ang mga boss natin pero off-limits sila. Okey lang humanga pero bawal ang ma-in love. Sila ay mga big boss ng TZP. Reality check lang,” sabi nito. Nakuha naman agad niya ang ibig nitong sabihin kaya tumango siya. Nauna na silang lumabas ng conference room pagkatapos magligpit saka sumama kay Janna sa magiging desk niya.
“Ito ang office ni Mr. Dominguez… si Sir Elijah,” anito saka itinuro ang opisina na may nakasarang pintuan. “Kung minsan ay nalilito ako sa itatawag sa dalawang iyon. Pareho kasi ng apelido,” sabi pa nito. “Ito naman ang desk mo” sabi ni Janna pertaining to the table near Elijah Dominguez’s office’s door.
“Thanks. Janna, ano ba ang tawag mo sa boss mo?”
“Si Sir Elijah, usually nagpapatawag siya sa pangalan niya. Si Sir naman, apelido.”
“Matagal ka na ba dito, Janna?”
“Magta-tatlong taon na. ‘Yung secretary na pinalitan mo, matagal din iyon kay Sir Elijah. Nag-asawa na nga lang at nag-migrate sa ibang bansa. Magkatabi lang ang mga office natin kaya pwede tayong magsabay ng lunch, kung okey lang sa’yo.”
“Oo naman,” sagot niya. Magaan ang loob niya kay Janna dahil mabait ito. “Janna, may crush ka rin ba sa boss mo?”
“Ako? At first, na-starstruck ako, parang ikaw kanina. Later on, nang makilala ko siya nang husto, naisip ko na imposibleng maging kami dahil boss ko siya. Nang tumagal, itinuring ko siyang younger brother kesa crush.”
“Younger brother?”
“Ano ka ba? Mas matanda ako ng tatlong taon sa mga boss natin. Twenty-five pa lang ang mga iyon ‘no.”
“Hindi ka halatang twenty-eight.”
“Paligiran ka nga naman ng mga nagagwapuhang kalalakihan, ‘di ka kaya ma-inspire everyday? Heaven na heaven!” anito saka tumawa at natawa rin siya sa kalokohan nito.
Tuwang-tuwa siya sa bago niyang desk. Mabait ang boss niya bagamat playful at kung ituring siya nito ay parang close friend. Maayos itong makitungo kaya na-relieve siya kaya naman pakiramdam niya ay napaka-swerte niya sa kanyang bagong trabaho.
Iyon ang akala niya.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 1: Manticore's Sting
FantastikSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. Get to know the first known woman who defies all the odds and the first known Contreras...