CHAPTER 16

700 37 2
                                    

CHAPTER 16
(Stayne's Pov)

Naglilinis kami ngayon ni Yuri ng buong bahay. Ang bilis ng araw, sa makalawa uuwi na sina Blade. Napapangiti ako, syempre matatapos na ang kunsumisyon ko no. Haha!

"Tapos na akong magwalis, Stayne." nakangiting sabi ni Yuri habang nilalaro ang walis tambo.

Napangiti na lang din ako sa kanya. Actually, nasanay na talaga ako sa pagiging krung krung nya. Hanggang laro lang naman kasi ang alam nya, pero ang pumatay ng tao, mukhang never nyang magagawa. :)

"Ako din. Haha!" sabi ko, patapos na din kasi akong magpunas ng mga ibabaw.

"Tapusin mo yan. Maghahanda lang ako ng meryenda natin ha."

"Sige."

At ayun nga, binilisan ko ang paglilinis. Syempre magmemeryenda na eh. Haha! Punas here, punas there, punas everywhere. At ayun. TAPOS NA ANG GENERAL CLEANING.

Nilagay naman ni Yuri ang meryenda namin sa lamesita sa may salas. Spaghetti na kanina nya pa niluto, tinapay at juice. Pwedeng pwede na syang mag asawa. Haha. Lumapit ako sa kanya at nagsimula na din akong kumain. Medyo madulas pa ang tiles ng sahig dahil basa-basa pa ito.

"Nakakapagod talaga ang maglinis. Nakakainis." sabi nya habang kumakain ng Spag.

Ngayon ka na nga lang naglinis eh! Napaka reklamador nito.

"Okay lang yan, ng mabanat naman ang buto mo."

Isang malalim at mahabang buntong hininga ang pinakawalan nya kaya napatingin ako sa kanya. Nilalaro nya na lang yung spaghetti.

"Uy!" tawag ko sa kanya, pero hindi nya ako pinapansin. Anong problema nya??!

"Huy Uridyte!" tawag ko ulit, pero hindi pa rin sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sa spag nya at nilalaro yun. "May problema ba??"

"Wala." sagot nya tapos bigla syang tumayo.

Wala?! Hindi ako naniniwala sa kanya. Tumayo din ako at pinilit kong hablutin sya pero natisod yata ang paa nya kaya na out of balance sya at dahil nakahawak ako sa braso nya, hinawakan nya din ang kamay ko para kumuha ng balanse pero dahil hindi din ako nakahanda, kasama nya akong napasubsob sa sahi--- sa ibabaw nya?!!

Alam mo yung pwesto namin? Nasa ibabaw nya ako at nakasubsob sa kilikili nya. Wow! Buti walang nakakasulasok na amoy ang kilikili nya kundi na suffocate na ako. Haha! Pero pag tingala ko sa mukha nya e nakapikit sya. Sabog ang bangs nya na hindi naman nakaharang sa mukha nya.

"Y-yuri!?" sabay tayo ko at binuhat ko ang ulo nya sabay lagay sa lap ko.

"Yuri?! Okay ka lang ba?! Yur--"

"Hayaan mo muna akong ganito, Stayne. I mean hayaan mo munang ganito tayo."

****
(Yuri's Pov)

Medyo awkward lang ang posisyon namin. Ang sakit ng ulo ko huhu. Bakit naman kasi ngayon pa natisod sa paanan ng lamesitang yun eh. At ngayon eto ako, nakahiga sa lap ni Stayne habang nakaupo sya sa sahig. Ang sarap ng pakiramdam. Nanatili akong nakapikit.

Hindi ko sya pinapansin kanina, bakit?? Kasi naiilang ako, nahihiya na ako. Alam mo yung feeling ko?? Parang sasabog na. Hindi ko sya kayan tingnan kasi kapag nakikita ko sya, lalo lang akong nagkakagusto sa kanya. Hay! Gustong gusto ko talaga sya. As in SOBRA! Kaso.... kaso....

"Yuri." sabi nya,

Nakapikit lang ako at ninanamnam ang konting minutong nakahiga ako sa lap nya. Naramdaman ko naman na hinawi nya ang bangs at buhok ko na nakatakip sa mukha ko. Ayokong makita sya na nakatingin sa mukha ko. Naramdaman ko din na binuhat nya ako at inihiga sa sofa, pero yung ulo ko, nasa Lap pa rin nya. Ang sarap sa pakiramdam nung ganito.

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon