CHAPTER 3

872 44 6
                                    

CHAPTER 3:
(STAYNE'S POV)

Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng init at uhaw, nasi-cr din ako. Grabe, summer nga pala ngayon. Gusto kong mag outing. %>_<% Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 3:25am. Kahit antok na antok ako ay bumangon ako para uminom,

Mamukat mukat akong naglakad papuntang kusina. Medyo naliliwanagan yun dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig. Umupo ako sa may lamesa at inum yun ng deretso.

"BLAG!"

Nabitawan ko ang basong hawak ko ng maramdaman kong may malamig na kamay ang humawak sa paa ko. Hindi ako makalagaw. Natuod ako. Hinihila ko ang paa ko pero mahigpit ang pagkakakapit sa binti ko.

"Anak nang!"

"T-ulong."

Biglang nanginig ang buong katawan ko sa narinig ko. Lalo na akong nanigas sa pagkakaupo ko. Hanggang sa dalawang kamay na ang humawak sa binti ko.

"hhA-aaaahhh."

Nag sign of the cross ako sa sobrang takot. Gusto kong magsisigaw at tawagin ang Mama ko. Hanggang sa bitawan na ng kung ano o sino ang paa ko. Bumaba ako mula sa lamesa pero pag lapat ng paa ko sa sahig ay nakita ko ng isang babaeng gumagapang.

"W-wag kang lalapit!" sabi ko habang paatras akong naglalakad.

"Hhhhhaaaaaaaaaaaah."

Gumagapang ang babae papalapit sakin hanggang sa napasandal ako sa tiles ng lababo. Umiilaw ang mga mata nya, nanlilisik. Kulay pula at nangingitim. Tanging mata lang ang nakikita ko. Galit ito at nakatingin sakin.

"Sisipain kita tingnan mo!"pagmamatapang ko pero sa totoo lang parang maiihi ako sa shorts ko sa takot.

"Hhhhaaaaaaahhhhh.."

Tumayo sya ng dahan dahan at naglakad papalapit sakin. Sunod sunod akong napalunok. May isang bagay syang hawak sa kaliwang kamay nya at nasisigurado kong matigas yun. Isang bagay na parang tubo o kahoy o ano.

"W-ag na w-ag kang lalapit sakin!"

"Haaaaaaaaaaaaaah.."

Marahan lang ang paghakbang ng babae, nakayuko ito at iika ika. 'Hindi naman ganito maglakad si Yuring luka luka' kaya talagang lalo akong natakot.

"M-mama!" sabi ko sa sobrang takot.

Nakalapit na ang babae sakin. Halos isang dipa na lang ang pagitan namin. Itinaas ng babae ang kamay nyang may kung anong hawak na matigas na bagay, at parang ihahampas na nya sakin.

"W-ag! Lord!" sigaw ko at sa kahiya hiyang stwasyon ay naihi na ako sa shorts ko.

"Hhhhaaaaaaaah.."

Napapikit ako sa takot. Ramdam na ramdam ko ang pag agos ng ihi ko sa binti ko. Jusko, wala akong magawa. Basta sa ganitong sitwasyon dinaig ko pang istatwa.

"Haaaaaaaaaahhhhhhhhhh"

Dinig na dinig ko hanggang kaibuturan ng pagkatao ko ang boses ng babae. Derederetso pa rin ang pag agos ng ihi ko sa binti ko. Tumaas ang kamay ko na parang sasalagin ang ihahampas nya ng biglang.....

* toink * (isang hampas ng dyaryo)

"Hihihihi! Mukha kang tanga Stayne. Umihi ka pa sa shorts. Kadiri to. Alis nga dyan, maghihilamos ako."

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon