CHAPTER 36

566 27 7
                                    

CHAPTER 36
(Yuri's Pov)

Nakasilip ako sa bintana ng kwarto ko. Malalim na ang gabi, pero hindi talaga ako makatulog. Hindi pa rin alam ni Stayne o ni Blade ang plano ko, sinulyapan ko ang isang maleta ko kung saan nandun ang lahat ng damit ko. Naimpake ko na ang gamit na dadalhin ko kahapon pa. Pinaasikaso na din ni Mama ang lahat ng papel ko sa isa sa mga katiwala nya dito sa Pilipinas. Aalis na ako mamayang madaling araw. Natanawan ko si Stayne na pumunta sa garden, at umupo sa bermuda grass. 'Patawad, Stayne.'
Bumaba ako sa kusina at kumuha ng brownies at juice saka ako lumabas ng bahay para puntahan si Stayne.

"Hindi ka rin ba makatulog??" basag ko sa katahimikan. Tumingin sya sakin at tumabi naman ako sa kanya.

"Parang ayokong matulog. Hindi ko alam kung bakit."

Katahimikan. Nakatingala siya sa langit at ako naman ay nakatingin sa kanya. Sorry, Stayne. Sorry.

"Magsayaw tayo." yaya nya sakin. Tumayo sya at inakay ako patayo.

"Sayaw?? Ano naman ang sasayawin natin??" tanung ko. Nakatitig lang sya sa mata ko.

"Kahit ano, may pakiramdam kasi ako na parang hindi na kita makikita."

Medyo kinabahan ako sa sinabi nya. Imposible naman na alam nya, dahil hindi sya pumapasok sa kwarto ko nitong nagdaang araw.

"Sabayan mo na lang akong sumayaw." nakangiting sabi nya saka naglabas ng cellphone.

Sabayan syang sumayaw?? Sa ilalim bg buwan?? Ng kami lang dalawa.

"Ano namang sasayawin natin??" tanung ko.

"Wait For You."

Biglang parang may nagbara sa dibdib ko. Bakit naman ganun ang title? Masyado yatang patama sakin ito. Stayne, nahihirapan ako. Nahihirapan akong iwan ka. T.T Nagsimula na ang intro at hinawakan nya ang bewang ko, nilagay nya sa balikat ang kamay ko.

"I never felt nothing in the world like this before,
Now I'm missing you and i'm wishing you would come back through my door.
Oohh,
Why did you have to go?
You could have let me know
So now, i'm all alone."

Sinasabayan nya ang kanta, na para bang sinasabi na rin nya iyon sakin. Mabilis ang pagsayaw namin, hindi ito sweetdance na tulad ng kadalasang nangyayari.

"Girl, you could have stayed but you wouldn't give me a chance..
With you  not around, its little bit more than i can stand
Oohh
And all my tears, they keep runnin' through my face
Why did you turn away???"

Lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Lalo mo akong pinapahirapan sa desisyon ko. Stayne, bakit mo ko tinitingnan ng ganyan?? Nag iwas ako ng tingin, hindi ko sya kayang titigan.

"So why does your pride
Make you run and hide?
Are you that afraid of me??
But i know its a lie
What you keep inside,
This is not how you wanted to be."

Oo. Hindi nga ito ang gusto ko. Hindi ko gusto ang gagawin ko, pero para saatin din ito, Stayne. Para sating lahat. Babalik ako, pangako.

"So baby, i will wait for you
Cause i dont now what else i can do
Dont tell me, i ran out of time.
If it takes the rest of my Life,
Baby, i will wait for you.
If you think I'm fine, it just ain't true.
I really need you in my life.
No matter what i have to do,
I'll wait for you."

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon