CHAPTER 38

584 26 1
                                    

CHAPTER 38
(Yoo Min's Pov)

Talagang napanganga ako sa ginagawa nya. Walang habas nyang tinaga ang leeg ng baboy. Tumatawa pa sya habang winawakwak sa harap namin ang kaawa-awang baboy.

"Hahahahaha! Bituka. Puso. Atay. Hihihihi!" sabi pa nya habang inaamoy ang laman-loob ng biik.

Sanay ako sa ganitong eksena, kasi nanunuod din ako ng Cannibal. Hindi na bago sa akin ito. Pero si Mommy, kanina pa sya naduduwal. Yung parents naman ng luka lukang ito, nakatakip lang ang kamay sa mukha. Nung una, hindi ko talaga sya gusto. Lagi nya akong tinitingnan ng masama. Pero dahil mukhang mahilig din pala sya sa patayan, na turn on ako bigla. Maganda naman sya, at siguradong mag eenjoy kami sa isa't isa.

"Bagay na bagay kayo, anak. Bagay na bagay." nakangising sabi ni Daddy.

"I know, Dad."

"Akala ko, napakahinhin ng babaeng anak nila. Isa rin pala syang may sapi."

"Hinding hindi ko sya pakakawalan, Dad. Sakin lang ang mala-serial killer na babaeng ito." nakangisi kong sabi habang pinapanuod si Uridyte na halos mabaliw na sa sobrang tuwa sa ginagawa nya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tama, bagay kami. Bagay na bagay kami. At masarap talaga ang pumatay. Hahaha!

---**---
(Yuri's Pov)

"Bwahahaha!!! Eto Uridyte, dukitin mo ang mata ng baboy na ito!" sigaw nya habang inaabot sakin ang ulo ng biik.

"Hahahahaha! Ang saya nito, hindi ko alam na pareho pala tayo ng hilig." dagdag pa nya.

Actually, nagkamali yata ako sa inasal ko. Yung Mama nya, nahimatay na at ngayon ay dinala na nina Mama sa guest room. Ang tatay naman nya, mukhang nag eenjoy pa sa ginagawa namin ng may sayad na lalaking ito. Pinagtatadtad nya ang biik. Tawa sya ng tawa, gigil na gigil din sya at nanlilisik ang mata. Sa halip na sila ang matakot sakin, ako ang natatakot sa kanila. Napaatras ako sa pagkakaupo ko. Yung kusinero at kasambahay namin ay mga nakatalikod lang. Nanginginig at umiiyak dahil sa nasasaksihan nila. Sanay na ako sa kanila. Araw-araw silang ganyan nung dito pa ako nakatira.

"Ayoko na. Manong, linisin ang kalat." utos ko sa isa sa mga kasambahay namin.

"Anong ayaw mo na? Hindi pa ako nag eenjoy." sabi nung Yoo Min at tumayo din. Lumapit sya sakin at pinadaan ang kutsilyong hawak nya sa pisngi ko. "Maglalaro tayo."

Parang gusto ko ng tumakbo. T.T ganito din siguro ang pakiramdam ni Stayne nung panahon na may sapi pa ako. Tsk tsk. Laro pala ang gusto mo ha. Sige, maglalaro tayo. Labanan ang takot, Yuri. Hinugot ko ang isang malaki at mahabang kutsilyo mula sa bulsa ng maxi dress na suot ko.

"Pagsinabi kong takbo, takbo!" sigaw ko sa kanya sabay taas ng kamay kong may hawak na kutsilyo. Papatayin ko na ang may tililing na ito!!!!!

Pero sa halip na tumakbo, humugot din sya ng kutsilyo sa tagiliran nya. Kasing laki ito ng kutsilyong hawak ko.

"Hahahaha! Talagang magkakasundo tayo!" tuwang tuwang sabi nya.

Napatingin kami pareho sa Papa nya ng pumalakpak ito. May sayad din ang Papa nya?? Hindi ito pwede!

"Simulan na natin ang laro, Mahal ko." nakangising sabi nya sakin.

Sinugod nya ako ng kutsilyo nya. Syempre ayoko pang mamatay ano, kaya sinugod ko din sya. Para kaming tangang nagsusugudan ng saksakan.

"I call off the freaking wedding!!" sigaw ko sabay halibas ng kutsilyo.

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon