PROLOGUE

1.5K 58 5
                                    


PROLOGUE:

Gusto ko ng mga manika.

Manika ng mangkukulam.

Gusto ko sa madilim,

Madilim na madilim.

Ayoko sa mga tao,

Feeling ko sasaktan nila ako.

Mahilig ako sa horror,

Pero mas mahilig ako sa PATAYAN.

Yung tipong kita ang LAMAN.

Nasisiyahan ako.

Favorite color ko is BLACK,

kasi nga gusto ko madilim lang.

Favorite ko din ang RED,

kakulay sya ng BLOOD eh.

Wag kayong matakot, normal din akong babae. :)

Pero karamihan sa mga tao, natatakot sakin.

Kasama na dun ang Crush ko.

Ako si FAITH URIDYTE LASTIMOSA. "Yuri" for short.

17 na ako ngayon. College na ako sa pasukan. Natatakot nga ako kasi sanay ako na sa bahay lang nag aaral.

Gusto mo bang makipaglaro??

Tara, Laro tayo ng saksak manika. :)

****

Mahilig akong mantrip.

Pala-kaibigan din akong tao.

Isa akong DANCER.

Hindi ako PLAYBOY, hindi din ako BULLY.

SWABE lang.

Pasaway din ako sa mga magulang. Kaya nga napalayas ako. Haha.

Mapagbiro akong tao. Masayahin. Obvious naman di ba? Haha.

Hanggang sa nakilala ko si Yuri.

Nakakapanghilakbot ang itsura nya. Sobra!

Daig pa si Sadako at Sunako.

Mas maganda pa nga yata si Sunako sa kanya.

At ngayon, magiging taga bantay nya pa ako sa loob ng dalawang linggo, ng kami lang dalawa.

Jusko. Jusko. Jusko Lord.

Matagal pa ang HALLOWEEN pero parang feeling ko araw araw akong nag cecelebrate nito.

("STAYNE! Tingnan mo to." may hawak syang kutsilyo.)

"Ah naku ibaba mo yan."

("Laro tayo. Saksakan.")

Hindi ako nakaimik.

("Tatakbo ka at hahabulin kita.")

"Naku wag na. Delikado yan."

("Sige na. Hindi naman kita papatayin. Laruan lang ito. Mukha bang totoo?")

Jusko. Sya si Yuri. Wirdong babae. MEDYO may pag ka krung-krung pero mapapagtiisan na.

("Wag mo na silang kausapin.")

Ako nga pala si Venom Stayne Fuentanilla. 18 years old na ako. 2nd Year college na pagpasok.

At kaya ako nandito sa bahay nila ay dahil pinalayas ako samin. 3 years na akong nakatira dito. Pero sustentado ako ng parents ko. Bestfriend ko ang kuya nya na si BLADE MIGHTY LASTIMOSA. kagrupo ko sa sayaw.

UNTITLED ang pangalan ng dancegroup namin.

("Manood na lang pala tayo.")

"S-sige. Susunod na ako."

Oh sya. Bahala na si author isalaysay ang karimarimarim na mangyayari sa buhay ko.

Pagbibigyan ko muna ang alaga ko. -_____-

Ipag-pray nyo naman ako. Baka kasi mamaya, totoo ng kutsilyo ang hawak ni Yuri at masaksak na ako.

========================================================================

 

Nagkagulo na ang mga CHARACTER ko. Nawala kasi yung List ko. :(

TokikoShimizu22 :)

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon